Chapter 19: Cyrokinesis

Magsimula sa umpisa
                                    

Napakamot naman sa ulo sina Carlos at Andrei, samantalang si Patrick, napangiti na lang sa katakawan ni Vanessa.

"Ikaw na lang kaya pumunta ng kusina." Napapailing na sabi ni Mich.

"Great idea! Hmm. Cashmere, ano sayo?" Tanong ni Vanessa sa akin.

Ako talaga unang tinanong eh no? Sa bagay, ako ang bagong salta.

"Anything will do Van." Sagot ko sa kanya.

"Sa aki---!" Di pa natutuloy ni Carlos ang sasabihin nya nang lumayas na si Vanessa.

"Sabi ko nga sya na bahala." Bagot na sabi ni Carlos at bumalik na ulit sa pagbabasa.

Masaya silang kasama swear!
Pero parang ang tahimik.

"Nga pala, anong powers ang meron ka Cash?" Out of the blue na tanong ni Andrei.

"Cyrokinesis is her power! Ang cool kaya nun! As in literal na cool guys! She's like Elsa in Frozen!" Sabat ni Michelle.

Sya na si Cashmere, sya na talaga. Di na ako eepal. Hahahaha.

"Hindi ikaw ang tinatanong." Napapailing na sabi ni Carlos.

Napasimangot naman si Mich. Napangiti na lang ako, cute~~~

"So Ice huh. Nice, may kapareho ka ng magic dito sa Academy." Seryosong saad ni Patrick habang nakatulala.

May kapareho? Really?

"Pero di pwedeng may kapareho sya Pat, alam mo namang---!" Di pa natutuloy ni Andrei ang sinasabi nya ng pinutol sya agad ni Patrick.

"Yeah. Walang magic user ang may magkakapareho ng magic, maliban na lang kung namatay na ang may nagmamay-ari ng magic na yun at may pinanganak na bago uli." Nakapangalumbabang paliwanag nya.

"Impossible. Kakakita ko lang kay Frank kanina, kasama nya si Jayden at Carl sa Cafeteria." Singit ni Carlos sa usapan at humarap sa akin. "Sure ka bang Cyrokinesis ang power mo Cash?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.

Tumango ako bilang sagot sa katanungan nya. Napaface palm na lang si Carlos at Andrei.

"I'm a witness! Totoo Cyrokinesis ang ability nya. Kahit pasukin nyo pa ang kwarto nya eh. Magkaparehas lang talaga sila ni Crus---I mean ni Engot na Frank!" Nagmamaktol na sabat ni Mich sa usapan.

"Baka kapatid mo si Frank?" Sabi ni Andrei ng patanong habang kinakamot ang batok.

"Wala ngang magkakapereho ng power diba? Langya." Inis na sambit ni Carlos at binatukan ang kawawang Andrei.

"Eh sa wala akong maisip eh!" Nakapout na maktol ni Andrei.

"Can you prove it?" Request sa akin ni Patrick ng may nag-aalanganing pagmumukha.

"Ah. Okay." Sagot ko.

Lumayo naman si Mich sa akin ng kaunti. Pero halata mo sa kanyang excited ito.

Nagconcentrate naman ako at inisip na kaya kong gawin ito. Pumikit ako ng maigi at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

'Concentrate Cashmere'

Wika ko sa sarili. Ilang segundo pa ang nakalipas, naramdaman kong may lumalabas na na isang malamig na enerhiya sa kamay ko.

Nagmulat na ako ng mga mata.

"Wow!" Sabi ni Mich ng may pagkamangha sa mukha.

Nilaro-laro ko ang munting puting enerhiya sa aking kamay. Isa syang snow pero lumiliwanag.

"Pero paano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Andrei.

"Let's go to the Headmaster, siguradong may alam sya tungkol dito." Seryosong tugon ni Patrick.

Nakakatense ha. Bat ba napakabigdeal na sa kanila to?
Abnormal ba ako? Oh well, lahat kami abnormal dito kase lahat kami na nandito ay may powers. Duh~~.

Pero bat ako may kapareho? Kambal? Eh, kakasabi nga lang diba na walang may magkakapareho dito? Kyah! Ganun ba talaga Author? Isang bagsakan sa isang buong araw? Ang sakit na ng katawan at utak ko na mag-absorb huh. Di ko na po keri itetch!

Lumabas na kami ng dorm nila, dumaan nga kami sa hallway eh. Buti walang pumapansin na babae kami. O baka naman sanay na sila? Hinde. Omeged! Ayoko masita dito!

Nagpapalinga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling walang sisita sa amin. Pero I'm wrong.

"Huy!" Sabi ng nakablue na lalaki sa dulo.

Mga nasa pito silang lahat.
Ano sila, kawal sa Lireo na pinadala ni Reyna Amihan para kami'y makilatis at hatawan ng kaparusahan sa pagtresspass sa isang dorm ng mga lalaki? Omo.

"Patay tayo Cash. Dapat pala sa hagdan ni Van tayo tumawid at hinintay sila na makalabas na lang dito sa East Wing." Nakasimagot na sabi sa akin ni Michelle.

"Babae nga pala kayo. Hahaha!" Tumatawang pang-aaaar sa amin ni Carlos.

"In a count of one, let's run as fast as we can." Utos sa amin ni Patrick.

"We talaga? Damay tayong boys?" Tanong ni Andrei habang dinuro-duro pa ang sarili.

Inis na binatukan naman sya kaagad ni Carlos.

"In a count of ONE!" sigaw ni Patrick at tumakbo na.

"Kyah!" Matinis na tili ni Carlos at lumipad na rin ng ubod ng bilis.

Kala ko ba RUN? Bat sya nag- fly
Wait--ONE pa lang ah.

In-a-count-of-one.

"Run for your lives!" OA na sabi ni Andrei at tumakbo na rin ng mabilis.

"Oh yeah aha." Kumakantang takbo na rin ni Mich.

Automatic na napatingin ako sa likuran ng may maramdaman akong mga yabag ng tumatakbo.

"Sheyt! Nandyan na sila!" Sigaw ko at hinabol na rin yung mga nang-iwan na yun.

Nataranta naman sila, lalo na ako syempre.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon