Tahimik naman ang naging pagsang-ayon niya sa sinabi nito. Hindi naman sila maituturing na 'totally popular'. May pangalan lang sila sa school nila dahil sa sunod-sunod na pagkapanalo nila sa battle of the bands.

Kung si Theo ay sayang-saya sa atensyon na nakukuha nito. Siya naman ay kabaliktaran ngunit hindi naman niya magawang sungitan ang mga taong humahanga sa kanila kaya hinahayaan na lang niya.

Devin was a busy person. Ngunit kahit na anong pagka-abala pa niya ay hindi siya titiwalag sa The Gravity. Ang banda niya ay isa sa mga source niya ng income tuwing tumutugtog sila sa Maysha Acoustic Bar. Siyempre, may parte rin sila kapag nananalo sa BotB.

"Ang hirap, ano, Devin?" Ani Theo.

"Oo. Mahirap nga. Sa ganoon naman talaga."

"Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong nito.

"Hindi naman, medyo lang."

"Masyado na tayong indemand, Devs. Dahil doon, wala na tayong panahon para sa sarili natin."

Natawa na lang siya sa sinabi nito. Indemand na ba sila? Ewan lang niya kay Theo kung saan nito nakuha ang ideya na iyon. Ngunit sa kabilang banda ay may katotohanan naman iyon, atleast sa parte niya.

"Sa ating dalawa, ako ang dapat na nagsasabi niyan, Theo. Halos wala na akong panahon sa sarili ko. At alam mo naman siguro kung bakit? Hindi ba?"

"Alam na alam. ikaw na ang huwaran na estudyante, Devin. Ikaw na rin ang masipag. Ikaw na ang maraming raket. Nakakabilib ka nga pero huwag mong pababayaan ang sarili mo. Mahirap at mahal magkasakit. Dapat ka na rin yatang magka-love life."

"Kung makapag salita ka naman. Bakit ikaw? May minamahal ka na ba? Katulad ko, loveless ka rin."

Sa apat na taong bumubuo ng The Gravity. Si Devin at si Theo ang masasabing close talaga. Sila ang madalas na magkasama nito tuwing practice. At wala pa sa kanila ang may lovelife. Hindi katulad ni Brax na may umuusbong na lovelife at kay Chris. Kahit na sabihin pang naiiba ang usaping pampuso ng mga ito. Paanong naiiba? Well. Attracted sa same sex ang dalawa niyang kabanda at hindi siya naiiba roon. At malaking halimbawa na sa nararamdaman niya ang nadaramang atraksyon kay Hyde. Wala namang kaso iyon kay Devin. He was open for any possibilities lalo na pagdating sa usaping pampuso. Sino siya para magbigay ng puna sa mga kabanda at sa iba kung ganoon din siya? People have it's own perception about the thing called 'love'. May iba't-ibang paraan din kung paano ito mapaparamdam. At lalong wala sa kasarian o sa kulay ang pagmamahal. All were equal in that thing. Ang totoong kaligayahan ay makikita kahit saan.

"Coming soon ang lovestory ko, hindi pa naisusulat, eh. Darating din ako sa puntong iyon." Sabi ni Theo. "Ikaw ba, Devin? May nagugustuhan ka na ba?"

"Meron." Agad niyang sagot.

Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. "Ano? Paano? Sino? Kanino? Nakakabigla ka naman." Anito.

Natawa siya. "Last week ko lang naranasan. Paano? Hindi ko eksaktong alam. Sino at kanino? Time will come, makikilala mo rin siya."

"Ah. Lalaki o babae?"

Hindi na nagtataka si Devin kung magtanong ng ganoon si Theo. Sa lugar ba naman nila, hindi na iyon ordinaryo. Open din naman ito roon.

"Lalaki."

"Ah. Okay. Ano ang pangalan?"

"Hyde."

"Hyde? As in 'yong nakatago?" Curious na tanong nito.

"Same pronounciation but different in spelling. Homonym, perhaps."

"Spell mo nga," napapakamot sa ulo na sabi nito.

"H-Y-D-E. Dapat HAY-DE ang pagbanggit niyon but I prefer him calling like that. Bagay sa kanya."

String from the HeartWhere stories live. Discover now