"Ah. Takte! Eh di kayo na ang may nagugustuhan."

"Parang wala kang nagugustuhan, ah? Well. Wala nga siguro kasi pulos ka lang fling. You love women attention. Playboy ang image mo, eh."

Ngumisi ito. "Well. Sila naman ang lumalapit. Who am I to resist? Saka mabait ako kaya as long as I could, I'll entertain them."

Napailing na lang siya.

"Paano pala kayo nagkakilala, Devin? Love at first sight ka ba sa kanya? Ano ba ang hitsura niya?" Usisa nito.

"'Wag ka nang masyadong magtanong pa. Nag-aaral ako," aniya sabay taas sa hawak na notebook.

"Ang daya mo!" Reklamo nito. Napasimangot. "Magkukwento ka tapos hindi mo tatapusin. You're such a cliffhanger, my friend. Sige. Maiwan na kita rito. Lalabas na muna ako."

"Okay. Ingat ka," aniya.

Itinaas lang nito ang kanang kamay bilang pagsang ayon sa sinabi niya.

Nang makaalis si Theo ay inabala na ni Devin ang sarili sa pagre-review para sa long quiz niya mamaya sa isang major na subject. Ilang minuto ang lumipas bago siya matapos. Para ma-cool down at hindi makalimutan ang riniview, inabala niya ang sarili sa pagtugtog ng gitara na nandodoon.

KAHIT na sobra ang pagkaasar, pagkabwisit at kung ano pa negatibong emosyon ang nararamdaman ni Hyde para kay Jake ay mas pinili niya ang manahimik. Ikatlong araw na ng pagiging alila niya para sa lalaki at hindi pa rin niya maiwasan ang mayamot o maasar sa lalaking katabi niya na prente ang pagkaka-akbay sa kanya habang naglalakad sila.

Ngali-ngaling sikuhin niya ito. Gusto rin niyang burahin ang malawak na pagkakangisi sa labi nito na parang nang-aasar lang. Ang buong akala pa naman ni Hyde ay magiging malaya siya kahit sa umagang ito subalit hindi rin pala dahil pagkapasok pa lang niya ng malaking gate ng school ay agad na siyang inakbayan ng lalaki.

At heto sila ngayon, pinagtitinginan ng ibang estudyante. Some of them have a symphatizing look at him. Mukhang alam na alam talaga kung ano ang ginagawa ni Jake. Well. Sikat naman yata talaga ang lalaki. Iyon nga lang at nasa maling kasikatan. Sa pagiging notorious. Sa pagiging..

"Buksan mo na ang pintuan, alila."

Napasimangot na lang siya. Nasa harapan na pala sila ng room nila at nakasarado ang pintuan. Natigil tuloy sa pag-iisip ng pwedeng maging panlait dito dahil sa utos nito. Talagang sinadya pa na ilapit ang bibig sa kanyang tainga. Bagay na nakakahiligan na nitong gawin.

Ang isa pang kinasimangot ni Hyde ay ang pagtawag nito sa kanya ng alila. As if na hindi alam ng lalaking bwisit ang pangalan niya. Mukhang ginagawa lang naman nito iyon para bwisitin siya. Bagay na gustong-gusto nitong gawin.

"Masusunod, kamahalan." Sabi niya. Binigyan ng diin ang salitang 'kamahalan'. Iyon naman ang gusto nito. Feeling nito hari ito.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

Binuksan niya ang pintuan. Katulad ng dati, kahapon, natigil ang mga kaklase nila sa pag-uusap. Napatingin ang mga ito sa kanila. Partikular na sa kanya. Katulad ng mga estudyante na nakita at nakasalubong niya sa labas. Makikita rin sa mukha ng iba ang awa para sa kanya. Malaking karatula naman kasi ang nakasabit sa ulo niya kahit na sa mental lang iyon. Parang nagmamalaki at nagsasabi ang karatula na: 'JAKE HYLLEL'S SERVANT'. Wala namang naglalakas ng loob na magsalita sa mga ito dahil nga sa ugali at record ni Jake.

Sa mga kaklase nilang nakatingin sa kanila, partikular na sa kanya, bukod tangi roon ang reaksyon ng isa, si Marty. Makikita kasi ang awa sa mukha nito ngunit nandodoon ang tuwa. Tila relieved na relieved din ito na wala na ito sa kuko ng bully. Hindi na siya nagtataka dahil malaking kaginhawaan naman talaga iyon. He also feel it.

String from the HeartWhere stories live. Discover now