"Matagal na niyang sinabi iyon," mabilis na sagot nito. "Pero.. Sa mga nangyayari ngayon.. baka sa akin na naman mabaling ang atensyon niya. Ayoko na. Takot na ako na muli niyang mabalingan." Tuluyan nang tumulo ang luha nito.

Mas sumidhi ang awa na nadarama ni Hyde para sa lalaki.

"Please. Just please, Hyde. Alam ko na magmumukha akong masama sa gagawin ko, na para mawala sa akin ang atensyon niya, ikaw ang gagamitin ko."

Hindi siya nagsalita. Bigla rin siyang napaisip. Ano kaya ang pwedeng magawa ni Jake kay Marty kapag hindi siya sumama? Talaga bang kaya ng lalaking talipandas na iyon ang manakit ng tao sa simpleng pagkakamali lang? Na hindi naman talaga maituturing na pagkakamali. Pero.. Bakit ba naman siya magtataka? Jake was infamous for doing nothing good. At nagkataon na siya na ang apple of the eye nito.

"Ano ba ang pinaka masamang nagawa ni Jake bukod sa pambu-bully?"

Nag-iwas ito ng tingin sabay punas sa luhang naglandas sa pisngi. "Hindi ko alam. Pero sa mga usap-usapan ng mga tao dito sa school? Baka mas pa ang nagawa niya. Hindi ko siya kilala at ayaw kong kilalanin pa."

Tumango siya. "Ganoon ba?"

"Oo. Bago pa siya makagawa ng ibang mali. Pumayag ka na. 'Wag ka nang pumalag pa para hindi na niya ako mabigyan ng atensyon."

Sa sinabi nito, napailing siya. "'Yong totoo? Kinukumbinsi mo ba ako o tinatakot? For the record, aaminin ko na may takot akong nadarama sa lalaking iyon pero sa mga nangyayari, wala na. Kaya ko siyang labanan. At alam ko na hindi niya magagawang saktan ako."

"Pa-paano ka naman nakakasiguro doon?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko at nararamdaman ko na hindi niya ako kayang saktan."

"Bilib ako sa pinapakita mong tapang. Sana naging ganoon din ang ugali ko," sabi nito.

"Tara na," yaya niya rito.

Lumiwanag ang mukha ni Marty. Parang nanalo sa lotto sa sinabi niya.

"Salamat, Hyde."

"Walang anuman. Gagawin ko ito para sa 'yo. Para na rin sa sarili ko. Para makita ko kung ano ba ang kayang gawin ni Jake. Medyo, nakakairita nga lang ang katotohanan na sa pagpayag ko na sumama sa 'yo, ako naman ang malalagay sa alanganin, pero okay na rin 'yon."

Ngumiti si Marty. "Ang bait mo. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Out of the blue question nito.

"Pwede. Matagal ko na rin gustong magkaroon ng kaibigan dito. It's been a week since I came here. Pero wala pa rin akong kaibigan."

"N'ung una kitang makita. Gusto na kitang maging kaibigan."

Napahinto siya. Napatingin dito sa hindi naniniwalang paraan. "Talaga?"

Tumango ito. "Oo. Kahit hindi pa kita nakikilala, sa tingin pa lang mukha ka nang mabait. At napatunayan ko 'yon ngayon. Ang kaso, nauunahan naman ako ng takot kay Jake."

Napakunot ang noo niya. "Dahil kay Jake? Anong kinalaman ni Jake doon?"

"Sinabi niya sa amin na huwag kang lapitan. Na sa kanya ka raw."

Bumangon ang galit sa puso niya sa sinabi nito. Kaya naman pala! Abnormal ang lintik! Kaya naman pala nagtataka siya dati pa. Na sa tuwing nilalapitan niya ang mga classmate ay parang may ketong na lumalayo ang mga ito sa kanya.

"Mabuti at sinabi mo sa akin 'yon." Galit na sabi niya. "Dalian na natin. Lagot sa akin ang lalaking 'yon! Peste!"

SA PAGTAKBO ni Hyde palabas sa classroom nila, natigilan si Jake sa nangyari. Wala na si Hyde sa harapan niya ngunit ang pakiramdam na mahalikan ito ay parang merong ano.. Binalewala niya iyon saka bumaling kay Marty. As usual, nasa tabi na naman ito, nakaupo at nang makitang nakatingin siya ay napayuko.

Hinawakan niya ang nasaktang pisngi sa ginawang pagsuntok sa kanya ni Hyde. Kakatwa lang na mas nararamdaman pa niya ang halik kaysa ang suntok ni Hyde na may kalakasan din. Just weird. Very weird.

Pinuntahan niya si Marty na sobra ang pagkakayuko.

"Marty." Malamig ang tinig na tawag niya rito.

Napapiksi ito saka natatakot na tumingin sa kanya.

"Ba-bakit Jake?"

"Sundan mo si Hyde."

"O-okay."

Tatayo na sana ito nang pigilan niya. "Dapat kapag bumalik ka, kasama mo na siya. Kapag hindi mo siya kasama, malalagot ka sa akin. Gugulpihin kita." Pananakot niya rito. "Babawiin ko ang sinabi ko sa 'yo na pakakawalan na kita. You better do your best, Marty. Kung ayaw mong muli kitang gawing alila."

Napalunok ito saka napatango. "O-oo. Gagawin ko ang lahat."

"Good." Aniya saka ito inalalayan tumayo. Halos padaskol na rin iyon.

Nagmamadali naman itong umalis. Tiningnan na lamang niya ang papalayong pigura nito.

Muli niyang nasapo ang nasaktang pisngi ng kumirot iyon. Bumalik siya sa kinauupuan saka prenteng sumandal doon.

"That's a powerful blow, Jake." Ani Rubius.

Masamang tingin ang ibinigay niya rito. "Gusto mong gawin ko rin sa 'yo?"

Ngumisi ito saka umiwas sa kanya. "No thanks. Ayokong mabangasan ang kapogian ko dahil sa suntok mo."

"Kung makapagsalita ka, Rubius, parang hindi mo kayang ilagaan ang suntok ni Jake." Ani Dominic na nakatingin din sa kanya.

Hindi rin maipagkakaila sa mata nito ang katuwaan. Katuwaan na alam niyang nasaksihan nito kanina. Hindi man nagsasalita ang mga ito ng tapatan tungkol sa nangyari kanina, alam niya na natutuwa ang mga loko. Bakit naman hindi? Ngayon lang naman kasi may naglakas ng loob na i-defy siya. Sa unang araw ng pagpasok niya sa URS, ngayon lang na may gumawa nito sa kanya. At ang Hyde na iyon.

Nakakatawa rin na imbes na mabuwisit siya o kaya naman magalit sa ginawa nito, iba ang nararamdaman niya. Nag-uumpisa na kasing tumubo ang fondness niya para kay Hyde. At weird iyon para sa kanya.

"I salute him for doing that to you, Jake." Dominic said, grinning.

Sa wakas at nasabi na nito iyon.

Napailing siya. "It was visible in your eyes, Doms. Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo 'yan."

"Nakakuha ka na ng katapat." Ani Rubius.

"I second the motion."

"I agree." Aniya.

Natawa na lamang ang dalawa na nagpailing sa kanya. Sa ibang pagkakataon, maiinis siya ngunit ngayon, wala siyang madama na inis kundi saya lang.

Mukhang nakahanap na talaga siya ng katapat.

String from the HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora