"Vince!" "Vincente!" Inis na sigaw naming dalawa nang harapin namin ito.
Biglang inakbayan ni Nika si Vince. "At dahil dyan.. ililibre mo kaming dalawa ngayong break! Diba Nique?!" sabi nito at sabay senyas sa akin.
Lumapit din ako kay Vince at inakbayan din ito. "Aba! Syempre! Pambawi mo man lang sa panggugulat sa aming dalawa!"
"Grabe.." pagrereklamo nito.
"Anong grabe?!" sabay na sabi namin ni Nika habang tinitignan ng masama si Vince.
"Grabe.. 'yun lang ba? Libre lang pala eh.. Bilhin ko pa lahat ng gusto niyo eh! Tara na nga!" Bigla itong umacting na masigla kahit halatang-halata naman sa mukha nito na napipilitan lang siya.
"Ehem ehem!"
"Ano nanaman yang ehem ehem mo, Nika? Mukhang may gusto kang sabihin or itanong, ha?"
Nakaupo na kaming dalawa ni Nika habang hinihintay si Vince na umoorder ng mga pagkain namin.
"Balita ko.. may pag-amin na naganap sa inyo kagabi ni Vincente, ha?"
"Huh? Pag-amin? Ano ba yang pinagsasabi mo dyan, Nika?" pagpapatay malisya ko dito.
Pabiro ako nitong tinulak sa balikat. "Oy wag ka nga dyan! Pabebe ka rin eh! Si Vince na po kaya mismo nagsabi sa akin. Kaya wala kang choice kundi ang umamin!"
"Aray friend, ha? Anong aaminin ko? Eh wala naman akong aaminin! Wag ka nga magulo dyan! Wala akong alam sa sinasabi mo."
"Naman, Nique eh!" sabi nito sabay yakap sa akin para maglambing naman.
"Ano ba kasi 'yun?"
Kumalas ito sa pagkakayakap at tumingin sa akin. "Ay paulit-ulit lang tayo ateng? Kainis naman 'to e! Sinabi na nga sa akin ni Vince kaninang umaga na umamin na daw siya sayo ng tunay niyang nararamdaman!"
Tinignan ko ito na parang nagulat at kunwaring walang alam sa sinasabi niya.
"Seryoso naman kasi, Nique! Gusto kong malaman kung ano reaction mo after niyang umamin sayo!" dugtong pa nito.
"Reaction? Wala! Actually, tinawanan ko lang siya because I know, he was only joking!"
"Joking? Wooow! Joke lang para sayo 'yung nararamdaman ni Vincente?"
"Yeah?"
"Ganda mo talaga dyan friend! Manhid ka ba? Matagal na kayang patay na patay sayo yan si Vincente! Teka nga.. umamin ka nga.. hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakaka-move on sa walang kwenta mong ex?! 2 years na 'te!"
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?! Matagal na ho akong naka-move on kay Charlie."
"Eh bakit ayaw mo patulan 'yung nararamdaman sayo ni Vince?! Aber!"
"Simple lang.. I'm still not ready to be in a relationship. Masyado akong busy ngayon."
YOU ARE READING
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
Chapter Three: That crazy guy!
Start from the beginning
