Chapter 9: The celebration (1)

714 21 27
                                    


--------

Pumasok na ako sa loob at nakita ko naman na nag-uusap si rick at si tita..
Tsk..kailan pa sila nagka-close??
-_-!

"Risha nan diyan ka na pala bakit di mo man lang sinabi na may party pala kayo nagpasama ka pa ng bisita para lang papayag ako ikaw talagang bata ka!"sabi ni tita sa akin kaya naka-kunot noo naman akong nakatingin sa kanya at tinignan naman si rick na nagtataka..

O_o

"Sinabihan o na ang tita mo na sasama ka sa party at pumayag naman siya!"paliwanag naman niya sa akin. Seriously anong nakain ni rick hindi kaya basta bastang pumayag si tita lalo na kung lalaki ang magpapa-alam..

Ano kayang ginawa ng mukong na to pero hindi ko parin talaga na gets..bakit???

"Nagpaalam na si rick sa akin na sasama ka sa party dahil celebration sa pagkapanalo niyo! Kaya pumayag na ako!"paliwanag naman ni tita sa akin..

"Tita?"

"Oh ano?"

"Seryoso? Pero bakit?"

Mukhang nagtaka naman si rick sa sinasabi ko syempre ngayon pa nailala niya si tita liza eh mas hamak na over protective yan kaysa kay mama dodoblehin pa ata nanay ko..

"Bakit nagbibiro ba ako risha?"tanong niya hay ayon seryoso mood on na okey wag na galitin baka magbago ang isip..

"Sabi ko nga po mag bihis lang ako!" Sabi ko sabay akyat sa kwarto ko at magbihis syempre kasi naka-uniform pa ako no..

Nagbihis lang ako ng pang-party dress hindi masyadong maikli tsaka maganda pa din ako no kahit ito pa susuotin ko..

Naglagay lang ako ng kunting foundation, light make up at tsaka light lipstic and blush on alam muna dapat msgmukhang maganda syempre PARTY yun hamak na halos lahat ng studyante sa Hearst hight nandoon..

Dapat ako lang ang pinakamaganda doon noh..
lumabas na ako sa kwarto at bumaba nakita ko naman na nag-uusap si tita at si rick mukhang seryoso ang pinag-usapan nako baka ano ano ang pinagsasabi ni tita PATAY kang bata ka..

"Oy nandito na pala ang hinintay mo rick!"sabi ni tita kaya tumayo si rick at lumingon sa akin na ganito ang mukha..
O_O

"Oh parang nakakita ka ng dyosa!"pagbibiro ko naman kay rick at nginitian siya ng nakakaloko pero nata-uhan naman..

"Wow ang ganda naman ng pamangkin ko manang mana ka talaga sa akin!"sabi naman ni tita napangiti nalang ako eh mas hamak na magaganda talaga ang lahi namin hehehe hindi ako nagyayabang ha -----PROUD lang..

"A-ah tita aalis na po kami"sabi naman ni rick buti naman nagsalita na akala ko pinutulan na ng dila eh.hahha

"Sige po tita bye po!"hinalikan ko siya sa pisnge

"Mag-ingat kayo! Rick wag mo yang pabayaan!"sabi naman ni tita..

"Opo tita!"sagot ni rick at umalis na kami

Rick's POV

"Noon medyo nerd yan si risha pero simula nong nasa korea siya for 3 years nag-iba na siya. Iba na ang taste niya sa fashion basta lahat nag-iba!"sabi naman ni tita liza sa akin. And yes tita ang pinatawag niya syempre daw boto siya sa akin eh hahahah joke lang..

"Amm Tita bakit po Risha ang tawag niyo sa kanya?"tanong ko kasi ang alam ko Irish eh ano ba yan naguguluhan ang utak ko..

"Risha ang tinatawag sa kanya sa mga taong malalapit na tao sa kanya!"paliwanag niya sa akin kaya pala pwede din namang risha tswag ko sa kanya diba? Close naman kami perfect combination pa GWAPO AT MAGANDA hahaha

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Sep 22, 2016 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

When We Fall In loveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu