Chapter 1

186 18 19
                                    

WAG MAG-ALALA! open parin registration! Hahahahaha

Ok ito na! hahahahaha xD 1st 3 chaps muna gawin ko. Next update ay baka next weekends na! Sa mga nakasali, Chill lang kayo guys. mapapakita yung mga characters nyo sa mga next chapters. hinay lang, hentai-hentai lang hahahahaha xD so anyway, enjoy sa pagbabasa guys. Don't mind the grammar error at yung mga typo, aayusin ko yan pag free ako hahahaha xD. Enjoy reading guys! lavyaaaa! :* 

_______________________________________

5:30 AM...

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Kinusot ko ang mata ko bago bumangon mula sa aking higaan.

Napadungaw ako sa bintana ko at napansin ko na nagsusumikat na ang araw. Na-realize ko lang ngayon na 2 days ako pabalik-balik ng tulog. 

You may be wondering. Sino ako? Ako lamang si Kennedy Costancio. Isang simpleng lalake na nasa bente singko anyos.

Isang Veterinarian ako. I have a clinic of my own.

Well, I can consider myself as a cold type of person. Hindi ako masyado nagsasalita. Mag isa lamang ako. Namatay ang Nanay ko 5 years ago mula sa kamay ng aking ama. Isang drug addict ang tatay ko. Bigla na lamang siya nawala after niya mapatay ang aking ina.

Hanggang ngayon, hinahanap ko parin siya upang makamit ang hustisya na matagal na dapat nakay ina.

Lumabas ako mula sa aking bahay upang pumunta sa aking clinic.

Nagtaka ako kung bakit walang tao na nasa paligid.

Maraming nakakalat na dyaryo sa kalsada. Pansin ko rin ang iilang bangkay ng aso sa kalsada. Police K-9 ang mga aso na ito.

May mga maliliit na butas sa kanilang katawan na para bang pinagbabaril ang mga ito.

Inimbestiga ko ang isa sa mga bangkay ng aso. Nagtaka ako nang makita ko ang iilang sariwang sugat sa katawan nito.

Madalas sa mga sugat na ito ay kagat... kagat ng tao.

Nilayuan ko nalang ang mga bangkay ng aso at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ko maiwasan na kabahan habang naglalakad. Napakatahimik ng paligid. Wala parin ako maaninag or marinig man na tao.

Wala man kahit anong ingay ang naririnig ko. Tanging ang pagdalos ng malamig na hangin at ang patuloy na pagbusina ng isang kotse sa hindi kalayuan ang nasasagap ng tenga ko.

Nakarating na rin ako sa aking clinic. Sinusi ko ang salaming pintuan nito at pumasok.

Naupo ako sa upuan at napabuntong hininga. Mukhang hindi normal ang takbo ng araw na ito. Nagtataka ako. Nasaan ba ang mga tao sa paligid? Para bang naglaho sila na parang bula.

Napansin ko ang dyaryo na kahapon kong binasa na nakalapag sa lamesa ko.

Kinuha ko ito at binuklat.

Unang artikulo na napansin ko sa dyaryo ay itong unang binasa ko.

"One man with an unknown disease became alive after he was announced dead." Pagbabasa ko ng tahimik.

Nagtaka ako sa artikulo na ito. Dahil na rin sa kuryosidad ko, binasa ko pa lalo ito.

Dead body became alive...

Aggression...

Deadly...

Virus...

Dangerous...

At kung ano pang mga salita ang nakalagay dito na tiyak na pinagtaka ko lalo.

Isang lalake na namatay due to a deadly virus ay nabuhay muli. Parang napakaimposible naman iyon. Basi sa balita, nagsimulang maging agresibo ang lalakeng iyon after niyang mabuhay muli.

I was a bit astonished to read na nangagat ang lalakeng iyon. Kinagat niya ang isang doktor sa leeg nang ine-examine siya, which causes the doctor to suffer from a severe neck wound .

Tinigil ko nalang ang pagbabasa sa dyaryo.

Ewan ko nga ba, pero para bang kinabahan ako.

Basi sa kinilos ng lalake, para siyang isang undead; a zombie to be exact.

I was cut off from my thoughts nang madatnan ko ang isang aso na naglalakad sa gitna ng kalsada.

From the looks of it, isa itong asong ligaw.

Dahil sa pagaalala ko dito, lumabas ako para dalhin ito sa clinic ko.

Paikot-ikot ang aso ng lakad. Tinawag ko ito. Bigla na lamang ito huminto na parang bato nang tinawag ko.

Napahinto ako sa paglalakad. Iilan lang ang distansya namin ng aso.

Pumito ako para makuha ang atensyon ng aso.

Ang sunod na nakita ko ay para bang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Lumingon ang aso sa direksyon ko. Kakaiba ang anyo niya.

Ngayon ko lang napansin na marami pala itong sugat sa katawan at mukha. Tumutulo ang bumubulang dugo nito mula sa kanyang bibig.

Ang pinagtataka ko... bakit kakaiba ang kulay ng mga mata niya?

Kalahati ang kulay nito ay puti na may bahid ng mapupulang ugat. At ang kalahati ay itim, katulad lang sa tipikal na mata ng isang normal na aso.

Kinabahan ako nang bigla nalang ako tinahulan ng aso. Halata dito ang matinding galit, sa tono palang ng pagtahol nito. Lumalawit na ang mga matutulis na ngipin nito bawat tahol. Ang posisyon ng katawan niya ay para bang pinapakita na handa na siyang lumapa at pumatay.

Nanlaki ang mga mata ko nang nagsimula na itong tumakbo papunta saakin.

[HIATUS] The day when the undead roams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon