"Stupidity. Iyon pala ang tawag mo sa ginagawa ko."
"Bakit? Mayroon pa bang dapat na itawag sa ginagawa mo?"
Hindi ito nagsalita. Dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Sinamantala niya ang pananahimik nito. Agad siyang lumayo rito. Naglakad palayo sa lalaki. Bilis na parang may naghahabol sa kanya kahit alam niya na hindi na susunod sa kanya si Jake.
"Hindi pa tayo tapos, Hyde!" Sigaw nito. Pumuno ang boses nito sa hallway. "Mag-uusap pa tayo sa ibang pagkakataon. Asahan mo 'yon, Hyde."
Mabuti na lamang at silang dalawa lang ang nasa hallway. Walang makakarinig ng pagtatalo nilang dalawa. Lalo na sa pagsigaw nito. Sa verbal na paraan lang ito lumalaban. Hihintayin pa ba niya ang worst na bagay mangyari?
Narinig niya ang paglalakad ni Jake. Ang paglalakad niya ay mas lalo niyang binilisan. Mahirap na. Kumaripas siya ng takbo palayo sa hallway na iyon. At last maiiwasan na niya si Jake.
Pero talaga bang maiiwasan niya ito?
KINAUMAGAHAN. Sinadya ni Hyde ang gumising nang maaga para maaga siyang makapasok sa URS. Nagtataka nga si Clyde sa kanya dahil mas maaga pa siya ritong nagising. Sanay kasi ang kanyang kakambal na sa kanilang dalawa ay ito ang unang nagigising. Madalas, siya ang huli.
Well. Hindi naman talaga siya gigising nang maaga kung wala naman siyang iniiwasan. Nakakabwisit lang dahil sa pag-iwas niya kay Jake na ngayong araw niya sisimulan ay mababago ang routine niya. Masidhi kasi ang hangarin niya na huwag mag-krus ang landas nila ni Jake. Isipin pa lamang niya ang lalaking iyon ay may namumuo ng inis sa kanya. Ang dami naman kasi ng pwedeng mapag-trip-an at mapansin, siya pa talaga.
Ano ba ang meron sa kanya? Sa pagkakaalam niya ay isang malaking average lang siya. Well. Kapag pinilit niya na maging average ay ganoon talaga. Ngunit ibang usapan na kapag naayusan siya o kaya ay magsusuot ng magarang damit. As far as he could. Pinipili niya ang maging anino ng kakambal niya para huwag siyang masyadong mapansin pero iba ang sitwasyon ngayon. Nag-iisa na lang siya sa URS.
Nasa hapag-kainan siya, kasama ng kanyang kakambal. Kanina pa ito nakatingin sa kanya ngunit hindi niya pinapansin. Mas pinili niya nga ang maupo sa ikatlong upuan. Malayo sa kinauupuan nito para huwag siyang matanong. His brother was nosy. Proven and tested na iyon kaya sa abot ng makakaya niya, iiwas at iiwas siya. Ayaw din niyang mapag-trip-an nito.
"Ang aga mo naman yata, Hyde." Anang mama niya.
Kalalabas pa lang nito mula sa kusina. May dalang isang plato na may laman na itlog. Umupo ito sa bakanteng upuan saka humigop ng kape na sa tingin niya ay hindi na mainit dahil kanina pa iyon.
"'Sakto lang po ako, 'Ma. Seven thirty ang pasok. So, maghahanda po ako ng mahigit isang oras at kalahati bago pumasok." Dahilan niya.
Dahil sa alam niyang nakatingin sa kanya si Clyde. Hinarap niya ito.
"Bakit?" Tanong niya sa nanlalaking mata.
Nakakairita lang ang paraan ng pagtitig nito. Waring diskumpiyado. Malaki ang pagdududa sa alibi niya.
"Nakapagtataka. Kilala kita, Hyde. Hindi ka gumigising nang maaga para lang pumasok. Madalas kang eksakto sa pagising. Monotonous nga ang buhay natin, hindi ba? Anong masamang hangin ang nag-udyok sa 'yo para pumasok ng maaga sa school mo?"
Sa tono ng pananalita nito, mukhang alam o sadyang nakuha nito ang dahilan niya. Oo nga pala. Bakit naman siya magtataka? Pareho ang likaw ng bituka nila. Si B1 at si B2 sila. Kung ano ang naiisip niya ay agad nitong nakukuha. Hindi sila naging kambal kung hindi. Pero nunca na aamin siya rito. Maloko si Clyde ngunit sa kabila niyon ay over-protective ito sa kanya lalo na nang malaman nito ang 'naiiba' niyang reference -- na maluwang nitong tinanggap sa kanya pati ng mama niya,
Ang Kuya Vin niya nga ay agad siyang natanggap. Tsk.. Tsk.. Tuwing naiisip niya ang Kuya Vin niya ay malaki ang katuwaan sa puso niya. Ang saya lang na may boyfriend ito. At any time soon ay pwede na itong maikasal kay Kuya Joen.
