Chapter Three: That crazy guy!

Start from the beginning
                                        

"Still not ready? Busy? Excuses! I know you're still in love with your ex, friend! Kitang-kita ko sa mga mata mo. Pero sana naman, wag mong isara ang puso mo para sa mga taong handang patunayan sayo na hindi lahat ng lalake pare-pareho at 'yung handa kang mahalin ng buong-buo, walang labis at walang kulang."

"Wooow! Ang lalim naman ng mga sinabi mo friend. Medyo hindi ko kinaya, ha?"

"Syempre naman! Hindi ka ba naiinggit sa akin? Tignan mo nga ako.. ang saya-saya ko lang sa lovelife ko ngayon. Ang sweet sweet kasi ng gummybear ko sa akin eh. Kagabi nga lang magkasama kami eh, sa amin siya natulog."

"Well, ang masasabi ko lang, ma-swerte kayo sa isa't-isa kaya wag mo na pakawalan 'yun, friend."

"I know. And hindi naman na talaga kami maghihiwalay pa. Forever na ituuu! Kaya kung ako sayo, mulat mulat din ng mata pag may time ha? Para makita mo na 'yung hinahanap mong lalake na imposible para sayo!"

"Bakit niya pa hahanapin? Eh nandito na nga ako sa harapan niya eh.." biglang singit naman ni Vince sa amin habang dala-dala 'yung mga pagkain na binili niya.

"Yun naman pala eh!" dagdag ni Nika.

Ngumiti lang ako at sinimulan na lang kumain.

  

Pabalik na kami ngayon sa locker room para mag-ayos at bumalik na ulit sa work.

**

Kakapasok ko lang ng locker room nang makita ko si Nika na mukhang iritang-irita na nakatingin sa cellphone niya.

Nakaayos na ito lahat-lahat at mukhang hinihintay na lang ang kanyang gummybear.

Sa iba't-ibang department kami naka-assign tatlo kaya iba-iba sched namin kung minsan. Si Vince as chef, syempre sa kitchen siya. Si Nika naman server sa F&B at ako sa Front Office.

"Oh, mukhang ikaw naman yata ngayon ang lukot ang mukha dyan?" pagpaparinig ko dito habang kinukuha 'yung mga gamit ko sa locker.

"Nakakainis kasi eh!"

"Bakit? War nanaman ba kayo ng gummybear mo?"

"Ay nako! Hindi nga nagtetext eh! Kanina ko pa siya tinetext at tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot. Patay 'to sa akin kapag nagkita kami! Naku! Makukurot ko singit niya sa inis!"

Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi nito.

Kahit gaano pa talaga kaseryoso 'to si Nika kung minsan, hindi pa rin nito maiwasan ang mapatawa ako.

"Kung gusto mo, sumabay ka na lang sa amin ni Vince. Sobrang late na kung uuwi ka pang mag-isa. Delikado na baka manggahasa ka pa dyan sa labas friend!"

"Manggahasa? Ako manggagahasa? No way! Gummybear ko lang ang gagahasain ko forever no!"

"Baliw ka talaga! Oh ano? Nagtext na si Vince. Papunta na daw siya dito sa locker room para sunduin ako. Sabay ka na sa amin!" pagpupumilit ko sa kaibigan.

It Started With A Wrong Phone CallWhere stories live. Discover now