(8) Flash Forward And it All started. (★)

Start from the beginning
                                    

"A... a—sorry talaga ha, Gerard." Medyo mukhang nahiya pa siya. Napangiti nalang ako.

We continued distributing until the last person here in class has his copy. Dumating si ma’am tapos binigyan din namin siya ng copy. Malamang, di ba. Pinagbigyan kami ni ma’am magpractice, since we’re running out of time. Sus... If I know tamad pa yan magturo. Ruma-rason lang talaga. Well, at least for now, we have the songs to practice. Bukas pa dadating yung mismong script.

"So as you can see, may 31 scenes tayo. May mga unassigned characters pa diyan. We'll get to that soon." Sabi ko. It’s not so me. I’m not the leader type so, trying hard lang ako.

"First scene... yung gaganap ng Valjean. Plus the men and Javert and the Bishop. Please step forward." Sabi naman ni Ren. Whoa – her leader side. "Hiro. Paki-dala yung speakers dito sa harap please." She said to the man at the back. Si smart kiddo! Siya pala yung gaganap na Marius. And he was paired to a certain girl here in class who... you know. May something sa ata kanila. That girl’s name is Shayne. Siya yung gaganap na Cosette. Match-maker ata ang musical na 'to.

Andami ko nang sinabi; ang dami ko rin kasing pinapansin. Nagp-play na pala ng music si Ren. "Yan yung ifa-follow nyo na tune ng lyrics na nakalagay diyan sa copies niyo."

"Gerard—" she called.

"Yes?" Siyempre pag si Ren, kailangan sumagot agad.

"You take care of the ensemble group. Medyo marami silang scenes."

 

 

"Roger that."

This has been a tiring day. Pero masaya dahil sa english class. O sige na nga. Dahil kay Ren.

Dumiretso na agad ako sa bahay pagkatapos ng klase. Nakakapagod din yun. Nakatulog ata ako pagdating ko. Nagising kasi ako medyo gabi na. At naalala ko, yung regalo ni Ren! Dumiretso ako sa may subdivision nila na parang pamilyar, siguro dahil ilang bloke lang malapit samin – bagay na inalam ko mula kay Chen.

Pero, hindi ko alam ang exact address. Ayoko naman mag-take advantage kay Chen kung tungkol rin lang kay Ren. So ito, andito lang ako sa park ng subdivision nila. This is really familiar to me. I stopped rolling around, and then, I phoned her.

After three rings, she answered. "Hi, Laurren."

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeWhere stories live. Discover now