"Oo na!" Napipilitan niyang sabi.

Ngumiti ito saka hinihipan ang tainga niya. "Good!"

Bwisit. May bukas ka rin.


LIHIM na napapangiti si Jake Hyllel Jacinto habang nakaakbay kay Hyde na napipilitan na sumusunod sa kanyang paglalakad. Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasan ang balikan ang eksena pagkatapos ng unang encounter nila isang linggo na ang nakakaraan.

INIS NA INIS si Jake habang pinapagpag ang suot na puting damit na natapunan ng iniinom niyang kape kanina. Nakakainis at nakakabwisit lang kasi ang taong nakabangga niya. Well, the guy who bumped him was a new face. Ngayon lang niya ito nakita at inaamin niya na nakuha nito ang atensyon. Atensyon para gawin itong utusan.

Habang nakatingin sa nadumihang damit ay hindi niya talagang maiwasan ang pag-init ng ulo. Ang aga-aga badtrip siya kaagad dahil doon. Bakit ba kasi may katulad nitong tao? Aanga-anga na parang ewan lang. Wala siyang pamalit ng damit kaya nadagdagan pa niyon ang pagkaasar niya.

"Damn!" Malakas niyang mura.

Malakas niyang itinapon ang hawak na styro cup. Napatingin siya ulit sa kanyang damit kasunod sa repleksyon niya na nasa salamin. Napapailing na lang siya sa pagka-bwisit. Para hindi na masira ang umaga niya. Hinubad niya ang suot na damit saka ipinatong sa lavatory. Paborito pa naman niya ang puting t-shirt na iyon.

Naghilamos na rin siya saka tinitigan ulit ang sarili sa salamin. Mula sa pagtingin sa sariling repleksyon lumipat ang tingin niya sa pintuan na bumukas. Pumasok doon ang isang estudyante.

Nagulat pa ito nang makita siya. Alam ni Jake na pinapangilagan siya ng karamihan na estudyante sa URS. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil kilala ang pangalan na Jake Hyllel Jacinto sa paggawa ng mga notorious na bagay. Ilang ulit na rin siyang na-i-report ng mga estudyante sa guidance lalo na sa dean. At wala siyang pakialam doon.

Nang harapin niya ang lalaking nakasalamin na patpatin mas lalo pa itong nagsumiksik sa gilid. Visible sa mukha ang takot.

"Hoy! Ikaw!" Sigaw niya.

Napapitlag ito. "Ba-bakit?"

He frowned. Slowly walk toward the scared guy. Dahil matangkad siya, nakatingala na ito.

"Pahiramin mo ako ng damit." He demanded. Walang kahit na anong 'please, o 'paki'. "

Dumaan ang kalituhan sa mukha nito. Mukhang alam na niya ang naglalaro sa isip.

"Kung wala kang ibang damit, hubarin mo ang suot mo. Gawin mo! Kilala mo naman kung sino ako!" Paasik na sabi niya.

Kung makahiya lang ito baka kanina pa ito tumiklop or rather kanina pa tiklop na tiklop.

"Ma-may damit ako." Anito. Nanginginig na kinuha ang damit sa loob ng bag. "He-heto."

Hinablot niya iyon. Pagalit. Tinalikuran niya saka nagpunta sa isang cubicle at isinuot. Narinig na lang niya ang pagbukas ng pintuan at tila mabilis na pagtakbo ng lalaki palabas.

Napangisi na lang siya.

Ganoon talaga ang nagagawa kapag sikat ka sa pagiging bully. You can take or get everything with or without the consent of the bullied person.

Nang maisuot niya ang damit saka siya lumabas ng cubicle. Tamang-tama lang ang pagkaka-fit sa kanya ng damit. Hindi masikip o maluwang. As if the shirt was really fitted for him. Ang hindi lang nakakatuwa sa T-shirt na nakuha niya ay ang malaking mukha ni Minnie Mouse doon. Pambabae pa yata ang T-shirt na nakuha niya mula sa patpating lalaki.

Hinayaan na lang niya iyon. Kung may makakapansin naman ay hindi mangangahas na magsalita. Tingin pa lang niya, titiklop na ang mga ito.

