Kiefer calling...

"Oh. Tumatawag siya?" bulong ko.

Nag-hand signal ako kay Bommie na may kakausapin lang ako.

"Kiefer?"

[Chaerin!]

"Bakit ka napatawag?"

[Uhm. May basketball kasi kami ngayon.]

"Tapos?"

[Kung free ka lang naman, gusto ko sanang manood ka.]

Basketball? Si Kiefer, maglalaro? OMG.

Napatingin ako kay Bommie. "Uh. Wala naman akong gagawin ngayong araw. Hehe."

"What the----" tinakpan ko ang bibig ni Bommie.

Papagalitan ako neto. Haha!

[Great. Punta ka sa *toot* arena.]

"Sige sige."

[Bye na. See you later nalang!]

"Sige. See you too!"

Call Ended

Inalis ko na ang kamay ko sa bibig niya.

Ngumiti ako sa kanya.

"How dare you!"

"Sorry hehe." sabi ko at nag-peace sign sa kanya.

"Ano? Iiwan mo ko ngayon? Huhuhu."

"Ofcourse not! Isasama kita. Ano ka ba!" sabi ko.

"Talagaaaa?"

"Oo. Para makilala mo na din yung mga bago kong kaibigan." masaya kong sabi.

"Kaibigan?"

"Yup. Sila Kiefer." sagot ko.

"Oh tara. Saan na tayo pupunta?" tanong niya.

"Sa *toot* arena."

Pagkasabi ko nun, nag-drive na siya papunta doon.

After 1 hour 40 minutes, nakarating na kami sa arena.

Nag-park na kami at bumaba na.

"Teka girl. Paano kung may makakilala sayo doon? Tanungin kung bakit ka nanonood?" tanong niya sakin.

"Ano naman. Edi sasabihin ko na sinusuportahan ko si Kiefer." sabi ko at ngumiti.

"Nako. Ikaw ha! Kumekerengkeng ka ah." sabi niya at mahinang kinurot ang tagiliran ko.

"Ano ba. Hahaha! Tara na nga." medyo natatawa kong sabi sa kanya.

Pumasok na kami.

"Chaerin Lee?" tanong samin ng staff pagkapasok namin.

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon