Chapter 7

57.6K 1.7K 48
                                    

Chapter 7
Meet Caleb

M i k a e l a

Sandali akong tumayo mula sa pagkakahiga ko. Kanina pa ako hindi mapakali at paikot-ikot lang sa kwarto. Bakit ba kita iniisip?

"Bakit parang hindi ka ata mapakali diyan?” Napalingon ako sa pintuan ng kwarto. Nakita ko si Krisha na nakasandal sa dingding malapit sa pintuan habang nakacross arms.

"May iniisip lang ako." Umupo ako sa gilid ng kama at nagbuntong-hininga.

"Si James, 'no?" Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Paano naman niya nalaman?         "Nalaman ko kasi halata naman diyan sa pagmumukha mo." Mind reader ba 'tong si Krisha?

"Hindi 'no! Bakit ko naman siya iisipin?” Pagtatanggol ko with matching pout pa. Nahawa na ata ako kay Shinna.

“Sus, Mikaela. Pwede bang tigil-tigilan mo ako diyan sa kagagahan mo?" Pumasok siya at umupo sa tabi ko.

"Teka nga, Bakit ka ba nandito? Tsupi na nga!” Pag-iiba ko sa usapan.

"Tumawag si Tita Andy. Sabi niya, May outing daw tayo bukas." Tuwang-tuwa na sabi niya sa akin. Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha ko. Hindi kasi ako mahilig mag outing, Mas gugustuhin ko pang pumasok na lang.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa Beach resort nila."

Naalala ko na sabi sa amin ni Tita Andy noon na kapag natapos na daw 'yon, Iimbitahan niya kaming pumunta para naman magkaget together kaming lahat.

Si Tita Andy ay panganay na kapatid nila Mama. Siya din yung pinaka umunlad ang pamumuhay kasi nagkaroon siya ng asawang koreano na may apat na M.

Matandang Mayaman, Madaling Mamatay.

"Kung hindi na lang kaya ako sumama?" Tiningnan niya ako ng matalim.

"At bakit naman?"

"Basta." Tumayo ulit ako at lumapit sa harapan ng salamin. Kinuha ko ang suklay at isinuklay sa buhok ko. Humahaba na naman ang maala-dora ko na bangs.

“May gusto ka lang kasing makita sa school.”

“Kulit nito.”

"Sasama ka or else, Sasabihin ko kay James that you're In love with him." Pananakot niya sa akin. Ang kulit din talaga ng babaeng 'to.

"Sabihin mo, Hindi naman totoo." Kumuha siya ng unan at hinampas sa likuran ko.

"What did you just say? Hindi totoo? Mika, Don't deny it. Halata naman." Nilapag ko ang suklay at humarap sa kaniya.

"Wala nga akong gusto kay James." Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila pinagpipilitan na may gusto ako kay James, Na In love ako sa kaniya kahit hindi naman 'yon totoo. Bigla namang sumeryoso yung mukha niya.

"Wala ka bang balak sagutin yung tao?"

"Iisipin ko palang na magiging kami ay parang mamamatay na ako." Siyempre, Nag-oover exaggerated lang ako. Hindi ko lang kasi ma-imagine na magkakaroon ako ng Boyfriend na isang Gangster. Siyempre, Gusto ko maging maayos ang first relationship ko at hindi puro kalokohan lang—Oo na, Ako na ang NBSB. As in, No Boyfriend Since Birth.

"Maghanda ka na nga lang ng dadalhin mo bukas. Echosera." Sabi niya tsaka lumabas na ng kwarto. Makakatanggi pa ba ako? Kapag hindi ako sumama, Baka magtampo sa akin si Tita Andy.

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now