"Hindi mo ba gets?! Fiction stories ang naging karamay ko noong mga panahong iniwan mo'ko sa ere! Dahil sa stories natuto akong pahalagahan ang pride ko bilang babae! Gumaan ang pakiramdam ko noong mga panahong lunod na lunod ako! Tapos ngayon magagalit ka?! Fiction stories lang may forever! Kasi sa realidad hindi mangyayari 'yon. Darating din ang araw na masasaktan ulit ako nang dahil sa'yo!"

I was stunned by her sudden outburst. Libu-libong karayom ang tumusok sa dibdib ko. Ang akala ko tapos na kami sa kabanatang 'yon.

"So this is still all about the past? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako lubusang napapatawad, Reign? Hanggang ngayon ba hindi pa rin tayo nakausad sa mga issues natin?" She just shooked her head that made my heart cringe.

"Hindi ko alam."

"Tell me. Tell me the truth, Reign. Mahal mo nga ba talaga ako o gusto mo lang ibalik sa'kin ang ginawa ko noon?"

"Of course not! Mahal kita!"

"Then why are you doing this--"

"Dahil natatakot ako! Natatakot na baka hindi totoo lahat ng 'to! Paano kung panaginip lang pala 'to? At magising na lang ako na wala palang Bryce sa buhay ko?"

My heart soften. Did I make her feel that way? Agad ko siyang kinulong sa yakap ko.

"I'm sorry, okay? I'm sorry kung may pagkukulang ako. Pero hindi ka nananaginip. Totoo 'to. Patay na patay ako sa'yo, Baby ko."

"Promise? Ako lang? Hindi ka na titingin sa iba?" I chuckled and caressed her hair.

"Paano pa ako titingin sa iba kung ikaw lang ang hinahanap-hanap ko? Mahal na mahal kita kahit palagi mo akong inaapi."

"Pft! Ang cheesy natin, Pangga! Hindi ako sanay!"

The room was then filled with our chuckles and laughter.

* * *

"DO YOU really think magugustuhan niya 'to, Dad?"

"Wala ka bang tiwala sa sarili mo, anak?"

"I don't know, Dad. I want the best of everything for her. Hindi ko alam kung magugustuhan niya 'to. Naramdaman mo rin ba kay Mommy noon na nai-insecure ka sa sarili mo?" Dad chuckled and sat beside me.

"Believe me, Son. Naramdaman ko rin 'yan. Pero hindi naman importante ang mga materyal na bagay sa mga babae, bonus na lang 'yon para sa kanila. Mas mahalaga sa mga babae ang oras at effort." I nodded my head and smiled.

"Thanks, Dad."

This is the day that I will formally ask her hand. Alam kong maghihintay pa ako ng dalawang taon para makasal kami pero gusto ko siyang markahan para hindi na siya maagaw ng iba.

Naabutan ko siyang namimigay ng mga regalo sa mga orphan. Lalo ko siyang minamahal dahil sa kakaibang katangian niya. She chose to celebrate her birthday with the orphan children instead of holding a party.

"Thank you po, Ate Goldie! We love you! Happy Birthday po!" Sabay-sabay na wika ng mga bata.

Ngumiti siya nang mapansin ang presensya ko.

"Thank you, kids! Oh, sige na buksan n'yo na ang mga regalo n'yo."

Sabay-sabay namang nagbukas ng regalo ang mga bata. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Happy Birthday sa Baby ko."

"Heh! Ikaw talaga! Kitang nandito pa ang mga bata!" Tinampal niya ako sa braso at humarap sa'kin. Mabilis ko siyang hinatak at nagpaalam sa mga bata.

"Kids, hihiramin ko muna ang reyna ko!"

"Teka, teka, Pangga. Sa'n mo'ko dadalhin?"

"Gusto kitang masolo."

Para akong timang na nangingiti pero kinakabahan habang nagda-drive. Hinayaan ko lang siyang tanong nang tanong.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Pangga?"

"You'll see, oh wait. We're here."

I saw how her mouth formed a perfect "O" when I stopped the car.

"Dito ba tayo magdi-date, Pangga?" I nodded my head. She smile. I knew it. She will like the place.

"Infairness, may taste ka naman pala pumili ng lugar, Pangga."

I grinned. I actually bought this Villa for her. I also named it after her, Golden Villa.

"You liked it?"

"Nope, I love it! Thank you, Pangga."

I guide her through the main villa. I intently combined the classic and modern design. Pinalagyan ko rin ng veranda kung saan overlooking ang sunrise at sunset.

* * *

I FELT elated that she likes the whole villa. Pero bigla akong binalot ng kaba. I hope she will say yes for the third time I am proposing to her.

"Ang sarap naman ng pagkain nila dito."

Panaka-naka siyang tumitingin sa cellphone niya habang kumakain. Marami kasi siyang kinuhang litrato kanina.

"Reign, alam mo namang marami tayong pinagdaanan di ba?" Pagsisimula ko. Dang it! Hindi pa man ako nangangalahati ng sasabihin ko lumalabas na lahat ng pawis sa katawan ko.

"Hindi ko na hahayaang mawala ka pa sa'kin. Alam kong tanga ako na pinakawalan kita noon pero nagbago na ako para sa'yo. Gagawin ko ang lahat para mapasaya kita, bigyan mo lang ako ng chance na maparamdam 'yon sa'yo. Handa akong maghintay ng dalawang taon para mapalitan ang apelyido mo. Gusto ko lang masiguradong sa'kin lang talaga ang bagsak mo. S-so... R-reign, UK, please marry me."

My heart throbbed when her tears started to fall. Pinunasan niya ang kanyang luha habang nakayuko. I hope it's tears of joy. Pero gumuho ang mundo ko sa kanyang tinugon.

"Kasal? Sa tingin mo pakakasalan ko ang isang tulad taong hindi ko naman alam kung mahal ko pa. People change, and so do I. Kaya huwag ka nang umasa na hahantong pa tayo sa altar."

Parang piniga nang paulit-ulit ang dibdib ko. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko.

"U-UK... H-hindi totoo 'yang sinasabi mo, di ba?" I held her hand firmly. Damn it! Hindi ko na 'to kaya pa.

"UK, please?"

Bigla siyang umangat ng tingin at maang tiningnan ako.

"Huh? Ano 'yon Pangga? Pasensya ka na sa'kin ha? Hindi ko talaga mapigilang umiyak sa story na binabasa ko eh. Ang ganda ng title, Tormented Heart, nacurious ako kaya binasa ko agad. Nakakadala ang mga linya ng bidang babae. Huhu..."

My jaw dropped. Gigil akong napamura sa isip ko.

Wattpad na naman!

Epilogue

-GREATFAIRY

The Scorned LoverWhere stories live. Discover now