Chapter 10 ⚫PRACTICE Day 3

2.2K 138 10
                                    


Xiel's POV

Natatawa ako sa itsura ng babaeng yun. Siguro nagtataka siya sa mga pinaggagawa ko sa kanya.

Flashback -

"Klient itutuloy mo pa rin ba plano mo.?" Tanong ni James

"Bakit naman hindi, para naman makaganti ako sa ginawa niya sa'kin. Grabeng kahihiyan ang ginawa niya sa tanang buhay ko wala pang gumawa nun." Sagot ko

"Dre babae yun ano ka ba? Hindi ba pwedeng kalimutan mo nalang yun. Ikaw din naman nag-umpisa nun diba?" Si James

"Gagantihan ko lang hindi ko naman sasaktan alam mong hindi ako nananakit ng babae." Sagot ko

"Ewan ko sayo dre wag ka lang magsisi sa huli"

"Wag ka nga basag trip dre. Panira ka talaga hayaan mo nalang ako. Ako bahala"

"Bahala ka talaga hindi ako sasali dyan sa kalokohan mo" Tanggi niya

"Hindi kita pinipilit dre. Kaya ko naman gawin to mag-isa"

End of flashback -

Plano ko ang lahat pati ang kunwaring pakikipagbati sa kanya, at kunwaring mabait sa kanya kapag dumating ang araw na makuha ko na ng loob niya saka ko siya ipapahiya. Pinahiya din naman niya ako kaya yun din gagawin ko sa kanya ano akala niya siya lang marunong. Sa barkada si James lang ang nakakaalam ng plano ko at sabi ko sa kanya wag sabihin sa iba dahil alam ko pipigilan lang nila ako. Mga hero tingin nila sa sarili nila eh. Lalo na pagdating sa mga magaganda. Maliban sa babaeng yun hindi naman kagandahan yun. Tss nakakainis kaya mukha nun.

Nandito ako sa labas ng practice room ito ang huling araw para makapag-practice kami para sa darating na anniversary o foundation day ng school. Kakalimutan ko muna plano ko ngayon kailangan kong magpractice dahil baka umuwi si chairman lagot ako. Ayaw pa naman nun na napapahiya dahil dala namin apilyedo niya. Ayoko man pero kailangan kahit kinakabahan na ako gagawin ko lahat para di kami mapahiya sa performance na gagawin namin.

Wala pa yung iba kong kasama kaya nandito ako sa labas. Maya maya ay may narinig akong nag-uusap.

"Andaya mo Flint di ka nagsabi na uuwi ka." Boses ni ano yun hah. Aish sino nga yun.

A..... Aze

Ayun Aze pala. Sino naman kaya kausap niya.

"I just wanted to surprise you babe." Sagot lalaki , tss ang badoy

"Kahit na ang daya mo pa rin"

"Sorry na okay. Ate Jas told me that you're going to dance two days from now. And that's why I'm here I want to see you dance again. Oh wait why ate Jas allow you to dance again. Are you okay now. Please tell me if not , We all know your condition babe. Just tell me kung may nararamdaman kang hindi maganda." Nag-aalalang sabi ng lalaki. May sakit ba siya?

"I'm perfectly fine babe. Matagal na yun and besides hindi ako nagpapagod kaya relax okay. Wala kang dapat ipag-alala ako pa."

"Pasaway ka pa rin ba?"

"Slight. Haha"

"One more thing I have to tell you"

"What is it?"

"I going to study here. Yeah Mom finally allow me to stay here. Sabi ko kasama naman kita kaya safe ako."

"Loko , paano ka naman magiging safe na kasama ako."

"Trippings haha I know you too well. That's why I'm safe when I'm with you haha"

"Whatever you say ,Hinihintay ko lang sila Kira magsstart na kami last practice na ngayon eh. Okay ka lang ba dito baka mabored ka lang?"

"Okay lang panunuorin kita. Hindi naman bawal diba?"

"Oo naman noh?"

Aish, makaalis na nga. Nakakairita makinig sa kanila. Sino ba yung Flint na yun. Tss sagabal sa plano ko ang isang yun. Kailangan ko gumawa ng paraan para makalapit ako kay Aze,

Ilang minuto lang ay dumating na din ang mga kasamahan namin halos kasabay lang dumating ng mga kaibigan ni Aze. Parang hangin lang ang turingan namin ngayon kasi huling practice na namin 'to. Kaya puspusan ang insayo namin ngayon ilang araw nalang ang foundation na. Buti at pinayagan kami mag overtime dito sa practice room. Nauhan pa akong magpaalam ni Aze kay dean , bilib talaga ako sa babaeng yun.

