Chapter 2: Meeting the Heartthrob King

Start from the beginning
                                    

"Okey class lets continue our lesson next meeting and study page 43-48 because we have an oral!"sabi ng teacher namin sa english at nagpaalam na.

Iniligpit ko na lang ang gamit ko para uuwi pero lumapit naman si clear sa akin..

"Irish tara? Naghintay na si loise at mark!"sabi niya
Nakalimutan ko pala na may usapan kami kaya tumango nalang ako at sabay na kaming umalis sa classroom.

Naglakad kami ni clear papunta sa park kasi naghintay na daw si loise doon. Sa ilang minutong paglalakad nandito na kami sa park at nakita ko sila loise na kumakaway sa amin..

"Dito!"sigaw ni loise sa amin kaya pumunta kami doon..
Niyakap ako ng mahigpit ni loise kaya niyakap ko na din siya..

"Ang saya ko at dito ka na uli't nag-aaral Irish!"sabi ni loise sa akin at kumawala na sa pagyakap..
"Your welcome loise!"ngiti kung sabi sa kanya..

"Tama na yang dramahan niyo! Hali na kayo dito!"sabi naman ni mark kaya pumunta na kami don at umupo sa upuan dahil may maliit kasi na cottage dito na good for 9

Pag-upo ko doon kinuha agad ni loise ang mga pagkain na nasa basket ang dami yata nito akala mo kung anong may fiesta..

"Para saan naman yan hah loise?"tanong ko sa kanya ngumiti lang siya..

"Gusto niya daw kasing i-celebrate ang pag-aral mo dito!"sambat naman ni clear napangiti naman ako dahil sa sobrang effort talaga nila kaya love ko sila eh.

Kumain lang kami at nagkwentuhan. Pagkatapos naming kumain iniligpit na namin ang pinagka-inan namin at nagpasya ng umuwi.

"Irish sabay ka nalang sa amin!"pag-aya ni clear sa akin
"Wag na paparating na din si Mang robert dito sa susunod na lang!"sabi ko sa kanila

Kaya nagpaalam na sila sa akin at umalis na..
Umupo ako sa bench at naghintay kay mang robert..

Pero ilang minuto pa ang nakalipas hindi parin dumating si mang robert mag-aalasais na..
Napabuntog hininga nalang ako..

Tinawagan ko nalang si manong robert..
Nagring naman ito at sinagot.
[Hello maam? Pasensya na po at natagalan ako nasira po kasi ang sasakyan at pina-paayos ko pa!"]sabi niya

"Ganon po ba manong matatagalan pa ba yan?"tanong ko

[Mukhang matatagalan pa po talaga ito maam!]sagot niya sa akin napa-buntog hininga nalang ako

"Sige po maghihintay lang ako!bye po!"at binaba na ang tawag at tinext ko nalang si tita na matatagalan ako dahil nasira ang kotse para hindi na siya mag-alala.

May kotseng tumigil sa harapan ko kaya nagtataka naman ako binaba niya ang bintana ng kotse at nakita ko doon si Rick.

"Irish!bakit hindi ka pa umuwi?"tanong niya sa akin
"Hinintay ko pa ang sundo ko!"sagot ko naman sa kanya
"Ganun ba? Sabay ka na lang sa akin!"sabi niya

Hindi na lang ako tumanggi kasi pagabi na din at ako na lang mag-isa dito na estudyante kaya sumakay na ako sa kotse niya. Kaya tinext ko nalang si manong robert na sasabay nalang ako sa kaibigan ko.

"Saan ba ang bahay niyo?"tanong niya sa akin
"Sa villa subdivision!"sagot ko naman sa kanya

Pina-andar na niya ang kotse at umalis na kami doon..
Habang nagbabyahe kami hindi ko maiwasang ma-ilang kasi hindi ko pa siya masyadong kilala kung tutu-usin kanina ko lang siya nakilala.

"Pasensya ka na talaga sa ginagawa ni Aubrey sayo kanina!"sabi niya sa akin at napatingin naman ako sa kanya.

