Chapter 2: New Hero

536 43 0
                                    

"Start!"

Pagkatapos kong bigkasin ang salitang iyon ay naramdaman ko na parang hinihigop ako papunta sa isang bagong mundo. Maya-maya pa ay napunta ako sa harap ng isang pulang portal.

"Welcome to Legends of Heroes characher creation!" saad ng isang babaeng Elf.

Nakasuot siya ng isang kulay green na cloak at may dala rin itong staff. Nakalugay ang kanyang buhok at malamang  isa itong Artificial Intelligence o AI na Mira ang pangalan.

"Please select a Race!" saad ni Mira.

Kaya naman agad nagpop-out sa aking Virtual Screen ang races na pagpipilian.

[Humans]

[Elves]

[Dwarves]

[Half-Elves]

Agad ko namang pinili ang Half-Elves dahil sila ang mix race ng Humans at Elves. Mataas rin ang kanilang basic stats pagdating sa intelligence at may advantage rin ang race na ito sa magic at affinity to nature.

"Choose your starting location between this towns" saad ulit ni Mira.

May nagpop-out naman ang mga location na kung saan pwede ako makapag umpisa.

[Town of Larosa]

[Town of To'il Kirin]

[Town of Northpass]

Tiningnan ko muna ang kaunlaran ng bawat Town pati na rin ang dami ng mga Heroes na nasa bawat Town. Ang Town na may pinakamaliit na population ay ang To'il Kirin ngunit maraming hunting grounds at Dungeons ang nakapalibot dito. 

Sa bandang timog ng Town ay ang isang malaking forest na puno ng mga aggresive na mga mobs. Kaya naman agad kong pinindot ang Town ng To'il Kirin at pinili bilang starting point dahil sa magandang hunting grounds at maliit nitong population.

"Please select your primary class" saad ni Mira.

Agad namang lumabas sa aking harapan ang Iba't-ibang mga kategorya ng mga class.

[Fighter Class]

[Magician Class]

[Rogue Class]

[Cleric Class]

[Ranger Class]

Pinili ko naman ang Magician Class dahil ito ang mga tipo ng Hero ang ginagamit ko sa lahat ng RPG at Online games na nalaro ko na.

"Do you want to edit you character appearance?" tanong ni Mira.

"Yes!" sagot ko.

Binago ko lang ang hairstyle ko na ngayon ay flat at messy. Iniba ko rin ang kulay ng aking buhok na ngayon ay kulay puti, tuloy kamukha ko na si Jack Frost. Ang iba naman ay hindi ko na binago.

"Please select your In-Game Name (IGN)" saad ulit ni Mira.

"EZ" saad ko naman.

"Character Creation complete! You will be teleported to To'il Kirin in 5 seconds! Enjoy the game!" saad pa ni Mira.

.....5.....

.....4.....

.....3.....

.....2.....

.....1....

Pagkatapos ng countdown ay agad na pumuti ang buo kong paningin at wala akong ibang makita kundi kulay puti.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nasa harap na ako ng fountain sa gitna na Town Square ng To'il Kirin. Napanganga ako sa aking nakikita ngayon. Napakaganda ng mga gusali sa larong ito. Parang nasa Medieval Ages lang ang scenes. Hangang-hanga na tuloy ako ngayon sa game creator ng larong ito.

Legends Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon