(6) The Confession and Some Acts of Chivalry. (★)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah, o sige. Sabi mo eh." Whoo. Gusto mo rin naman? Natawa na naman ang isip kong ang daming alam. Ang kapal lang ng mukha ko? "Eh bakit naman gift wrap lang bibilhin mo?" Tuloy niya.

"May babalutin lang ako."

 

 

"Malamang. Gift wrap nga eh." Agad niyang sagot.

Medyo na-slow ako dun. Oo nga naman, anong klaseng sagot yun, Gerard? Ang dami tuloy tawa ng isip ko sa sarili ko. "Eh may regalo na ko. Nakalimutan ko lang bumili ng gift wrap.” Ganun talaga eh, rumarason. Naisip kong ibahin yung usapan para hindi naman ako magmukhang ewan. “Eh ikaw, sino bibilhan mo ng regalo? Maaga pa ah."

"Ah—ah! Wala naman. Trip ko lang bumili." Halatang rumarason siya. Mukhang may tinatago siya. Pero, ano ba namang pakialam ko sa tinatago niya, diba?

Siyempre, may pakialam ako. Medyo pakialamero ako e. "Punong-puno kaya yang basket mo tas trip mo lang? Pwede ba yun?"

"Oo!"

"Hindi pwede yun. Sino bibilhan mo?" Kumuha na kami ng gift wrap. Eh yung kinuha niyang gift wrap hindi halata kung pambabae o panlalake eh. "Eh, hayaan mo na kasi." Sinukuan ko nalang siya kasi alam kong hindi rin magsasalita si Chen. "Bahala ka.” Saka kami dumiretso sa counter para magbayad.

A gentleman as I am, nag-insist ako na ihatid siya pagkatapos naming mamili. Tutal gabi na rin. Tsaka dala ko naman yung kotse. Sayang din lang kung mamamasahe pa siya.

Habang nagbabyahe kami, nagtanong siya. "Gerard?"

"Hmm?" Sagot ko. Ang seryoso ata niya. Hindi ko siya masyadong ma-lingon ng buo dahil nakatutok ako sa daan. Ano kayang itatanong nito?

Humarap siya sakin, ako naman sumaglit ng lingon sa kanya. "Adik ka ba?" Kung sagutin ko ba ng oo yan, tatalon ka palabas ng kotse na ‘to? Anong klase namang tanong kasi yun? "Ha? Anong klaseng tanong yan, Chen?"

Bumalik na siya sa pagtingin sa daan. "Wala. Joke lang."

"Makapag-joke ka naman kase. Kailangan talaga seryoso ang itsura?" Lumi-lingon-lingon ako sa kanya. Napapangiti nalang ako sa ka-abnormal-an ng babaeng ito.

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon