Pero hindi pa rin niya maiwasan ang ma-bwisit.

Paano naman kasi siya? Ilang araw, linggo o baka buwan pa bago siya pakawalan ni Jake. Wala naman siyang magawa. Hindi rin niya makuhang mag-report sa kinauukulan dahil tinitimbang niya ang sitwasyon. Given na alila na nga siya nito ngunit wala naman itong pinagagawa sa kanya na makakasama sa record niya. Halos puro usaping school lang ang pinagagawa nito sa kanya. Wala itong ibang tao na natatapakan. Siya lang.

Hindi niya maiwasan ang magtanong. Ano ba ang nakita sa kanya ni Jake? Bakit ba siya ang napili nito na i-bully at gawing alila? Hindi sa sinasabi niyang maghanap ito ng iba pero sana nga lang naghanap na ito ng iba o kaya naman tumigil na. Hindi na kasi nakakatuwa.

Inalis niya ang pagkaka-akbay nito sa kanya. Muli rin naman nito iyong binalik. He did the same thing again. And also he did the same. Dahil sa panggigigil, kinurot niya ang kamay nito. Napahiyaw ito sa sakit.

"Ouch! Bakit mo ginawa iyon?"

Makikita sa mukha ang pagkabigla.

Hindi siya sumagot. He just met his gaze. Ilang beses na rin naman niya ginawa iyon. Na madalas na binabalewala nito. Mukhang ngayon lang ito napuno sa kanya. Nawala sa mukha ang pagkabigla at napalitan iyon ng pagkaasar.

"Sumosobra ka na, ah!" Asik nito.

"Bagay naman 'yon sa 'yo! Talagang nagtanong ka pa kung bakit ko ginawa iyon? You know the answer! Hindi ka nakakatuwa, Jacinto! Tigilan mo na ako! Tama na ang dalawang araw na sumunod ako sa 'yo! Hindi na ako papayag na magiging alila at biktima mo. Hindi ako ipinanganak para maging ganoon sa 'yo!"

Pulang-pula na ang mukha ni Jake habang nakatingin sa kanya. Halata na ang galit sa mukha. Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin, he also knew that his face was already red because of him. Kung galit ito, galit din siya!

"Hah! Talagang palaban ka!" Nanggigigil na sabi nito. Mukhang pinipigilan ang sarili na makasakit. "Sa lahat ng na-bully at ginagawa kong alila, ikaw lang ang lumaban sa akin. Stop defying me, Ilagan! Ang lakas ng loob mo na saktan ako."

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan na manakit? I'm also entitled to do such thing!"

"You're also entitled to do that thing but I'm more entitled to do it. Ako ang bully dito! Ako ang mananakit. Sa mga ginagawa mo? Ilang beses mo na ba akong sinaktan? Not once, not twice but many times. Sa mga ginagawa mo, mas lalong hindi kita pakakawalan. Magsakitan na tayo kung magsakitan pero mananatili kang sa ilalim ng batas ko. Alila kita at amo mo ako."

Nakakagigil talaga ang lalaking ito. Nakakabwisit! Talaga namang..

Alam ni Hyde na sa malakas nilang sagutan ay sa kanila na naka-focus ang tingin ng mga classmate nila na kanina pa naman talaga mula nang makapasok sila. Hindi siya magpapatalo sa lalaking ito. Lalaki rin siya! Hindi kahinaan at hadlang sa kanya ang pagiging mahinhin o kilos babae kung makikipagsuntukan siya sa Jacinto na ito. Alam niyang praktisado ito roon pero lalaban siya kahit na maging dehado pa siya.

"Wala akong paki--."

Sa gulat niya, basta na lang siya nito hinawakan sa braso at hinapit palapit dito. Mas nakakagulat ang sunod na ginawa nito na hindi niya inaasahan. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mata nito na walang reaksyon sa kapangahasan na ginawa nito.

Magkalapat ang labi nila!

He was stunned. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Lalayo na sana siya dito nang maramdaman niya ang kamay nito sa likuran ng ulo niya. And then his lips started moving above him. Pinalalim nito ang halik ngunit siya ay nanatiling nakatikom ang bibig. Still in awe.

String from the HeartWhere stories live. Discover now