Chapter 2

90.4K 2.5K 100
                                    

Chapter 2: Rejected

Mika’s Point of View

Sa wakas, natapos na rin ang klase namin. Kanina ko pa talaga gustong-gusto magpahinga, e. Kulang na lang matulog ako sa harapan ng professor namin habang nagtuturo. Kulang ata sa hangin ang utak ko kaya mabilis akong maantok kahit tama naman sa oras ang tulog ko.

Hindi kami sabay-sabay uuwi dahil si Krisha at Basty may training pa sa Volleyball. Si Shinna naman ay nasa banda niya.

Pagkalabas ko pa lang ng gate ng VU, marami na akong naririnig na estudyanteng nagsisigawan. Hays, for sure may nagbubugbugan na naman—wala naman na kasi akong maisip na ibang bagay na pwede nilang ikasaya.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras na manood o tumingin dahil wala naman akong mapapala. Antok at pagod na ako, uunahin ko pa ba ‘yan? Tss.

“Mika!” Lumingon ako para tingnan kung sino yung tumawag sa akin. Nakita ko si Kristen Garcia—girlfriend ng isa sa Gangster Princes na tinatawag dito at ka-barkada ni James. Bakit naman niya ako kilala?

“Kristen...” banggit ko sa pangalan niya. Nakangiti siyang lumapit at hinawakan ako sa balikat. Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti, may malalim na dimples kasi sa magkabila niyang pisngi.

“Kilala mo na pala ako. Huwag ka munang umuwi, manood muna tayo roon.” Tinuro niya ang kinaroroonan ng mga taong nagsisigawan.

“H-huh? Pero bakit? Hindi naman ako interesado sa mga bugbugan na 'yan.” Napakunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa nang malakas.

“Sino naman ang nagsabi sa ‘yo na bugbugan ‘yon?” tanong niya nang matapos na siyang tumawa.

“Ano pala ang meron doon?” Hinawakan niya ako sa wrist at hinila papunta sa maraming tao. Hindi na ako nakapagreklamo dahil masyado siyang mabilis tumakbo. Muntikan na nga akong madapa.

Sumingit agad si Kristen sa mga students kasama ako. Agad naman kaming pinadaan ng mga students. Ano bang gagawin namin dito? Baka mamaya madamay pa kami sa—Hindi nga pala ‘to bugbugan.

Pagdating namin sa gitna, hindi dalawang lalaking nagbubugbugan ang nakita ko kundi isang lalaking may hawak na gitara habang nakaupo—si James.

Nang makita ako ng kambal na nasa tabi niya, inabot nito sa akin ang isang bouquet ng Red roses at teddy bear pero hindi ‘to tinanggap. Nakatingin lang ako sa kaniya nang seryoso. Ano bang ginagawa niya? Bakit niya ako binibigyan ng bulaklak? Sinabi ko naman na ayaw kong magpanggap na kami, ‘di ba?

Maya-maya nagsimula na siyang tumugtog ng gitara saka kumanta.

I won't talk, I won't breath, I won't move til you finally see that you belong with me.
You might think, I don't look, but deep inside the corner of my mind, I'm attached to you, mmm...

Tumaas ang kilay ko. Hindi ko mapaliwanag ang titig niya—ang fierce na tila ba nang-aakit. Kahapon lang ang tahimik pa ng buhay ko tapos ngayon gan‘to?

I'm weak, It’s true 'cause I'm afraid to know the answer. Do you want me too? 'cause my heart keeps falling faster

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now