Chapter 5: Am I inlove?

352 14 0
                                    


Pagkatapos ng nangyari kanina pumunta agad ako sa classroom sakto namang pagdating ko dun nagbell na kaya umupo na ako sa upuan ko nakita ko naman si clear na hingal na hingal. Siguro tumakbo to lumapit siya sa akin.

"Walang ya kang babae ka! Bakit mo kami iniwan dun? Porket pinagtanggol ka ng prince charming mo!"inis na sabi niya pero medyo kinilig naman siya

"Clear una iniwan ko kayo kasi magsisimula na ang klase pangalawa hindi ko prince charming si rick kasi tinulungan lang niya ako kaya wag kang magpatay malisya dyan!"sabi ko sa kanya ano ba kasing nakain ng babaitang to.

Tumabi siya sa akin at nagsalita na naman ulit.

"Eh sa hindi kami nakapaniwala talo mo ang heartthrob queen diba? At lalong hindi kami makapaniwala na iniligtas ka ni rick at mas lalo na yung kinakampihan ka niya! Ang taray mo te!!"sabi niya sa akin na mukhang kinilig

"At bakit naman niya kakampihan ang aubrey na yun aber?"tanong ko naman sa kanya

"Oh girl wag maging slow! Syempre Heartthrob king si rick at si aubrey ang queen diba? Eh sa hindi makapaniwala si aubrey na kinakampihan ka ni rick diba! Kasi dapat siya kasi siya ang queen"sabi naman niya sa akin napaiisip naman ako sa sinasabi niya well tama naman siya bakit kaya?

Pagkatapos ipaliwanag sa akin ni clear ang mga sinasabi niya bumalik na siya sa upuan niya kasi nagsimula na din ang class hour.

Hanggang ngayon lutang pa din ang isip ko iniisip ko kasi kung bakit kaya ako kinampihan ni rick? Alam kona kasi hindi niya tanggap na sinasabi ni aubrey na boyfriend siya pero bakit ganun ang sinasabi ni aubrey na bakit ganun ang reaction ni rick?. HAAY.. nakakalito na ahh..

"Okey class dismiss!"sabi ng guro namin

Grabe lumulutang pala ang isip ko kanina ano ba yan kaiinis kasi tung clear na to..

"Hoy irish! bakit tulala ka dyan? Sino na naman ang iniisip mo? Uuwi ka ba?"sunod sunod na sabi ni clear sa akin kaya na-inis ako lalo

"Ano ba yan clear isa-isa lang pwede mahina ang kalaban eh!"sabi ko naman sa kanya

"Una bakit ako tulala kasi iniisip ko yung sinasabi mo at pangalawa hindi ko maiisip na ginawa sa akin yun ni rick at PANGATLO uuwi ako abay dapat lang saan ako matutulog aber?"sabi ko naman sa kanya..

"Okey sige na ikaw na labas na tayo!"pag -aya niya kaya iniligpit ko na ang gamit ko at lumabas na..

"Bakit mo naman inisip yung ginawa ni rick kanina?"tanong ni clear sa akin

"Girl? Sino ba naman ang hindi ma curious kung bakit ako kinampihan diba?? Dapat nga si aubrey ang kampihan niya kasi siya ang queen niya!"sabi ko naman sa kanya

"Mmm.. malay ko din kasi may ideya kaba?"tanong niya sa akin

"Kaya nga nag-isip ang tao diba?"sabi ko naman sa kanya nainis na kasi ako habang naglalakad kami sa hallway nakita namin ang four campus prince na pinagguguluhan ng mga studyante..

"Oy girl ayun si rick oh! Bilis mag thank you kana sa kanya! Pagkatapos ilibre mo siya!"sabi naman ni clear sa akin na mukha namang kinikilig

"Baliw ka talaga eh no!"sabi ko sa kanya

"OMG GIRLLL!"Sabi niya sa akin kaya naka kunot noo Naman akong tinignan siya.

"Ayan na yung prince charming mo kaya enjoy girl bye!"sabi ni clear at tumakbo palayo sa akin

"HOY CLEAR WALANG HIYA KANG BABAE KA MANGIIWAN KA SA ERE! KAPAG NAKITA KITA KAKALBUHIN TALAGA KITA BWISET KA EH!"inis na sigaw ko sa kanya nakakainis nang-iiwan kaya maglakad na sana ako nung napansin ko nasa harapan ko na pala ang four campus crush at pati mga studyante napatingin sa akin..

Ah dahil siguro sumigaw ako haiist!.. kainis talaga to si clear eeh napahiya tuloy ako kakalbuhin ko talaga yun for sure! Napakagat nalang ako sa labi ko..

"Ah..sorry ah napasigaw ako!"kabadong sabi ko sa kanila

"Bakit ka pala sumigaw irish?"nagtaka namang tanong ni nathan sa akin

"Ah kasi yung kaibigan ko iniwn ako eh! Sabay ko sana siyang makauwi!"paliwanag ko naman sakanila napa tango naman sila..

"Ganun ba? Sabay ka nalang sa akin tutal uuwi naman din ako!"sabi naman ni rick sa akin napatingin naman ako sa kanya lalo na yung mga kaibigan niya..

"Hah? Eh pre sabi mo pupunta tayo sa bar?" Tanong naman ni chris sa kanya

"Sinabi ko ba yun pre? Ah sa susunod na lang mukhang kailangan ng kasabay pa-uwi si irish!"sabi niya sa mga kaibigan niya

"Ah..rick..okey lang na ako lang mag-isa umuwi may lakad kayo diba kaya wag mo na akong pagka-abalahan!"nahihiya ko namang sabi sa kaniya

"No! Ihahatid kita okey? Mauna ka na sa parking lot hintayin mo nalang ako doon!"sabi naman ni rick

"Ah wag na kasi okey lang talaga ako may pupuntahan pa kayo diba kaya okey lang!"despensa ko naman sa kanila.

"Irish okey lang sa kanila yun diba manga pre?"tanong naman ni rick sa kanila

"Ah..o-oo irish okey lang sa amin babae ka pa naman at ikaw lang mag-isa uuwi kaya okey lang!"sabi naman ni nathan

"Ah okey sabi niyo una na ako sa parking lot rick!"sabi ko sa kanya at nagpaalam na din ako sa mga kaibigan niya .

Ito na naman tong puso ko ang bilis ng tibok magpapacheck na talaga ako nito eh abnormal na kasi..

Pupunta na ako sa parking lot at hinintay si rick na sumunod mukhang may pinag-usapan pa sila ng mga kaibigan niya.

Hindi ko naman mapigilang isipin kong bakit ganun si rick may lakad sila pero pinagpilit niya na wala kasi ako lang isa uuwi may driver naman ako pero okey na yun para makahingi ako ng thank you sa pagligtas niya sa akin kanina kay aubrey!..

Rick's POV

"Mga pre sa susunod na lang tayo magbar promise libre ko na!"sabi ko naman sa kanila..

"Naks ka talaga pare iwan mo kami dahil kay irish siguro natamaan ka na sa kanya!"sabi naman ni chris sa akin pero nginitian ko lang siya

"Sige na nga pumunta ka na baka ano pang mangyari sa prinsisa mo!"nang-aasar naman na sabi sa akin ni nathan walang ya talagang gonggong na ito

"Iwan ko sa inyo basta ililibre ko kayo sa susunod!"sabi ko sa kanila

"Naks nagkaka love life na ang boss natin!"sabi naman ni luke

"Hoy minsan lang to kaya bye na baka mawala pa yun!"sabi ko sa kanila at nagpaalam na

Hindi ko kasing magawang hindi mag-alala na si irish lang mag-isa uuwi kababae niya uuwi siyang mag-isa..
Kaya sinakripisyo ko nalang ang pag-bar na sabay na kami ni irish baka ano pang mang yayari sa kanya..

Aaminin kong napalapit na ako kay irish parang iwan  hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya makikita parang mamimiss ko siya..

Aaminin ko din na nung una ko palang siyang nakita nagandahan na ako sa kanya basta ang ganda niya lalo na kapag ngumiti siya..

Kapag kasama ko siya iwan ang lakas ng tibok ng puso ko..

Nakita ko siyang nakatalikod na nakatayo malapit sa kotse ko kaya tinawag ko siya..

"IRISHHH..."saigaw ko at unti-unti naman siyang lumingon sa akin

Para lang nagslowmo ang buong paligid parang siya lang yung nakikita ko iwan ko kung bakit pero ang bilis ng tibok ng puso ko..

Dug..dug..dug..

Wait? Am I Inlove?

When We Fall In loveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα