Chapter 7: Surprise! The Secret Is Out

Start from the beginning
                                    

Tutulog na eh may mambubuset pa. Tapos 'eto ayaw pang umimik.

"Ano na? Tatayo ka na lang ba diyan?" asik ko.

Napapalitan na ng inis ang antok na nadarama ko kanina.

"Layuan mo siya!"  Was the first thing that left his mouth.

"Huh?" Anong pinagsasabi nito? Mas lalong nag-iinit ang ulo ko.

"Sabi ko layuan mo siya. He's not good for you!"

"Sino?" tanong ko kahit may hinagap na ako kung sino ang tinutukoy niya. Paano niya kaya nalaman na may kaibagan akong lalake. Si Mika lang naman ang sinabihan ko at nasa akin ang loyalty nun. Hindi niya ibabalita ang bagay na yun kay Mike.

"Si Irvine Vincent Roberts. He's bad news sissy..."

What the hell? I stared in his eyes and I can see that he's serious about this. Kahit pa lagi kaming nagtatalo na parang aso't pusa, we care about each other and we give each other unsolicited advises regarding the people we hang out with. Kahit na nasa amin pa din yung desisyon kung pakikinggan ang sinabi nung isa o hindi. And in this case, he's way off mark.

"You're wrong about him Mitch." Yan ang tawag ko sa kanya kapag in good terms kami. "And I've known that guy for a month now. He's cool." 

Nangunot ang noo niya and that doesnt usually happen a lot kasi happy-go-lucky kind of guy siya. Mas madalas na yung mga nakakausap niya at inaasar niya ang laging nakakunot-noo.

"Then you don't know him that well. But that's beside the point. The point is kailangan mo siyang layuan because you're in danger just being close to him..." 

Huh? Wala kong naintindihan sa paliwanag niya. 

"He's harmless Mitch! I know because he can't even fight to defend himself. I had to save him from eight huge guys, well, I didn't know he was there at first. But still. How can he be a danger to me?"

"That may just be an act. He's not as innocent as you thought him to be! He's just simply dangerous! As I've said, you don't know him that well. Just stay away from him. Trust me on this sissy." tapos lumabas na siya ng kwarto ko at iniwan akong naguguluhan. Sinundan ko siya sa kwarto niya kaso ang mokong nag-lock ng pinto tapos ayaw akong pagbuksan.

Kahit anong gawin kong katok, suntok at sipa sa pinto niya, hindi ako pagbuksan.

Pang-asar lang talaga!

What does he mean about Irvine? Does he know him that well para pagbawalan akong ituloy ang pakikipag-kaibigan kay Irvine? Nakakainis talaga ang kamoteng yun! Pinag-iisip pa ako! Pumunta-punta pa sa kwarto ko para sabihin na layuan si Irvine tapos ayway namang i-explain ng ayos kung bakit. Anong 'he's bad news sissy' pinagsasabi ng kumag na yun, eh kung tutuusin eh may matino pa si Irvine kaysa sa kanya.

Lakas ng sayad ng kumag!

Padabog ako na pumasok ng kwarto at pabalibag kong isinara ang pinto. Tiningnan ko ang digital clock sa ibabaw ng study table at lalong nag-init yung ulo ko.

11:45pm

Kukulangin na naman ako nito sa tulog dahil sa kumag na yun! Nawala tuloy yung antok ko!!!

... 10 hours later ..

= Vanessa's POV =   

"Mayumi Santibanez. 17 years old. Third year in BS Psychology. Top of her class in Robertson University. yada yada yada..." 

I stopped listening sa monologue ni Louie after marinig na sa Robertson University siya nag-aaral. Damn it. School mate pa nga sila ni IV. Kung pwede lang na mag-transfer dun, matagal ko ng ginawa para mabantayan ang prinsipe ko. Guwapo kasi kaya ang daming insekto na naglalalapit. Pero kahit na hindi kami magkasama sa school, hindi ko naman hahayaan na may lumandi-landi sa kanya.

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Where stories live. Discover now