(9) The Christmas When It All Happened. (★)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Girl, alam mo kasi, hindi siniseryoso yang ganyang tao. Obvious naman sa simula palang mukhang pinapaikot na tayo eh." Sabi ni Ola. HUH? Pinagsasabi ni Ola? Siya rin naman dati kilig na kilig dito kay Gerard.

"Ano, Ola?" Tanong ni Ren na parang hindi nakikinig sa napaguusapan namin.

"Ang ibig kong sabihin mga teh, mukhang playboy yung si Gerard. Hindi dapat siniseryoso."

"Pero... bakit...?" Tanong ko. To think she is a Psych major, malamang alam niya. At malamang matagal na niyang nabasa ang pagkatao ni Gerard.

"Anong bakit, Air? Wag mo sabihing pati ikaw, head over heels na sa lalaking yun? Namaaan." Sagot niya sa’kin. At dahil defensive ako, sinagot ko siya ng, "h-hindi ah!"

"So, Ola, anong ipinaglalaban natin? Makapagsalita ka parang di nakipag-agawan sa'kin ah." Si Chen. Medyo naligtas ata ako dun.

"Hindi naman. I just realized things. Kaya nga pansin mo, lately, hindi na ako gaanong nakikipagkumpitensya sa'yo? I just find the guy so mysterious. So mysterious that ang alam lang natin sa kanya ay pangalan niya, course niya. At gwapong lalake siya. Period. Do you, guys, even know what he is when we're not in school? Naaalala mo nun, Chen, yung sa mall. Ayaw niyang aminin na siya yung kumakantang narinig mo nun sa Lit hallway. What's the purpose?" Seryoso niyang pag-eexplain. Hindi ko alam ganito nap ala kaseryoso ang issue na ‘to. What’s the big deal with Gerard?

Sasagot na sana ako nang... "Oo nga, pero sapat na ba yan, Ola, para husgahan natin siyang playboy agad agad?" Seryoso talaga si Chen kay Gerard.

Nagsimula nalang kumain si Ola. "Ewan ko. Alam kong mali... pero malakas ang pakiramdam kong baka tama ako. Ano bang malay natin sa kanya, eh hindi pa naman natin siya ganung kakilala."

"That's the point, Ola. We don't even have the right to judge the person because we barely even know him." Sagot ko. Defensive ako eh, bakit ba.

"Tama na yan, guys. Hayaan niyo na muna siya. Hindi niyo naman problema diba kung ganun man siyang tao. Oh, right. Wag pala manghusga. Isipin niyo nalang na hindi kayo magpapaloko sa kung kanino man. At ikaw naman, Miss Chen, minsan kasi, kilalanin mo muna yung tao bago ka magpalunod sa nararamdaman mo." Si Ren. Ang dakilang nagpapangaral saming lahat.

"May pinanghuhugutan, teh?" Natawa nalang si Ola saka kumain uli.

"Wala naman. Sige na, kain na kaya tayo. Magta-time na oh." Ngumiti na rin si Ren sa wakas.

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon