THE VAMPIRE PRINCESS

12.6K 351 34
                                    

Every drop of the rain on the cement road, the leaves of the trees were carried by the strong wind, it made Flor even more nervous. Under the full moon while the heavy rain continues to pour. Flor held her umbrella tightly just to keep it from the strong wind. She decided to walk in a dark lane so she could come home early.

Flor was working at a coffee shop and she decided to take the overtime for the first time so that was also the first time she will be choosing to take that shortcut. It was raining too and her mother called her to come home early for her birthday's celebration.

"Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan" mahinang bulalas niya.

She heard a rustling sound coming from the side, it was becoming louder as she approached the nearer trashbin. Bakit nga ba kasi ang tapang niya? Kanina lamang ay nangangatog ang kaniyang mga tuhod. Tila may kung anong bagay kasi ang humihigop sa kaniya. Pilit siyang tinatawag ng kung anong init doon. Hindi niya mapigilan.

"Damn! That was so hot!" It was a raspy voice coming from a man.

She got more worried while coming nearer the scene. Tama ba? Tama ba ang kaniyang ginagawa.

"I am?" The melodious and sweet voice was own by a girl. Dumaan ang kaniyang tingin sa basang buhok ng babae, bumaba 'yon sa basang-basa nitong katawan. Kitang kita niya doon ang magandang hubog ng katawan nito dahil yumayakap sa bawat kurba ang malinaw na satin dress nito. Ang tayong-tayong dibdib nito na bulgar sa mata ng lalaki at maging ang maselang bahagi nito sa ibabang parte ay walang ligtas sa paningin nito.

Nangunot ang kaniyang noo. Sa edad niyang bente uno ay hindi na lingid sa kaniyang kaalaman ang ganoong klaseng bagay. Bukas din ang mga kaibigan niya sa ganoong usapan at napapasama siya, hindi yata matatapos ang kwentuhan nila na walang ganoong topic ang naibabahagi nila.

"Anong trip ng dalawang ito? Sex under the rain? Nag-improve na pala ang kiss under the rain" umiling si Flor, nagpasyang tatalikod na sana nang masilayan niya kung paano naging mabilis ang pangyayari.

Hindi siya nagkamali, dumaan sa mga mata nito ang kulay pula. Nagmalikmata lamang ba siya? Pero hindi, alam niya at sigurado siya sa kaniyang nakita. Tumuon ang kaniyang mata sa lalaki, tila wala itong napansin na kakaiba sa babae.

Dahil na rin sa isipang baka guni-guni lamang niya ang nakita ay wala siyang balak na magtagal pa doon. Hindi niya hahayaang matuklasan ng mga ito na nanonood siya ng live show ng mga ito.

Tumalikod siya, isang hakbang, dalawang hakbang at sa pangatlong hakbang niya ay muli siyang napalingon at halos matumba siya sa kaniyang kinatatayuan ng makita ang babae na nasa kaniya nang harapan. Tigagal siyang napalingon sa lalaki ngunit nakahandusay na 'yon sa sahig. Halos lumuwa ang kaniyang puso sa labis na lakas ng kabog niyon. Dahan-dahan ang pagtingin niya sa babae na ngayon ay kitang-kita na niya ang mapula nitong mata. Ang maputing balat nito ay tila mas lalong namuti at nang dumako ang kaniyang mata sa labi nito ay mas lalo lamang siyang nagimbal. Dugo ang nasa labi nito na siyang dinilaan pa ng babae at mas lalong ipinakita sa kaniya ang panga nito.

Nanigas ang kaniyang katawan dahil sa takot. Ang kaniyang tuhod ay mas lalong nanghina pero himala at nakatayo parin siya doon.

Hindi siya makapagsalita.

"Be thankful, that jerk was enough for this night. Fck. It wasn't even tasteful!" Tila bata itong nag-paikot ng mata sa kaniya pagkatapos ay nawala na lang basta sa kaniyang harapan.

Himala at nakauwi si Flor nang gabing 'yon na buo parin ang katawan. Sa pakiramdam niya kasi ay naiwan ang kalahati ng kaniyang katawan sa lugar na 'yon pero kahit na naligtas siya nang gabing 'yon ay patuloy parin siyang hinahabol ng pangamba at takot.

BLOOD SERIES: THE VAMPIRE PRINCESSМесто, где живут истории. Откройте их для себя