THE VAMPIRE PRINCESS

Start from the beginning
                                    

Takot na may posibilidad na maranasan niyang muli ang ganoong kagimbal-gimbal na pangyayari.



"Manang, it's not healthy for her mind to keep on hearing those kind of stories" Afarra said, checking her new painted nails. Maarte itong tumayo mula sa pagkakaupo sa puting couch at pinatay ang pinapanood na C-drama sa cellphone. Tumingin ito sa kapatid. "And you, Fionna, can you stop asking Manang Flor to tell that stories again and again? You heard it a lot of times. Aren't you sick hearing about it?"

Napangisi ang batang si Fionna sa nakatatandang kapatid. "You are just afraid,ate. You are takot to vampires too! They are real and they will visit your room, while you are sleeping and bite your neck! You will be coming a vam-"

Napahinto ito sa pagsasalita dahil sa matinis na tili ni Afarra. She just did it to made her sister stop. Gawain na 'yon ng dalaga. "If a hot vampire guy will bite my neck, then I will be more willing to offer my neck to him"

Sabay na nagkatinginan si Flor at ang batang si Fionna. "She is so-"

"Fionna" otomatikong napahinto ang bata sa pagbabanta ni Zackarhus. Ito ang panganay sa kanilang magkakapatid kaya naman masyado itong seryoso sa buhay.

He was born to manage their family business so their parents was too tight on him. Pinag-aral siya sa isang all boys school simula nang nasa nursery pa lamang siya. Nitong nagkacollege na lamang siya binigyan ng kaniyang mga magulang ng pagkakataon na mamili ng gusto niyang university.

Reading books and staying at the library was his preferably past time. Mas mabuti raw kung ganoon ang gagawin niya sa libre niyang mga oras. Sadya nga namang mas mataas ang ekspektasyon ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Dahil doon ay mas lalo siyang naging anti-social person. Ni ang mga kaibigan niya noon ay inaayawan ang kaniyang ugali. Perfectionist, ganoon raw kasi ang nakikita ng mga ito sa kaniya. Masyadong siniseryoso ang lahat ng bagay kaya naman walang oras para sa kasiyahan.

He had to choose his parents' commands rather than partying at night and getting wasted after. Siya lang din naman ang sasakit ng ulo. Boring nga raw siyang tao ayon pa sa mga dati niyang naging kaibigan.

"Go to sleep. You have school tomorrow" walang mababakas na kahit kaunting lambing sa boses niya. "Come on" tumingin  siya sa kanilang butihing kasambahay na si Flor. "Manang, I can take care of her. You can rest now"

Mahina na lamang tumango ang ginang. Bago ito lumabas upang lumipat sa maid's quarter ay sumulyap muna ito sa kaniya. Umangat naman ang kaniyang tingin sa matanda at bahagyang nagtaas ng kilay.

"Matulog kayo ng mahimbing" pagkatapos ay bumaba ang tingin nito kay Fionna at ngumiti.

Nang maihatid ang kaniyang kapatid sa sarili nitong kwarto at kasalukuyang pinapatay ang lampshade ay nagtanong ang bata. "Kuya?"

He just hmm and looked at his wrist watch. "It's late,Fionna. No more bed time stories for you"

"Do you believe in vampires?"

Hindi na sana niya papatulan ang tanong nito ngunit habang nakamasid kay Fionna na labis ang paghihintay sa sagot niya ay minabuti niya na lamang na pagbigyan ito.

"No"

Napanguso ito. "Why?"

Zackarhus kissed her forehead before answering her. "They are not real, Fionna. They were just made by our deep imagination. They are the product of our imagination. A fiction that only lives in our misconceptions"

"They are real, Kuya. Manang Flor told me about them and I believed her when she told me they are real!" Giit pa nito.

Vampires? Sa isip lamang natin sila nabubuhay. Iyan ang paniniwala ng binatang si Zackarhus. Hindi kailanman mabubuhay ang isang bampira sa mundo dahil tao lamang ang nilikha ng Diyos. Bata pa si Fionna at ayos lamang na paniwalaan nito ang ganoong bagay pero mas may importanteng bagay dapat silang inuuna. Ang realidad.

Napailing siya pagkatapos ay hindi na muling nagsalita pa.

"Kuya...they are real" giit parin ni Fionna habang kinukumutan niya na ito.

"Hmm"

"If you would not believe on them, the vampire princess will haunt you down, Kuya"

He just silently laughed about his sister silliness that night. Little did he knows, vampires really do exist.

BLOOD SERIES: THE VAMPIRE PRINCESSWhere stories live. Discover now