As usual, tinatawanan niya nanaman ako. "Kaloka ka talaga magulat, Nique! Kung anu-anong weird things ang lumalabas sa bibig mo pag nagugulat eh! Kailan pa nagkaroon ng taeng may kalabaw? Ha?" sabi nito at sabay continue ng kanyang nakakabaliw na nakakaasar na tawa.
Tinignan ko lang ito.
Wala kasi ako sa mood ngayon para makipagbaliwan dito. Katatapos lang kasi akong sermunan ni Ma'am Helen, supervisor ko.
Napatigil ito sa pagtawa nang mapansin nito ang pagdedma ko sakanya.
"Oh! Anong nangyari sayo, friend? Bakit parang lukot na lukot ang mukha mo? Pusta! Nasermunan ka nanaman ni Ma'am Helen, no?!"
"Ano pa ba, friend? Alam mo namang nagliliyab sa init 'yung dugo nun sa akin! Hindi yata makukumpleto araw nun hangga't hindi niya ako nasesermunan sa araw-araw." Napabuntong hininga na lang ako sa inis.
"Eh kasi naman ikaw friend, bakit ka ba na-late? Ano bang ginawa niyo ni Vincente kagabi? Aber! Paki-explain nga friend!"
"Maka 'anong-ginawa-niyo-kagabi' ka naman dyan, friend! Akala mo naman parang may ginawa talaga kaming dalawa na kahindik-hindik balahibo ha.. Eh nag-dinner lang naman kami then.." Napahinto ako sa pagsasalita at napaisip nang malalim habang inaalala kung ano nangyari after ng dinner namin ni Vince.
"Then?"
"That crazy guy.." mahinang sabi ko na medyo tulala pa rin sa kaiisip.
"Huh? Crazy guy? Sinong crazy guy?" takang tanong ni Jenika.
"Naalala ko na.. ang tunay na dahilan ng pagka-late ko ngayon sa work! And it was all because of that crazy guy who called me last night while I was in the middle of my sleep."
"Pero.. bakit crazy guy? Ano bang sinabi sayo? Grabe ha, parang ang creepy naman nyan, Nique!"
"Sa tingin ko.. lasing 'yung lalake na 'yun. And hindi niya alam na mali pala 'yung tinatawagan niyang cellphone number!"
"Huh? Teka teka.. kwento mo nga ng buong-buo, Monique! That looks so interesting!"
Napatingin ako sandali dito habang iniisip kung dapat ko pa nga bang ikwento dito 'yung bawat nangyari. Although for me, it's not that really important.. Pero, siya nga pala ang dahilan ng pagka-late ko ngayon sa work.
At.. biglang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi nung lalakeng 'yun kagabi.
Mukhang brokenhearted siya.
At bigla akong nakaramdam ng simpatya dahil alam ko ang pakiramdam ng iwan at masaktan ng taong mahal mo.
Natauhan ako nang mapansin ko ang panglalaki ng mata sa akin ni Jenika.
"Okay, ganito kasi 'yun -- AAAAHHH!" Napatigil ako at sabay kaming napasigaw nang biglang may gumulat sa aming dalawa mula sa likuran namin.
YOU ARE READING
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
Chapter Three: That crazy guy!
Start from the beginning
