Chapter 1: The Game

688 47 4
                                    

**Kring!** tunog ng alarm clock.

Agad ko naman itong inabot at pinatay. Bago ko binalik ito maliit na mesa na nasa gilid ng aking kama ay tiningnan ko muna ang oras. 6:30 na pala. Patay ako nito! Malelate na ako! First day ko pa naman sa Senior High.

Kaya dali-dali akong naligo saka kumain ng aking almusal. Nagbihis na rin ako ng aking school uniform at dali-daling tumakbo patungo sa paaralan.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako tumatakbo ngayon patungo sa school ay dahil malapit lang naman sa bahay ang paaralan at mayroon ding share ang pamilya namin sa pinapasukan kong paaralan ang Khana Academy.

Ilang saglit pa ay nasa harap na ako ng main gate ng school. Hay! Salamat! Buti nalang at nakaabot pa ako. Akala ko tuloy late na ako. Tsk.

By the way, ako nga pala si Enzo Cruz, EC for short. Isa ako ngayong Senior High student ng aming paaralan at ang track na napili ko ay STEM. Kilala rin ako dahil sa pagiging magaling sa mga Online games.

Pagkadating ko sa classroom namin ay wala pang teacher. Ngunit isang pamilyar na boses ang agad na bumati sa akin.

"Ohh! Enzo! Tinanghali ka ata! Hahaha" tawa ni Ivan ang bestfriend ko.

"Mali kasi ang orasan! hahaha" sagot ko.

"Siya nga pala, nabalitaan mo na ba ang bagong Online game na karerelease lang kahapon?" tanong ni Ivan.

"Wala, wala akong ediya sa bagong Online game na sinasabi mo. Ano ba tong game na to?" tanong ko naman.

"Isa itong Virtual Reality Online Role Playing Game pre! Ang pangalan ng game ay Legends of Heroes! Nakita ko nga yung trailer ng game ang astig!" pagmamayabang ni Ivan.

"Virtual Reality game?" tanong ko ulit.

"Oo, virtual game ang Legends of Heroes. Kinakailangan mong bumili ng Ocullus Rift Gear na nagdedetect ng nerve impulse mo na tinatransmit ng gear mo sa server at tinatrasmit ng server patungo sa game kaya magagalaw mo ang Hero mo sa laro gamit lang ang iyong brain. Kailangan mo ring bumili ng Legends of Heroes game card para gumana ang laro" pagpapaliwanag niya.

"Wow! Ang galing naman ang gumawa nito!" saad ko.

"So ano? Maglalaro ka?" tanong ni Ivan.

"Ako pa!" mayabang kong sagot.

"Bibili ako mamaya sa TechSHOP na malapit sa amin ng Gear at Card saka mamayang gabi ay maglalaro na ako" saad niya.

"Sige, ako rin. Bibili na rin ako pag-uwi ko tutal walking distance lang naman ang isang branch ng TechSHOP mula sa bahay" saad ko.

Natapos ang pag-uusap namin ni Ivan at pumasok na ang aming guro sa first period. Gaya ng ibang first day ay naging boring lang ang klase. Puro pakilala lang ang nangyari sa bawat period.

**Kring!** tunog ng bell.

Yes! Makakapaglaro na rin ako sa wakas ng sinasabi ni Ivan na Online game na Legends of Heroes.

"Una na ako pre kita na lang tayo sa game, same IGN (In Game Came) IvanGo!" masaya niyang saad.

"Sige kita na lang tayo" sagot ko.

Kaya agad na akong napatakbo patungo sa TechSHOP na malapit lang sa amin. Ngunit malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang mahabang pila ng mga estudyante mula sa aming school. Well, not a problem dahil kilala ko ang manager ng shop.

Hindi na ako pumila, hustle, agad na akong tumungo sa manager's office at hinanap si Tita Banjie.

"Hello tita!" masaya kong bati,

Legends Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon