Chapter 32: Lavender

Start from the beginning
                                    

Lumapit naman sa akin si Neithan. "Are you okay?"

Tumango naman ako. Nagsidatingan na rin ang iba pa. Niyakap ako ni Airyn nang malapitan ako. "I'm glad that you're okay!"

Mabilis din tumakbo papalapit sa akin si Winzé nang makababa siya sa dragon.

Medyo nagulat pa ako nang yakapin niya rin ako nang mahigpit. Ramdam ko ang panginginig niya. "Thank you, Sendy! Thank you for saving my life!"

Hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam. May naalala lang kasi ako. Sana nailigtas ko rin si Mama.

Ngumiti ako sa kaniya at ibinalik ang wand niya. Nakangiti niya itong tinanggap.

"Sandali! Did Winzé give her wand to you?" gulat na tanong ni Kairo. Mukhang gutay-gutay na rin ang suot niyang cloak. Mukhang napasabak sa laban.

Mabilis akong umiling. "Hindi, pinulot ko lang nang mabitawan niya. Bakit mo natanong?"

"You can't touch someone's wand without the permission of its owner." Napatingin kaming lahat kay Drage na ngayon ay tao na. "That's what Kliffer said to me. Napaso ako nang sinubukan kong hawakan ang wand niya."

Nalito ako sa nalaman ko. "Basta kinuha ko lang ang wand niya at ginamit sa pagpatay n'ong monster."

"Sendy can cast a spell too!" masayang sambit ni Winzé. Napatingin ang lahat sa kaniya.

"Baka isa kang witch?!" gulat na sambit ni Kairo.

"If you're a witch, that's a good news!" masayang sambit ni Airyn.

"Let's go. Nauna na si Charlie," sambit ni Jater sabay abot sa mga kahoy. "Ikaw na lang magpa-apoy ng mga iyan." Tumango na lang si Neithan kay Jater.




**

Payapa na kaming naglalakad ngayon sa gubat na ito habang hawak ang mga kahoy na may apoy na siyang nagbibigay init sa katawan at liwanag sa nilalakaran namin. Gabi pa rin naman at sobrang lamig pa rin.


"Saan kaya natin mahahanap si Lavender?" tanong ko kay Airyn. Naka-angkla ang mga braso nilang dalawa ni Winzé sa magkabilang braso ko at ako ang may hawak ng kahoy na may apoy.


"Hindi ko rin alam pero sana ay mahanap na natin siya." Tumango-tango na lang ako.

Nauunang maglakad si Charlie at nasa likod niya sina Jater at Kairo. Kami ang nasa gitna at nasa bandang likuran namin si Neithan at Drage. Para raw safe kami.

Ilang sandali pa ay may napansin kaming kakaiba.

Biglang tumigil sina Charlie sa paglalakad kaya tumigil rin kami. Napatingin sila sa taas.

Nagulat ako maging si Winzé sa nakikita namin ngayon sa itaas. Ang daming mga itim na owl ang nagsisiliparan sa itaas. May kulay pula silang mata kaya nakakatakot tingnan.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now