Chapter 25 • Meet the Level five

1.6K 63 6
                                    

Chantall's POV

Kinakabahan ako dahil first time ko mamemeet ang pamilya niya. Lalo akong kinakabahan dahil makikita ko na naman ang ate niya ang sungit pa naman nun hindi ko alam kung bakit ganoon siya sa'kin. Pinakilala siya ni Xiel sa'kin noong minsan pumunta kami sa school ng ate niya. Sa Korea kasi ito nag-aaral.

Maya maya pa ay nasa labas na kami ng mansion nila. Alam ko malaki bahay nila dahil naging stalker niya ako dati.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at inalalayan para bumaba.

"Relax CL. mababait sila sigurado akong magugustuhan ka nila."

Ngumiti lang ako saka tumango. Hindi ko magawang magsalita dahil sa kaba. Hinawakan niya ang kamay ko papasok ng mansion nila. Hindi pa rin mawala ang kaba ko parang may hindi magandang mangyayari kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Agad naming tinungo ang kusina kung saan nandoon ang pamilya niya.

Biglang huminto ang mundo ko sa nakita ko. At sunod-sunod ang kaba sa dibdib ko.

Bakit siya nandito?

Tanong ko sa sarili ko.

"CL are you okay?" Bigla akong natauhan dahil sa tanong ni Xiel

"Ye-yeah I-Im okay." Nauutal kong sagot.

Pinaupo niya ako sa tabi niya pero halos hindi ako makagalaw ng maayos dahil ang taong iniiwasan ko dahil paulit-ulit ko ng nasasaktan ay katabi ko. Sa madaling salita nasa gitna ako.

"Hi Hija Nice to see you again." Naguguluhan man ako sa umpisa unti-unti kong prenoproseso sa utak ko ang lahat.

Bakit nga ba hindi ko agad napansin na pareho pala sila ng apilyedo. At si Tita ay matagal ko ng kilala.

"You know her Mom?" Biglang tanong ni Xiel sa Mommy niya

"Yes, how can I forget her. She's the girl who..."

"Excuse me." Bigla siyang nagsalita at tumayo.

"Where are you going Kobe." Tanong ng ate niya.

"Kay Dad. I'll visit him walang nagbabantay sa kanya doon. Sana pala hindi na ako sumali sa dinner na'to."

"Kobe ano bang problema mo. Mahiya ka nga may bisita ako tapos ganyan ka."

"Bisita mo diba? Kaya wala akong pakialam."

"Sumusubra na talaga ugali mo." Akmang susuntukin na niya ang kapatid ng pigilan ko.

"Pasensya na po. Nagkagulo pa kayo aalis nalang po ako." Sabi ko.

"NO you stay here CL."

"Aalis na ako Xiel. Salamat sa pag-invite sa'kin pasensya na rin sa nangyari."

"Tss." Sabi ni Roben saka umalis.

Kung alam ko lang hindi na sana ako pumayag pumunta dito. Ngayon ko lang nalaman na magkapatid sila. Dahil hindi naman ako pinakilala ni Roben sa pamilya noon. Puro gimik, barkda lang ang inaatupang niya dati noong nasa Korea pa kami. Kaya naghiwalay kami dahil napagod na akong intindihin siya. Pagod na ako magpaloko kahit alam kong mahal na mahal ko pa siya noon.

Alam ko naman na nagbago na siya pero hindi ko alam kung bakit hindi ko na kayang ibigay ang tiwala ko sa kanya. Marami an rin kasi ang nagbago isa na doon ang pagmamahal ko sa kanya. May puwang pa naman siya kahit papano dito sa puso ko.

Hindi na ako nagpahatid kay Xiel nagpasundo nalang ako sa driver namin medyo malapit lang din kasi dito ang bahay namin.

Saka nalang ako magpapaliwanag kay Xiel kapag kaya ko na.

A Beautiful Disaster [ EDITING ]Where stories live. Discover now