"Bawal sabihin. Masyadong maselan."

"Okay. No worries. So bale, kung hindi n'yo totoong kapatid si Kuya Vin, sino ang panganay?"

"Ako saka ang kakambal ko."

"May kakambal ka?" Biglang tanong niya. Nakadama siya ng disappointment.

Tumango ito saka lumabi. "Sorry."

"Bakit ka nagso-sorry?" Pagmamaang-maangan niya.

"Sa hindi pagsasabi sa 'yo niyon ng madalian."

"Disappointed ako." Pag-amin niya. "Magda-dalawang buwan na akong nanliligaw sa 'yo pero hindi mo nasabi sa akin 'yon."

"Sorry. Para hindi ka na magtampo, libre na lang kita." Panunuyo nito.

Umiling siya. "Ayoko."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"If I ask you to kiss me, will you give me one?"

Natigilan ito. "Para hindi ka magtampo, sige, hahalikan kita."

"Seryoso ka? Gagawin mo?"

Tumango ito. "Yup. Ayokong magtampo ka sa akin. Saka ako ang mali."

Tumigil siya sa paglalakad saka humarap dito.

"Then give me a kiss." Pumikit siya.

Hinintay niya na dumampi ang labi ni Hyde sa kanyang labi. Hindi naman iyon nagtagal. Naramdaman niya ang pagdampi ng malambot na labi ni Hyde sa kanyang labi. Akala niya ay pagdampi lamang ang gagawin ni Hyde ngunit nagulat siya ng gumalaw ito.

Gumanti siya ng halik sa parehong intensidad. Devin feels like heaven. Ang halik na ibinigay sa kanya ni Hyde ay nagbigay sa kanya ng kaligayahan. Sobrang kaligayahan na ito lang ang makakapagbigay.

Bumitiw lang sila sa paghalik sa isa't-isa ng kapusin sila ng hininga. Ngumiti siya saka niyakap ito ng mahigpit.

"Thanks for the kiss."

"Walang kaso."

PAGKATAPOS ng halik na ibinigay ni Hyde kay Devin, tumabi ito sa kanya saka hinawakan ang kamay niya. Pareho silang may ngiti sa labi. Alam ni Hyde na hindi gawain ng manliligaw at nililigawan na maghalikan na parang may relasyon pero iyon lang ang hiniling ni Devin sa kanya para mawala ang disappointment nito sa hindi niya pagsasabi na may kakambal siya.

Sa totoo lang, halik na mabilis lang naman talaga ang ibibigay niya rito. Dapat. Pero nang dumampi ang labi niya sa malambot na labi nito ay malakas ang pwersa ng kanyang sarili na palalimin iyon na siya namang ginawa niya. At syet lang! The kiss they shared was so damn hot.

Parang gusto niya tuloy kumanta ng Let It Go. Ang maipadama pa kay Devin ang totoong nararamdaman niya kahit na hindi pa panahon na sabihin niya rito iyon. Well. He just savor the moment that he was beside him. Marami naman silang pagkakataon para masabi dito ang nararamdamn niya.

Napatingin siya kay Devin ng halikan nito ang likuran ng palad niya. Ngumiti ito na ginantihan naman niya.

"Dapat magtampo ako sa 'yo palagi," pagbibiro nito na ikinatawa niya.

"Pananamantala naman ang gagawin mo kung ganoon."

"Siyempre joke lang. Ano pala ang bibilhin mo ulit?"

"Mga materials na gagamitin para sa group activity namin. Ako ang nautusan na bilhin ang mga iyon. Iyon na lang ang pang-ambag ko." Natatawa niyang sabi.

"Ganoon? Pwede kitang tulungan, kayo ng mga kagrupo niyo sa gagawin n'yo."

"Salamat na lang pero huwag na. Abala na iyon sa 'yo, busy ka pa naman na tao."

String from the HeartWhere stories live. Discover now