Prologue

1K 50 8
                                    

Someone's POV

Isang Guardian ang bigla na lang nagpakita sa Field of Despair. Isa itong malaking puno na may malalaking ugat na kong sino man ang mahuli nito ay mamamatay dahil humihigop ito ng buhay. Mayroon itong isang mata na singpula ng dugo at halos dalawang palapag na gusali ang taas. Nakalagay sa taas ng kanyang ulo ang pangalan ng Guardian, "Death Treant".

Sa harap ng treant ay ang limang mga Heroes na kanina lang ay naghahunt ng mga monsters dito sa Field of Despair. Napansin rin nila kanina na nagsipagtaguan ang mga Mobs na makikita sa lugar na iyon pero hindi nila namalayan na nasa harap na pala nila ang isa sa mga Guardians ng laro.

Agad namang nagsipagatrasan ang limang Heroes dahil sa nakita nilang Guardian. Ngunit bigla na lang umatake ang guardian gamit ang kanyang mga ugat. Nagkaroon naman ng bitak ang lupa at nagsipaglabasan ang naglalakihang mga ugat.

Kaya agad namang nag-cast ng magic barrier ang ang babaeng Sorcerer ng grupo. 

"Divine Barrier!" sigaw nito.

Agad namang may transparent na bilog ang sumangga sa mga ugat. Agad ring pinagpuputol ng kanilang Knight and malalaking mga ugat.

"Triple Slash!" sigaw ng Knight.

Nag-cast rin ng isang binding skill ang Archer ng grupo.

"Nature's Bind!" saad ng Archer.

Agad namang may lumabas na transparent na tali at tinali ang Guardian.

"Pauulanan niyo na ng skills niyo dahil hindi yan makakagalaw ng 8 seconds" sigaw pa ng Archer.

Kaya kanya-kanyang cast ng skill ang grupo.

"Moon Clave!" saad ng Knight.

"Starfall!" saad ng Archer.

"Meteor shower" cast ng Mage.

"Divine Curse!" Sigaw ng kanilang Priest.

"100 Swords!" sigaw naman ng kanilang Swashbuckler.

Dahil sa sabay-sabay nilang atake ay makikita ang usok mula sa lugar kung saan nakatayo ang Guardian.

Langing gulat ng lahat dahil pagkawala ng usok ay wala man lang tapyas ang Health Bar (HP) ng Guardian. Ang hindi nila alam ay hinigop na nito ang kanilang mga kapangyarihan dahil isa itong guardian na humihigop ng lahat ng kapangyarihan at buhay.

"Imposible! Bakit hindi siya nabawasan!" inis na saad ng kanilang lider na Knight.

"Hindi maari! Iyan siguro ang Death Treant na kayang kainin ang iba't-ibang kapangyarihan pati na ang mata at buhay sa kanyang paligid!" saad naman ng kanilang Sorcerer.

"Paano natin mapapatay iyan?" tanong ng kanilang Priest.

"Hindi ko rin alam!" saad ng kanilang Sorcerer.

"Hanapin muna natin ang kahinaan niyan" saad ng kanilang Swashbuckler.

Pero bago pa man sila makapag-cast ulit ng skill ay bigla na lamang may mga ugat na lumabas mula sa lupang kanilang kinatatayuan at nahuli silang lima. Ramdam nila ang sakit sa pagkakapiga ng Death Treant sa kanila.

Pero ang masaklap pa ay unti-unti nang naubos ang Health Points (HP) at Mana Points (MP) nila.

Pero bigla na lang sila nakakita ng liwanag at sa sobrang liwanag nito ay hindi nila makita kung saan nanggaling ang liwanag. Nakarinig na lang sila ng mga pagsabog mula sa kinaroroonan ng Guardian.

Nang nawala na ang liwanag ay nabigla sila dahil wala na ang Guardian na kinalaban nila at muntikan na silang mamatay. 

"World Notification: The Guardian "Death Treant" is slained by a solo!"

Dahil sa kanilang nakitang notification ay napanganga sila dahil hindi sila makapaniwala na napatay ng isang di-kilalang Hero ang Guardian na mag-isa.

Kaya naman ibinalita nila ito sa iba pang mga manlalaro at naging usap-usapan sa buong kontinente.

END

**********************************

Hi Guys!

Isa po ako sa mga fan ng mga Online Game stories hope you'll like this story. Two UD ang maximum ng kaya kong updates per week at Monday evening schedule at sisikapan kong mahaba para di kayo mabitin! 

Siya nga pala, pasensiya sa mga typos! Feel free to comment ng inyong saloobin at kong magugustuhan ko ang comment niyo ay pwede kong ededicate sa inyo ang isang chapter ng story ko!

Simula pa lang to guys!

Thank you for reading!

Please Vote and Share if you like this story!

From your Author, Midge. :)

Legends Of HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon