Chapter 31

39K 1.1K 58
                                    

Chapter 31
Sorry

M i k a e l a

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Sumulyap ako sa wall clock, 9 am na ng umaga. Sabado ngayon kaya walang pasok.

Hinilot ko ang aking sentido habang naglalakad pababa. Ang sakit ng ulo ko.

Saan pumunta ang babaeng 'yon?” Bulong ko. Wala naman siyang iniwan na note bago umalis. Naiwan ko pa sa taas yung cellphone ko.

Umakyat ulit ako sa taas para kunin ang cellphone at para magpalit ng damit. Lalabas muna ako para makabili ng makakain namin mamaya. May malapit naman ditong Grocery store.

From: Shinna
Nasa VU ako ngayon. Magfa-file muna ako ng leave. Na-moved ang competition bukas.

Wala akong load kaya hindi ako nakapag-reply. Bakit naman siya magli-leave? Dahil ba sa problema niya sa Daddy niya? Nevermind. Makaalis na nga.

Noodle section ang una kong pinuntahan, Ito ang pinaka-kailangan ko kasi hindi ako marunong magluto. Salamat na nga lang dahil kasama ko dito si Shinna kaya kahit papaano ay nakakatikim parin ako ng lutong-bahay.

“Aray!” Daing ko. Ang sakit no'n, ah. Tumingala ako para makita ang mukha ng nabangga ko—Si James. Inayos ko ang pagkakatayo ko at diretsong tumingin sa kaniya. Lumunok ako. Nakasuot siya ng Black hoodie jacket habang nakapamulsa. Malamig ang tingin niya sa akin na parang hindi niya ako kilala.    “Sorry.” Inis kong sabi.

Bakit ba kasi bigla mo na lang ako hindi pinapansin? Alam ko naman na dahil kay Danna pero hindi 'yon sapat na rason para layuan mo ako!

Gusto ko 'yan isigaw sa harapan niya ngayon pero hindi ko magawa. Ang hirap-hirap. Pakiramdam ko nakatahi ang aking labi ng makapal na sinulid.

Nanigas ang buo kong katawan nang bigla na lang niya akong yakapin kasabay ng pagtulo ng aking luha. Ang higpit ng yakap niya pero hindi ko nasuklian dahil sa sobrang gulat.   

“No. Sorry.” Bulong nito. Bumitaw siya sa pagkakayap sa akin at tsaka umalis na.

“Miss, Excuse me,” Kaagad akong nakabawi mula sa pagkakatulala dahil sa boses na narinig ko mula sa gilid ko.  “Uhm, kanina ka po kasi diyan nakatayo. May problema ba?” Tanong ng lalaki.

Umiling ako.   “W-wala po. Pasensya na.” Nginitian ko siya tapos naglakad na papunta sa cashier para magbayad.

Pati sa pag-uwi maglalakad na lang din ako. Sayang naman sa pera kung sasakay pa ako ng tricycle, Malapit lang naman ang bahay.

Habang naglalakad, Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya isipin. Bakit niya ako niyakap? Anong ibig sabihin no'n?

Sinapo ko ang aking noo.   Mikaela, Tama na. Huwag mo muna 'yon isipin, okay?”

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now