"Magsabi ka ng totoo sa 'kin, Hyde," pambabasag ni Clyde sa pananahimik niya. Sila na lamang na dalawa ang natira sa hapag. Nagtungo kasi ang mama niya sa kwarto kung saan ang bunso nilang kapatid nang marinig nito na umiiyak.
"Nagsasabi ako ng totoo, Clyde. 'Wag ka nga. Bakit naman ako magsisinungaling sa 'yo?"
"Ewan ko sa 'yo? Bakit nga ba nagsisinungaling ka sa 'kin? Bakit nga ba hindi ka nagsasabi ng totoo?" Balik-tanong nito na naging dahilan ng pananahimik niya.
Ayos talaga mang-corner ang peste niyang kakambal. Ngunit hindi siya aamin. Nunca!
"Ewan ko sa 'yo. Bahala ka sa buhay mo."
Nagsalita ito. Waring hindi ininda ang simple niyang pang-di-dismiss sa usapan nila.
"Maliban sa kambal tayo. Kilala kita, the better. Naiisip ko rin at nararamdaman ang mga nararamdaman mo. Just like now."
"Sows! 'Wag kang echusero."
Kumunot ang noo nito. "Anong echusero?"
Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Hindi ko alam. Narinig ko lang naman na sinabi 'yon ng kaibigan ni Kuya Vin. Si Ate Joanna at Ate Diega."
"Sumasama ka sa kanila?"
"Hindi." Agad niyang sagot. "Minsan ko lang naman silang nakasama. N'ung minsan na magpunta sila sa bahay nina lola."
"'Kala ko sumasama ka sa mga 'yon. Hindi ka bagay na sumama sa kanila. Bisexual ka lang. Hindi ka crossdresser. Hindi ka rin malandi."
"Hoy! Ang bunganga mong damulag ka! Kung makapag salita ka naman. Hindi malalandi ang katulad nila. They were just jolly and happy person. Parati ring positive ang outlook nila sa buhay-buhay. 'Wag kang homophobic. Pektusan kitang damuho ka. Saka si Kuya Vin nakikisama sa kanila. Kaibigan sila ni Kuya kaya pwede akong sumama sa kanila."
"Umayos ka nga, Hyde. Alam ko kung ano ka pero hindi ko pa ring maiwasan ang ma-irita sa pinagsasabi mo. Masyado kang ano.." Clyde paused.
"Masyadong ano?"
"Ewan. Hey! Dini-deprive mo ang main topic natin dito. 'Ayos ka rin maka-segway, ano? Sabihin mo sa 'kin ang totoo. Kung bakit ka maaga ngayon na papasok."
"Wala nga!" Giit niya.
"Meron. Naiisip ko."
"Mind reader ka na ngayon?" Ani niya. May pang-aasar sa tono.
Sumimangot ito. "Gusto mong batukan kita?" Banta nito ngunit nasa akto na na babatukan siya.
"Babatukan din kita. Ikaw lang ang marunong?"
"Umayos ka nga!"
"Matagal na akong ayos. Ikaw ang umayos, Clyde."
"Sabihin mo na sa akin ang totoo."
Nagkunwari siyang hindi ito narinig. Ibinuhos niya ang atensyon sa pagnamnam ng kinakaing itlog. Scrambled iyon at ganoon ang gusto niyang luto sa itlog. Ayaw niya ng sunny side up at boiled.
Sarap na sarap siya sa pagkain.
"Ang sarap mong gulpihin, Harold Yde! Ang sarap mong tirisin na alanganin ka." Naaasar na sabi ni Clyde.
Maingat niyang ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak saka hinarap muli si Clyde. "'Yan ka na naman, Claudio Yde. Nakita mo na naman ang preference ko. Umayos ka nga. Sapakin din kita, 'you like?"
"Hindi bagay sa kahinhinan mo ang sinsabi mo. As if you know how to punch."
"Umayos ka nga. Mahinhin lang ako pero kaya kong makipag basagan ng ulo. You don't know me that well, my dear twin brother." Umiling-iling pa siya.
"Ikaw ang umayos, Hyde. Magsabi ka na kasi ng totoo." Giit pa rin nito.
"'Wag ka ngang makulit, Claudio. Ikaw ang umayos. Hindi ka naman reporter pero ang hilig mong mag-usisa. Ang hilig mong sumagap ng balita o kaya naman tsismis. Masyado kang issue maker. 'Yong totoo? Ano ka ba?"
"Walang isyu kung hindi ka nagsisinungaling."
"'Wag ka ngang mambwisit."
"Hindi Ko nambu-bwisit. Sa ating dalawa, mas ikaw pa ang nakakabwisit sa pagsisinungaling na ginagawa mo."
Hindi na lang niya ito pinansin. Tinapos niya ang pagkain saka ito iniwan. Bahala ito sa buhay nito. Kulit lang
BINABASA MO ANG
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Two
Magsimula sa umpisa