Lumabas na siya ng comfort room. Hindi nga siya nagkamali sa sapantaha dahil marami ang nakatingin sa kanya habang naglalakad sa corridor ng school building. At katulad din ng inaasahan niya ay walang nangahas na magbigay ng komento. Hindi rin makatingin sa kanya ang bawat daanan niya kapag gumanti na siya ng tingin.

He walk with coolness. Habang naglakakad, naalala niya ang earring na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha niya iyon saka isinuot. May butas ang kaliwang tainga niya. Pangdagdag ng appeal. Ng kaastigan. May tattoo rin siya sa kaliwang braso. Isang ibon iyon, isang agila.

Dahil malayo pa siya sa room nila. Umupo siya sa isang tabi. Without minding the looks that other student giving to him. Naalala niya ang mukha ng lalaki na nakabunggo niya kanina. Kapag nagkita sila ay talagang malalagot ito sa kanya. Pero bakit pa niya patatagalin ang pagkikita nila kung pwede naman siyang kumalap ng impormasyon sa pamamagitan ng alipores niya. Nang maisip iyon ay agad siyang tumayo saka nagmamadaling nagtungo sa classroom nila. Mabuti na lang at may photographic memory siya. He could easily tell the facial features of the guy to Marty.

Nang makapasok siya sa classroom nila ay agad na nagsitahimik ang mga classmate nila. Napangiti naman ang mga ka-grupo niya na nasa likurang bahagi ng room.

"'Ayos sa suot na T-shirt, ah, Jake. Hello Minnie Mouse ang banat. Saan mo 'yan na-arbor?" Nakangising sabi ni Rubius. Isa sa masasabi niyang kaibigan sa loob ng classroom kasunod kay Dominic na katabi nito

Hindi niya ito pinansin. Umupo siya sa upuan na nakatoka sa kanya.

"Marty." Tawag niya sa lalaking nakaupo sa isang sulok. Nerdy type at maituturing na wallflower.

Nagkukumahog na lumapit ito sa kanya. Isa si Marty sa alipores niya sa loob ng classroom nila. Ito ang gumagawa ng lahat ng dapat gawin ng isang estudyante na siya dapat ang gumagawa. Nagagamit niya ang katalinuhan nito.

"Ba-bakit Jake?" Tanong nito. May kaba.

"May ipapagawa ako sa 'yo," umpisa niya. "Gusto kong alamin mo ang mga impormasyon sa kanya." He started to describe the guy's face and how he look. "Kapag may nalaman ka na sa kanya, i-report mo sa akin, ASAP. Nauunawaan mo ba?"

Napalunok ito. "O-oo. Ire-report ko sa 'yo kaagad. Huwag kang mag-alala."

Napangiti siya. "Good."

Pinabalik na niya ito sa kinauupuan nito. Nang may maalala ay lumapit siya sa lalaki na ikinagulat at ikinapitlag nito.

"Ba-bakit?"

"You should do your best, Marty," nakangisi niyang sabi. "Kapag nakakuha ka na ng impormasyon sa kanya. Titigilan na kita. Makakalaya ka na sa pagiging alila ko."

"Ta-talaga?"

"Oo. May isang salita ako."

"Ma-makakaasa ba a-ako sa sinasabi mo?" Nag-aalangan na sabi nito.

Hinampas niya ang upuan nito. "Kasasabi ko pa lang na may isang salita ako. So ibig sabihin niyon ay totoo ang sinasabi ko."

"O-okay. Gagalingan ko."

"Good." Sabi niya saka ito tinalikuran.

Salamat kay Marty at nakakuha ito ng impormasyon tungkol sa taong katabi niya. Idagdag pa na classmate pa niya si Harold Yde Ilagan o mas kilala sa pangalan na Hyde. Siya rin ang dahilan kung bakit sa isang linggo at mahigit na pananatili nito sa school nila ay wala pa itong ka-close na classmate nila. Tinakot lang naman niya ang mga iyon na kapag lumapit kay Hyde ay malalagot sa kanya.

"Nakakabwisit." Bulong ni Hyde na narinig niya. Sadya naman yatang pinarinig nito sa kanya iyon. Lihim na lang siyang napangiti saka mas hinigpitan ang pagkakaakbay dito.

Pumalag ito. Pagpalag na katulad kanina ay wala ring nagawa dahil sa higpit ng pagkaka-akbay niya rito.

String from the HeartWhere stories live. Discover now