Panay ang tingin ko sa Flint na'to ang lagkit niya nakatingin kay Aze. Sino ba ang isang ito bigla nalang sumulpot dito naaalibadbaran ako sa mokong na'to.

Adrian's POV

Kanina ko pa napapansin itong si Klient ang sama makatingin sa lalaking kasama ni Aze problema ng isang ito.

Tss saka ilang araw ko na din napapansin di na siya nagsusungit kay Aze at di na sila nagbabangayan. Dati rati kapag magkasalubong lang sila parang may gyera lagi. Itong si Klient kasi pumatol ba na naman sa babae. Laki na talaga pinagbago niya parang kalahati ng pagkatao niya ang namatay din. Pero nitong nakaraan medyo bumait na siya kay Aze. Baka nabagok ulo nito at natauhan na.

Nga pala ako si Adrian Montes ang drummer ng grupong Level five. Tahimik ako kapag gutom, di ako masyadong nakikipag-usap sa iba tulad din ni Klient. Pero di ako masungit at cold na tulad niya. Namamansin din naman ako kahit papano.

Nagpahinga muna kami saglit nakakapagod kaya magdrums. Yung kabilang grupo di pa tapos wala yata balak magpahinga ang mga 'to. Ang galing niya sumayaw pwede ipanlaban sa mga contest ang swabe lang nila gumalaw. Saka may itsura sila lahat lalo na yung si Kira nakakairita lang minsan ang jeje masyado magsalita. Pero na ku-cutetan ako sa kanya.

Tama na nga baka isipin niyo pa trip ko yun. Hindi noh? Cute lang talaga siya. Ang cute niya magsungit lalo na kapag tinitingnan ko siya may crush siguro sa'kin isang ito. Pero ang galing niya talaga sumayaw.

"Yow dre crush mo ba isa dyan kanina kapa grabe makatitig ah." Tanong ni Xymon

"Wala noh? Naaaliw lang akong panoorin silang sumayaw ang galing kasi."

"Sus kunwari ka pa dre, di mo ako maloloko noh?"

"Wag mo ako itulad sa'yo ulol."

"Kayo dyan pag-umpugin ko kaya mga ulo niyo. Balik na sa practice puro kayo kalokohan.' Saway ni Klient , kita mo 'to ang bitter talaga

"Bitter ka dre. Oo na susunod na kami." Sabi ko

"Tara na nga , baka batuhin pa tayo ng mic nun. Pagbigayan bitter eh." Sabi ni Xymon , nanggaya pa ng linya ang malanding gwapo.

Oo siya lang ang gwapo na malandi. Wag kayo maingay baka masapak ako nun.

Aze's POV

Hay salamat natapos din nagpahinga muna kami sandali tapos balik ulit nakakapagod grabe.

"Babe oh! Tubig" sabi ni Flint sabay abot ng mineral water sa'kin.

"Naks dumadamoves si papa Flint" kantyaw ni Jacky

"Hoy tumigil ka Jacky Lien. Baka ano isipin niyan madali pa naman maniwala yan." tawa kong sabi

"Sus kunwari ka pa babes gusto mo din." Si Flint

"Sige magkampihan kayo lakas niyo mantrip hah sige lang." Sabi ko sabay pout

"Dalaga na talaga ang dyosa mga sister." Sabi naman ni Mika

Mga baliw talaga sila ako na naman pinagtripan. Pero kapag ganitong usapan masaya kami lahat lalo na nandito ang Bestfriend ko. Matagal kami di nagkita kung nagtataka kayo bakit kilala siya ng barkada kasi last year nagbakasayon kami kaming lima sa Korea actually si Flint ang pupuntahan ko ng tine nan yun sumama lang talaga silang apat kaya pinakilala ko sila kay Flint. Kaya ayan mga baliw na naman kami na naman napagtripan.

Mga alas dyes na ng gabi natapos ang practice namin kaya puro kami pagod. Hinatid ako ni Flint kasi dun muna siya mag-sstay ng ilang araw habang hinihintay na sila tita na umuwi dito nauna kasi siya umuwi excited daw kasi siya makita akong sumayaw baliw talaga isang ito.

Hayst! Kapagod makatulong na nga lang maaga pa ako bukas tutulungan ko si Flint na mag-asikaso ng mga papers niya para madali lang siya makapag-enroll.


A/N: unedited chapter.
TYPOS / GRAMMATICAL ERROR
( Madami kayo makikita dyan )

A Beautiful Disaster [ EDITING ]Where stories live. Discover now