"Okey lang yun! Basta sa susunod pagsabihan mo yang girlfriend mo na wag basta basta babangga na hindi niya kilala!"sagot ko sa kanya.

"Girlfriend sino? Si aubrey?"tanong niya sa akin
"Oo sino pa ba! Sabi nga niya kanina wag daw ako mang-agaw ng boyfriend na may girlfriend!"sagot ko sa kanya natawa naman siya sa sinasabi ko kaya naka kunot noo akong nakatingin sa kanya..
"Bakit ka tumawa?"tanong ko

"Hindi ko naman girlfriend si aubrey eh! Siya lang tong habol ng habol sa akin kinalat pa nga niya sa school na boyfriend niya ako! Kaya nga tinulak ko siya kanina nung hinalikan niya ako!"paliwanag naman niya sa akin

"Ganun ba? Akala ko talaga may relasyon kayo kasi bagay naman kayo!"sabi ko sa kanya.

"Nako hindi kami bagay noh at kahit kalian hindi magiging kami!"sagot naman niya sa akin..

Pagkatapos non ay nabalot na kami sa katahimikan buti nalang at nandito na kami sa bahay. Tinaggal ko na ang seatbelt ko at kinuha ang bag ko bago ako bumaba tumingin muna ako kay rick.

"Salamat pala sa paghatid!"nakangiting sabi ko sa kanya
"Walang ano man!"sagot niya at bumaba ako sa kotse niya at umalis na siya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko si tita liza na umupo sa sofa kaya pinuntahan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Hi tita!sorry I'm late!"sabi ko sa kanya
"Okey lang yun! Nasaan nga pala si manong robert?"tanong niya

"Nasa shop pa po! Sumabay na lang kasi ako sa kaibigan ko kaya tini-text ko nalang siya na mauna na ako dito!"paliwanag ko sa kanya

"Ganun ba sige! Kumain ka naba ipaghanda kita ni manang Rosa ng meryinda!"sabi niya sa akin
"Wag na ta! Busog na po ako hindi na din ako kakain ng dinner kasi kumain na kami kanina nina loise at clear!"sabi ko sa kanya

"Ganun ba! Sige magpahinga ka nalang at papasok ka pa bukas!"sabi niya sa akin
"Sige ta good night po!"sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"Good night din!"sabi niya sa akin

Umakyat na ako sa kwarto ko inilapag ko ang bag ko at naglinis ako ng katawan pagkatapos ay ginawa ko ang lahat na assignments ko.

Humiga na ako sa kama at nagpadsya na hindi muna matutulog kaya nag facebook nalang ako.

Pag-open ko sa facebook ko ay nag post pala si clear na naka-tag sa akin kaya ino-open ko yun.

Yung picture namin kanina sa park ang pinopost niya na may nakasabi na..
"Friendship Celebration with my best friends"😘😊
3 hrs ago 697 likes 348 comments 299 shares

Kaya ni like ko ang picture na pinopost niya at nagcomment ng..
Thank you for that celebration best friends..😊👍

Pagkatapos kung nagcomment ay may nag friend request sa akin kaya tinignan ko iyon..
Tiningnan ko kung sino ang nagfriend request sa akin
Rick Villanueva sent you a friend request

Kaya ina-accept ko iyon tutal friends naman kami kasi hinatid niya ako kanina.
Nagpop agad sa screen ko nong nagchat si rick sa akin kaya binasa ko iyon.

Rick:Hi irish?
Me: Hello..
Rick: Nadisturbo ba kita?
Me: Hindi naman
Rick: Ah pasensya na talaga kanina kay Aubrey..😞
Me: Okey lang yun! Wag kanang mag sorry!😉
Rick: Salamat..Matulog kana kasi may pasok pa tayo
           Bukas dapat hindi ka magpuyat!
Me: Ikaw din! Sige good night☺
Rick: Sige good night and sweet dreams kitakits bukas!..
Me: Sige..

At nag logout na ako para matulog maaga pa kasi ako bukas Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya kaya napangiti na lang ako..

At nagpasya ng matulog...

When We Fall In loveWhere stories live. Discover now