Nang sabihin niya iyon ay naalala niya si Devin. Si Devin ang nagbigay niyon sa kanya. Imbes na HAY-DE ay mas pinili nito ang HAYD na pagbigkas ng nickname niya.

And speaking of Devin. Kailangan niyang makabawi rito sa ginawa niyang pagtalikod kanina.

"Ah, I see. Pwedeng maupo?" Anito.

"Sure." In the simple talking, biglang nawala ang kaba ni Hyde, napalitan iyon ng kakomportablehan.

"Transferee ka ba?" Usisa nito.

"Oo."

"Kalilipat ko pa lang dito noong isang linggo. At sa isang linggo na iyon ay wala pa akong ka-close."

"Ganoon? Bakit naman?"

"Hindi ko alam."

"If you want, pwede mo ako maging kaibigan."

"Ta-talaga?" Hindi makapaniwala niyang sabi.

"Oo naman. Kung gusto mo, pwede mo rin maging kaibigan si Brax."

"Ang bait mo naman."

"Hindi naman," natatawang sabi nito. "Kadalasan may topak din ako. Wala ka bang pasok?"

"Meron. Kaso ayokong pumasok ngayon."

"Bakit?"

"May nangyari kasing hindi dapat mangyari," sabi niya. "Nahihiya akong magpakita sa mga classmate ko pagkatapos mangyari iyon. May iniiwasan din ako."

"Pumasok ka pa rin," sabi nito. "Sa tingin ko dapat mong harapin ang taong iyon. Kung matatakot ka sa kanya walang mangyayari sa 'yo kundi ang magtago at umiwas."

"Gagawin ko rin iyon pero hindi ngayon. Pag-iisipan ko ang mga susunod kong gagawin." After what happened earlier. It was still bugging my head. Hindi iyon mawala sa utak ko.

Gusto niya sanang idugtong iyon kaso mas pinili niya ang manahimik.

"Ikaw ang bahala. Sige. Alis na ako. May pasok pa kasi ako." Paalam nito.

"Okay. Sige. Salamat."

"Walang anuman. Magkaibigan na tayo, right?"

Tumango siya. Ngumiti nang maluwang si Vienne saka bumalik sa pwesto ni Brax. Saglit na nag-usap ang dalawa saka bumaling sa kanya. Kumaway pa si Vienne bilang paalam. Si Brax naman ay ganoon pa rin ang reaksyon.

Naiwan siyang nag-iisa. Napatingin siya sa paligid. Mangilan-ngilan na estudyante ang nakatambay sa mga benches. Habang nandirito siya sa premises ng school, kailangan niya talagang harapin si Jake. Wala naman kasi magagawa ang pag-iwas niya. Tama si Vienne sa sinabi nito.

Kailangan niyang tatagan ang sarili. Hindi siya magpapagapi. Hindi dapat!

Nang makaramdam na maayos na siya. Tumayo na siya. Its now or never. Kailangan na niyang harapin si Jake.

Nasa first floor na siya ng department building nang makita niya si Marty.

"Hyde." Tawag nito sa kanya.

"Bakit?"

"Pinapahanap ka sa akin ni Jake. Kapag hindi ka raw bumalik sa room na hindi ko kasama malalagot ako. Nagbanta siya na gugulpihin ako." Sabi nito. Halos mangiyak-ngiyak na.

Nakadama ng awa si Hyde para sa lalaki.

"Kaya naman please, Hyde! Maawa ka sa akin. Bumalik ka na sa room kasama ko. Sawa na ako na ma-bully. Sawa na ako sa pananakot at pagiging takot sa kanya." Anito. "Please, Hyde!"

Habang tinitingnan ni Hyde si Marty, kulang na lamang ay lumuhod ito sa harap niya para mapapayag siya.

"Sinabi niya ba sa 'yo na kapag sumama ako, titigilan ka na niya?"

String from the HeartWhere stories live. Discover now