Pasukan na...

52K 1K 203
                                    

-Brix' POV-

"Good morning fellow students. Especially to the freshmen, I hope you enjoy your stay and learn well here at Famy Kodomo Academy. Bilang president ng student council you can come to me whenever you have any problem. Huwag kayong mahihiya at tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya. And now that I am the president of our student council, please expect changes for the improvement of our academy. Thank you." Masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa mga estudyante at faculty members ng eskwelahang ito.

It's only natural, laging handa at may katuturan ang mga speech ng isang Brix Montgomery. And that's me, aka Mr. Perfect. Why, you ask?

Well it's because of the following reasons:

-humble

-as I've said I'm the student org president

-ako ang laging top1, the classes just started but everybody knows that I will be the valedictorian

-gentleman

-matulungin

-friendly

-can dance and sing

-cool

-mabait

-mayaman

-at higit sa lahat gwapo at ma-appeal

Iyan ang mga dahilan kung bakit tinatawag nila akong Mr. Perfect, hindi nila alam natatawa nalang ako sa pagiging gullible nila. Dahil ang lahat ng 'yan ay isang malaking pag-kukunwari. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko nang salubungin ako ng vice president kong si Karla, nakapaskil ang nahihiyang ngiti sa kanyang mukha. Ini-abot niya sa'kin ang school news paper na kailangan kong aprubahan, matagal ko ng napapansin ang damdamin niya para sa'kin But who cares? Hindi ko kailanman bibigyang pansin ang kagaya niyang nerd. Tingnan niyo nga, naka-tirintas ang buhok na may bangs pa, ang haba ng palda at naka-salamin ng makapal.

Wala man lang kahit isang babaeng kawili-wili sa school na 'to. Ah! Meron pala, si ...


-CJ's POV-

"CJ!"

"Ano?! Anong pangalan ko?"

"Courtney Jacinto po!" Humakbang ako palapit sa kanya.

"Kilala mo naman pala ako, pero nangahas ka pa ring lokohin ang kaibigan ko?" Tumaas ang kaliwang kilay ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang abandonadong silid-aralan, nakatambak sa isang gilid ang mga upuan pero hindi naman maalikabok. Nalilinis pa din ng janitor ang parteng ito ng eskwelahan.

"S-sorry. Hindi ko po sinasadya." Nai-iyak niyang hingi ng paumanhin.

"Boys, what do you think? Anong ipaparusa natin dito?" Baling ko sa mga ka-tropa ko.

"Itiwarik sa flagpole." Sabi ni Drake.

"Huwag, 'pag nalaman 'yan ni mommy walang katapusang sermon nanaman." Kontra ko naman.
.
"Itali nalang sa puno, sa may gate way. Lagyan ng signboard: TWO TIMER AKO." Suhestyon ni Dylan.

"Hmmm, I guess that's better." I flipped my hair and started walking towards the entrance of the school building, which is just across this room.

"Sige, itali n'yo na. Make sure walang magpapakawala until 7PM."

"Yes boss!" They said in unison.

Haaay, balik aral na naman. Nakaka-boring pa naman ang school na 'to.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon