ABALA si Hyde sa pagka-copy ng notes niya para sa isang subjects. Nasa loob siya ng library. Doon na rin siya naghanap ng references para sa ibang subjects na kailangan niya.

Kung ang iba ay may mga kasama. Nag-iingay ng pakonti-konti at nagbubulungan, siya ay wala. Nag-iisa siya sa isang sulok at tanging libro at mga gamit niya ang kasama. Wala naman siyang ibang magawa kundi ang makinig at abalahin ang sarili sa pagsusulat.

Kahit kasi sa mga bago niyang classmate ay wala pa siyang masyadong nakaka-close. Hindi niya alam kung ano ang problema. Nasa block section lang naman sila pero hindi pa niya nakakasundo ang mga ito.

So far, sa isang linggong pananatili niya sa URS, wala naman kakaibang nangyayari sa kanya katulad ng iniisip niya. Patungkol iyon sa lalaking nakabunggo niya at the same time ay classmate rin niya. Pwede na nga rin niyang masabi na seatmate silang dalawa kahit na may espasyo sa pagitan nilang dalawa tuwing nasa first subject sila.

Sa pagkakarinig niya. Ang pangalan ng lalaki ay Jake Hyllel Jacinto. In fairness naman sa lalaking iyon, kahit na may pagka-bad boy ang hitsura ay may talino. Iyon nga lang at tamad. May mga inuutusan ito para gawin ang ilang bagay na kaya naman nitong gawin katulad ng paggawa ng projects at reports.

Malaki rin ang pasasalamat niya na hindi pa siya napagdidiskitahan ng lalaki na i-bully. Sa loob kasi ng isang linggo, napansin niya na kilala si Jake sa pagiging notorious. Hindi lang sa classroom nila kundi sa buong university.

"May gig mamaya ang The Gravity, nood tayo." Narinig niyang sabi ng babaeng nasa kabilang mesa sa kasama nito.

Nag-usap pa ang dalawa. Sapat para marinig niya ang mga iyon.

Pagdating naman kay Devin. Well. Hindi na muli pang nag-krus ang landas nila. May pagkakataon na nakikita niya ito pero hindi siya nagtangka na lapitan ito. Masyadong abala si Devin. Hindi lang sa banda nito kundi sa school. Dakilang scholar kasi ang lalaki at kasali pa ito sa isang org. Nagtataka nga siya kung paano nito iyon nagagawa. Masyado itong active.

Kung iisipin at hihiling siya na muli silang makakapag-usap. Alam niya na malaking asa iyon. Sa dami ng nakakasalamuha ni Devin sa araw-araw, sa school man o sa labas, baka hindi na siya makilala nito.

Natapos na siya sa pagsusulat. Inilagay niya ang mga ginamit niya sa loob ng kanyang bag. Abala siya sa pagliligpit nang may umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya,

Nagsalita iyon. "Aalis ka na?" Tanong ng pamilyar na tinig.

Napatingin siya rito. Nakangiti nang maluwang si Jake. Hindi nga ngiti kundi ngisi. Waring nang-aasar. Prente rin ang pagkaka-upo nito sa upuan na animo may ari niyon.

"Obvious naman," pabalang niyang sagot.

Lumawak ang pagkakangisi nito. "May tapang ka rin palang itinatago. Akala ko, tatahi-tahimik ka lang."

Kahit may kaba siyang nadarama, itinago niya iyon. Pinatatag niya ang sarili sa pakikipag-usap dito. Wala siyang alam kung ano ang dahilan nito sa paglapit sa kanya. Hindi niya iyon inaasahan.

"Malamang. Alangan naman ikaw lang ang mayroon."

"That's nice. Marunong kang sumagot, ah." Tunog pamumuri nito.

"Ano ba ang dahilan ng paglapit mo sa 'kin? Ako ba ang susunod mong aalilain? Pagagawin ng mga bagay na dapat ikaw ang gagawa?"

Tumawa si Jake. "Observant ka rin pala. Akala ko dati wala kang pakialam sa paligid mo."

"Mukha lang akong walang pakialam pero ang totoo ay meron. Pwede ba kung ano ang binabalak mo. Itigil mo na lang. Wala akong balak na magpa-alila sa 'yo. Hindi rin ako basta-basta magpapasindak sa 'yo."

Tumaas ang kaliwang kilay nito. "Talaga?"

"Oo."

"Then let's see." Nanunuyang sabi nito.

Nais niyang mapapikit sa sinabi nito. Mukhang may balak nga talaga itong alilain siya at pagawin ng kung anu-ano.

"Tigilan mo ako. Pwede ba!" Halos pasigaw na sabi niya.

Hindi naman ito natinag.

"Sa mga sinabi mo kanina, mas nakukuha mo ang interes ko. Na-challenge tuloy ako na subukan ang tapang mo. Kung hanggang saan 'yan at kailan ka tatagal."

Kahit nakadama nang pagkasindak. Hindi niya iyon pinakita. Pilit niyang itinago. Sa halip ang ginawa niya, isinukbit niya ang kanyang bag.

Iniwan niya ito.

Grabe ang kabang nadarama niya. Nangangatog na rin ang tuhod niya pati ang mga kamay. Kinalma niya muna ang sarili bago siya magpatuloy sa paglalakad. Nang makalayo na siya at makalabas ng library. Napasandal siya sa dingding ng hallway.

Sinigurado niya munang kalmado na siya bago magpatuloy sa paglalakad. Ngayon lang siya kinabahan ng sobra. At si Jacinto pa ang dahilan. Ang lalaking iyon na walang ibang ginawa kundi ang mambully sa kapwa estudyante.

Nagsimula na siyang maglakad. Ngunit napapitlag siya nang may humawak sa balikat niya. Tiningnan niya kung sino iyon. Si Jake!

"Basta mo na lang akong iniwan." Umiling-iling ito. '"Wala kang manners, alam mo ba 'yon?"

"Bakit? Magkasama ba tayo? Hindi tayo magkasama kaya wala akong pakialam sa 'yo."

"Bastos ka rin." Anito. Napapangiti.

"Dapat ka bang igalang?"

"Ano sa tingin mo?"

"Hindi. Wala ka namang ginawang mabuti para igalang ka. Mas pa ang kabalastugan na ginawa mo. Sakit ka sa ulo."

"Isa ka ba sa napapasakit ang ulo?"

"Hindi. Wala. Wala akong pakilam sa 'yo para problemahin kita. Wala akong kinalaman sa 'yo para guluhin mo rin ako."

"You are interesting."

Natawa siya nang pagak. "Interesting? In what sense?"

"Simula nang makilala kita. Alam mo naman siguro ang unang pagkikita natin, hindi ba? Nakuha mo na ang interes ko n'ung una pa lang. At sa mga sinabi mo kanina, mas nakuha mo pa ako. Para kang tiger."

"Oo nga naman. Interesting. Interesting ako dahil ako na ang susunod mong gagawin na apple of the eye. At kapag sinabi kong 'apple of the eye. Iyon nga ang pambu-bully mo at pag-uutos ng kung anu-ano. Tama ako, hindi ba?"

"What do you think? Sa tingin mo ba may tama ka?"

"Of course." Matapang niyang sabi. Pumiksi siya mula sa pagkakahawak nito. "Kagaya ng sinabi ko sa 'yo kanina. Hindi ako basta-basta papatinag sa 'yo. Kaya kitang labanan. Stop doing your stupidity, Mr. Jacinto."

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Scared."

"Dapat lang." Sabi niya.

String from the HeartWhere stories live. Discover now