the REAL FIRST KISS

Depuis le début
                                    

Makalipas ulit ang sampung minuto payapa na muli ang kanyang pag-tulog. Ang problema, hindi naman ako komportable sa posisyon niya. Parang ako ang mangangawit ang beywang at likod pag-gising niya. I breathe out a long sigh, shut down my laptop and set it aside.

 Ma-ingat kong kinuha ang isang unan sa kanya at inayos sa’king kandungan. Lakas loob kong tinaas ang kanyang braso, walang reaksyon. Pigil hiningang binuhat ko ang kalahati ng kanyang katawan at marahang itinihaya upang mapahiga siya ng tama. Naka-hinga ako ng maluwag ng walang aberya kong mai-patong ang kanyang ulo sa unan na nasa aking kandungan.

I gently tucked her hair that had fallen on her face to the side of her ears. She definitely looks like a sweet angel, I really like watching her soundly sleeping.

[Flashback]

“I will never return your gameboy until you marry me! Wait kita sa park” iyon ang naka-sulat sa papel na naka-balot sa bola na tumama sa paa ko, kahit walang pangalan alam na alam ko kung kanino nanggaling iyon. Dalawang linggo na mula ng magka-kilala kami at tuwina ay kinukulit niya akong pakasalan siya. Para namang pwede na kaming mag-asawa eh six years old pa lang kami!

Tumakbo ako papuntang park, baka masira ng wala sa oras ang gameboy ko eh kabibili lang yun ni mama nung isang araw. Malawak ang ngiti niya, naka-kulay puti siyang bestida at may hawak na pumpon bulaklak.

Hindi ko naman itatangging cute talaga ang batang babae na ‘to. Nang maka-lapit ako sa kanya, napansin kong marami palang mga bata at parang hinihintay talaga nila ako.

“Where’s my gameboy?” tanong ko agad sa kanya.

“Di ba sabi ko sayo hindi ko ibibigay until you marry me?” naka-ngiti pa rin niyang sagot.

“Imposible yan Courtney! Bata pa tayo, bawal pa ‘yon! We need to finish college and get a job first!” halos pa-sigaw kong sagot sa kanya, natahimik naman siya at sana na-iisip niyang tama ako. Medyo kumunot ang noo niya.

“I see, okay ibabalik ko na ang gameboy mo…” –Yes!

“…But nandito na rin tayo, so let’s make a promise na pag tumanda na tayo—but not like lolo and lola—na we will marry ONLY each other and no one else!” napa-isip ako, kapag hindi ako sumang-ayon baka hindi na niya ibalik ang gameboy ko pero pag pumayag ako ibig sabihin girlfriend ko na siya kasi doon muna bago maging mag-asawa diba?

Ibig sabihin araw-araw niya akong kukulitin at didikit siya sa’kin kahit saan ako mag-punta! Ayoko non! Napa-pitik ako sa ere, alam ko na ang gagawin para makalusot!

“Sige, pero hindi pwedeng mag-boyfriend na tayo kasi bata pa nga tayo. Friends nalang tayo until the day of our wedding. Until then bawal mag-salita about love and crush, okay?” Ngumiti siya at tumango.

“Sure! From now on bestfriends na tayo!” bestfriends? Patay! Hindi ko na nagawang umangal dahil hinila na niya ako palapit sa maliit na estatwa ni mama Mary sa park na iyon. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nag-simulang mag-salita.

“I, Courtney Jacinto, six years old, kinder at Jesus Friends Learning Center, daughter of Edward and Bella Jacinto, promise that one day when we get old but not super old. After we finish college and got a work, I will marry you Brix Montgomery” naka-tingin lang ako sa kanya, hindi malaman kung anong sasabihin.

“Hoy! It’s your turn” untag niya sa akin.

“I…ugh…I, Brix, promise to marry you someday… C-courtney” ngumiti siya at niyakap ako, hindi naman ako maka-kilos sa kinatatayuan ko. Nang biglang…

“Wooo! Kiss! Kiss!” sigaw ng mga batang nanonood sa amin, bumitiw ako kay Courtney at inis na binalingan ang ma-iingay na bata.

“No! hindi naman kami groom at bride kaya bakit kami magki-kiss?!”

“Pero pag nagpa-promise ang mama’t papa ko lagi sila nagki-kiss. Kasi daw seal yun!” sabi ng matabang batang lalaki.

“Seal it with a kiss!” sigaw ng chinitang batang babae

“Oo nga!”

“Kiss na!”

“Our promise is not made to be broken, kaya dapat nating i-seal iyon Brix!” seryosong sabi ni Courtney, napa-buntong hindi nalang ako. Me against the world, anong panalo ko?

“Fine!” napipilitang lumapit ako sa kanya at marahang idinampi ang aking mga labi sa kanyang pinsgi. Mabilis akong lumayo pagkatapos.

“Not like that!” reklamo ni Courtney, pero bago ko pa ma-isip kung anong ibig niyang sabihin ay bigla niyang hinila ang kwelyo ng damit ko.

Naramdaman ko na lang na magka-lapat ang aming mga labi.

And that’s how our first kiss really happened.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant