Think Hyde! Mag-isip ka! Kinuha niya ang first kiss mo. Sa isiping iyon. Malakas niyang itinulak ito.

Ang sunod niyang ginawa, binigyan ito ng isang malakas na suntok. Saka siya nagmamadaling lumayo mula rito. Nang makawala ay sa mabilis na pagkilos siyang lumabas ng classroom. Tumakbo siya palayo. Hindi niya pinansin ang mga taong nakasalubong. Hindi rin naman niya magawang salubungin ang mga tingin ng mga ito dahil sa nangyari kahit na hindi naman nakita ng mga ito.

Hindi pinangarap ni Hyde na maging ganoon ang una niyang halik. Hindi niya inaasahan na mawawala ang first kiss niya mula sa isang lalaki na hindi niya maarok kung ano ang ginagawa sa kanya. It is stupid! Takte lang!

Bakit ba ang Jacinto na iyon ay walang magawa sa buhay nito? Wala na ba itong naisip na ibang paraan para patahimikin siya kundi ang bigyan ng isang halik sa labi. Hindi lang isang simpleng halik kundi torrid!

Damn! Double damn! Ano na lamang ang iisipin ng mga classmate niya? Ng ibang tao?

Nang humupa ang nararamdaman niya ay saka pa lang siya huminto. Noon lang niya napansin na mahaba rin pala ang natakbo niya. Mula sa ikalawang palapag ng school building ay napadpad siya sa open field kung saan may mga benches na nasa tabi, magkaka-hilera ang mga iyon kapareho ng mga naglalakihang mga puno ng acacia na napapandungan ng mga dahon at sanga ang bench.

He rested under the big acacia tree. Umupo siya sa isang bench saka bumuntung-hininga. Still thinking what just happened earlier. Marami rin ang katanungan sa isipan niya. Bakit iyon ang ginawa ni Jake? Bakit sa dami ng pwedeng gawin nito ay ang paghalik pa sa kanya ang ginawa nito? Wala na ba itong ibang naisip na paraan para mapatahimik siya? Katulad na lang ng pagsuntok sa kanya o ibang pananakit na pisikal. O gusto lang talaga ni Jake na mapahiya siya kahit na alam nito na mapapahiya rin ito sa ginawa?

Alam naman ni Hyde na mahinhin siya ngunit hindi naman siya halata na parte ng third sex o sadya kayang mapapansin iyon once na titigan at bantayan ng isang tao ang pananalita at pagkilos niya? Alam na ba ni Jake na attracted siya sa parehong kasarian?

Mula sa malalim na pag-iisip, nagising ang diwa ni Hyde ng makita ang dalawang gwapong lalaki sa kabilang bench. The first guy look very familiar. Ito ang drummer ng The Gravity at ang kasama nitong lalaki ay agaw-pansin din ang gandang lalaki. Sa pagkakatanda niya ay Vienne ang pangalan nito.

The two look so sweet together.

Nang mapansin siya ng mga ito ay bumaling ang mga ito sa kanya. Nginitian siya ni Vienne samantalang si Brax ay isang malamig na tingin ang ibinigay sa kanya. Vienne looks so very nice, comforting and welcoming while the other one look hostile and intimidating. Contrast ang ugali ng dalawa ngunit mag-bestfriend ang mga ito, iyon ang naririnig niya sa ibang estudyante. Paano kaya nangyari na anging mag-bestfriend ang mga ito? Well. Wala naman yata siya sa lugar para isipin o mag-usisa kung bakit ba ganoon. Karamihan naman sa mundo ay weird. At nangunguna sa pagiging weird ang Jacinto na iyon.

Tumayo si Vienne saka siya nilapitan. Bigla naman siyang nakadama ng pagkailang saka kiming ngumiti rito. Gumanti naman ito.

"Hi!" Masiglang bati nito sa kanya.

"Hello," kimi niyang sagot.

"Ako nga pala si Vienne. Ikaw? Anong pangalan mo?"

Why this guy infront him was so accommodating? Ang ngiti na binibigay nito ay napaka-genuine. Ngunit kahit na ganoon hindi pa rin niya maiwasan ang mailang.

"Hyde."

"Hyde? As in nakatago?"

"Hindi. Magkatunog pero hindi pareho ang spelling. 'Y' 'yong sa akin imbes na 'I'."

String from the HeartWhere stories live. Discover now