Chapter 3

75.1K 2.1K 49
                                    

Chapter 3: Concern?

Mika’s Point of View

Dahil maaga akong nakatulog kagabi, maaga rin akong nagising ngayon. Six o'clock ang pasok namin. Four o'clock pa lang pero handang-handa na ako. Mabuti nga’t napilit ko pa ang sarili kong matulog pagkatapos ng dinner. Iyon nga lang, hindi ko pa rin nakasabay si Krisha. Late na siguro ‘yon nakauwi.

Pupunta muna ako sa sala, baka sakaling gising na rin si tita. Asa pa ‘ko kay Krisha, tss.

Pagkababa ko, tulad ng inaasahan ko ay si tita lang ang nakita ko sa baba. Naglakad ako papalapit sa kaniya.

“Good morning po.” Nagmano ako sa kaniya. Sinuklian niya ako ng ngiti.

“Magandang umaga rin. Mabuti naman at handang-handa ka na. Kumain ka na, bilisan mo.” Ano naman ang nakain ni Tita at tila minamadali akong kumain? Ang aga-aga pa, ah? Namalik-mata lang ba ako sa pagtingin sa orasan kanina?

“Bakit nagmamadali ka po, tita?” Nakakunot na yung noo ko sa pagtataka. Ngumiti naman siya nang nakakaloka.

“Sabihin mo nga sa akin, Mika. May nanliligaw na ba sa ‘yo?” Muntikan ko nang mailuwa ang kanin na kasusubo ko lang. Siguro tsinismis ng bruha kong pinsan yung tungkol kay James pag-uwi niya. Nako, sigurado ako na pagagalitan ako ni tita kapag nalaman niya mula sa akin na totoo ‘yon tapos hindi ko pa sinabi sa kaniya kagabi. Totoo nga ba?

“Natanong mo na po ‘yan kagabi, e.” sagot ko nang makabawi na ako. Si tita kasi masyadong prangka kung magtanong.

“Sagutin mo na lang ang tanong ko.” Napalunok ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang ikinakatakot ko? Una, hindi naman talaga ‘yon nanliligaw sa akin. Pangalawa, inaakit lang ako ng bwiset na ‘yon at pangatlo, malabo pa sa lubluban ng kalabaw na magkagusto siya sa akin.

“Wala po.” Kumunot naman yung noo niya. Medyo nananayo na ang mga balahibo ko sa kaba. Kapag nalaman ko lang talaga na kay Krisha niya nalaman, masasabunutan ko talaga ‘yon nang bongga.

“Sigurado ka ba?”

“Tita, bakit ba parang hindi ka naniniwala?”

“Wala namang kaso sa akin kung makipag-relasyon ka. Ang akin lang, mag-aral ka pa rin nang mabuti.” Nginitian niya ako at hinawakan sa balikat. Nakahinga ako nang maluwag, akala ko katapusan ko na.

“W-wala naman po talaga, e,” patuloy kong pagtanggi. Napakamot na lang ako sa ulo. “Naiintindihan ko naman po ang sinasabi mo, tita. Hindi ko po pinababayaan ang pag-aaral ko.”

“Ang bait naman ng pamangkin ko.” Natigilan siya sandali. “Sandali, kung walang nanliligaw sa ‘yo, sino yung naghihintay sa labas?” Nakaturo siya sa bintana.

“Baka po manliligaw mo.”

“Kung akin ‘yon, kanina ko pa ‘yon in-entertain. Ikaw ang hinihintay niya. Sinubukan ko nga papasukin pero sa labas ka na lang daw niya hihintayin."

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Lord, don't tell me na si James na naman yon?

“Sigurado ka po, tita? S-sino raw po?"

“James daw ang pangalan niya. Ang gwapo. Nako, mukhang mayaman pa.” Napahawak ako sa sentido ko. Ang kulit talaga niya! Pati ba naman dito sa bahay ginugulo ako? Yung umaga ko pa talaga ang binalak niyang sirain.

“Tita, pakisabi naman po na hindi ako papasok.” Umupo ulit ako at bumalik sa pag-kain.

“Sa ayaw at sa gusto mo sasabay ka sa kaniya. Kawawa naman yung tao, kanina pa ‘yong Alas dos naghihintay sa ‘yo.” Napanganga ako sa sinabi ni tita. Wala naman akong sinabi na hintayin niya ako nang gano'n kaaga, at lalong wala akong sinabi na sunduin niya ako. Nagpapa-konsensiya ba siya?

ACCIDENTALLY IN LOVE WITH THE GANGSTER PRINCE Where stories live. Discover now