CP - known

1.1K 46 0
                                    

Maxinne's POV

"Aghr!"
Napahawak ako ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang matinding pagkahilo.

Para akong masusuka.

Nasan ba ako?.

Inilibot ko ang mga paningin ko.  sa kwarto.

Isang Madilim na kwarto at ang kaunting aninag ng mga ilaw galing sa labas.

Pumunta ako doon upang silipin ang labas.

Ngunit ako Ay nabigo, Malabo parin ang aking paningin. Dahil sa aking pagkahilo.

Bat ako nandito?. nasan na ang mga kaklase ko?.

L-ligtas na ba ako... kami?...

Nasa isa akong kamang banig, Walang elektrikpan Pero, Malamig.

Sinubukan Kong tumayo, Pero Agad akong napaupo ng maaninag ko ang lalaking naka itim na bonet, at facemask.

... At doon ko naalala ang lahat.

Yung killer. Kinuha ako ng killer.

Hindi ako makapaniwala na Siya iyon.


Nandoon Siya sa desk na may Mic at laptop sa harapan, Pagkatapos May Isang malaking screen na naka dikit sa dingding.

Nakita ko ang mga kaklase Kong nakahandusay lamang sa lapag. At tila na estatwa.

Kung Di ako nagkakamali, Si Tricia ang tumakbo papunta Kay aeon...

At sa katawan ni era.

T-teka!? Anong nangyayari?

Anong Ibig sabihin-

Umiyak Sila Tricia sa katawan ni era.

Habang si aeon pinagsusuntok ang pader.

Nakita ko namang ang Iba Ay hinila si mariejo palabas ng grupo.

"P-patay na si era.."

Mahinang bulong ko at napahawak sa aking bibig.

Umagos ang aking luha.

Ang bilis ng pangyayari.

Parang Dati Lang, kasabay ko pa itong kumain sa canteen.

Dumating sa kasabay na sumagot ng mga palaisipan.

Ngayon.. 

Wala na .

Tila napalakas ang hikbi ko.

Dahilan para mapansin ako ng lalaking naka bonet.


Nakita niya ako at lumapit Ito sa aking kinaroroonan.

Tumingin ako ng diretso dito.
"Anong n-nangyari Kay e-era"

Sabi ko.
Habang Umiiyak. Pinipigilan ko ang mga hikbing lumalabas sa aking bibig

Pinatay niya ang monitor gamit ang remote.
"T-teka!"

Sabi ko.

Wala na akong magawa dahil pinatay a niya ng tuluyan Ito.

Nananatili paring Walang salita ang nanggagaling sa kanya.

Kinuha niya ang kamay ko at ipinunta sa Isang upuan.

Itinali niya ng Panyo ang aking bibig kamay at paa, sa upuan.

Class PictureWo Geschichten leben. Entdecke jetzt