"Walang kaso basta para sa 'yo lahat gagawin ko."
Natawa ito. Nawala ang awkward atmosphere sa pagitan nila. Naging komportable sila ulit sa isa't-isa.
"May pagka-corny ka talaga, Devin," anito. Nagbibiro. "Kapag may makarinig sa mga sinasabi mo, matu-turnoff lalo na ang mga fans mo."
"Wala akong pakialam. Ikaw at ako naman ang mahalaga katulad ng sinasabi ko sa 'yo, eh."
Hindi ito tumugon. Makikita sa mukha ni Hyde ang kagalakan habang nakatingin sa kanya. Maya-maya ay napailing na lang ito.
"Mais ka na keso ka pa."
"Ganoon naman talaga kapag nagmamahal, hindi ba? Mula nang makilala kita naging mais at keso na ako. Mahal kita, eh."
Umiling-iling ito. "Ikaw na."
Nagsimula na silang maglakad. Katulad dati, hinawakan niya ang kamay nito. Wala naman itong naging pagkontra doon.
"May pupuntahan ka pa ba bago ka umuwi?" Tanong niya.
"Meron pa. Pupunta muna ako sa malapit na palengke para bumili ng mga gagamitin namin sa activity bukas. Ako ang nautusan na gawin iyon, eh."
"Sasamahan kita."
Kung papayag si Hyde, pabor iyon sa kanya. Makakasama niya ito ng matagal. Magkakaroon din siya ng pagkakataon na makapunta sa bahay nito na matagal na niyang gustong gawin. Gusto rin niya na makilala ang pamilya nito.
"Sigurado ka ba? Hindi ka ba pagod, Devin?"
"Hindi pa. Gusto kitang makasama ng matagal. Kung gusto mo rin, pwede mo na akong ipakilala sa pamilya mo bilang manliligaw mo."
Nag-iwas ito ng tingin na ikinadismaya niya. Gayunpaman, hindi niya iyon pinahalata.
"Ikaw ang bahala, Hyde. Okay lang sa akin kung hindi mo gusto."
"Sorry, Devin."
"Okay lang."
"Sorry talaga."
"No worries, Hyde. Magkwento ka na lang tungkol sa 'yo."
"Nagkwento na ako dati pa."
"'Yong pangyayari naman 'yon sa papa mo. 'Yong iba naman."
"Ah okay."
"Anim kaming magkakapatid. Ang panganay namin si Kuya Vin pero hindi naman namin siya totoong kapatid."
Kumunot ang noo niya. Of course, he knew something about it. Pahapyaw naman kasi na nagkwento ito tungkol doon minsan. Ang buong kwento kasi nito ay umikot lang sa pagiging possessive ng papa nito at ang ilang bagay.
"Ampon lang si Kuya Vin. Sabi ni mama bago kami pumunta dito, ibinigay lang daw sa kanya si Kuya ng isang lalaki. Tapos iyon, dahil sa namatay ang totoo namin na kapatid, parang si Kuya ang naging pang-alis ng lungkot ni mama. At dahil sa wala naman silang alam sa totoong pangalan ni Kuya, pinangalanan nilang Vinezzer na totoong pangalan ng Kuya ko."
Tumango-tango siya. "Magulo rin pala, ano?"
"Oo. Magulo nga. Pero kahit na hindi namin kapatid si Kuya Vin, mahal na mahal ko 'yon."
Habang nagkukwento si Hyde, kitang-kita sa mukha nito ang fondness para sa kapatid nito.
"Siguro kaya naging ganoon dahil mabuti ang naging pagpapalaki ng mama mo sa kanya."
"Oo. Ang galing nga ni Mama pati ni Lola kaso parang lumayo ang loob sa amin ni Kuya ng may mangyari na hindi dapat."
Kumunot ang noo niya. "Ano ba ang nangyari na hindi dapat?"
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twelve
Start from the beginning
