CHAPTER LVII - Date Under The Moon

Magsimula sa umpisa
                                    

(see picture,  sa may right side --------> )

Nginitian ko lang siya at pagkatapos ay tumalikod na ako. Itinaas ko ang kanang kamay ko at saka binigyan siya ng thumbs up. At pagkatapos ay iwinawaygay ko ang aking kamay sa ere, hudyat na ako ay nagpapaalam na.

**YURI's POV**

Matapos niyang magpaalam ay tuluyan na nga siyang umalis. Gusto ko sana siyang habulin at sabihang 'wag na muna siyang umalis at sabay na kaming umuwi', kaso hindi pwede. Hindi naman sa matatagalan kaming mga officers kaya ayaw ko siyang paghinatayin, sadyang ayaw ko lang talaga na hinahatid niya ako sa bahay kasi andito na si Papa.

**FLASHBACK**

(Note: Eto yung araw kung saan opisyal na couple na sina Yuri at Ren)

"Oh iha, bat ngayon ka lang. Kanina pa kita hinihintay. May sasabihin nga pala ako sa'yo. An--" bungad sa akin ni Nanny pagpasok ko ng gate, bagamat hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin kaya ganyan siya magsalita.

 

"Ayos lang po ako Nanny."nakangiti kong sabi sa kanya habang tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob nang...

 

"Abeoji? (Father?)" gulat na tanong ko pa. Halos malaglag ang mga mata ko nang makita ko ang tatay ko na abalang nagbabasa ng dyaryo.

 

"Yan ang gusto kong sabihin sa'yo kanina pa."bulong sa akin ni Nanny habang ako naman ay nananatili pa ring gulat, dahil sa lalakeng nasa harap ko.

"Im-nida dang-sin-eun dang-sin-ui abeoji im-nida in-sa-ha-neun bang-beop? (Ganyan ba kung paano mo batiin ang iyong ama?)" wika niya sabay ibinaba ang dyaryong nakaharang sa mukha niya.

"Jwe-song-ham-ni-da (I'm sorry)"pagpapaumanhin ko pa.

Hindi naman sa istrikto ang tatay ko. Bagamat napakataas lang talaga ng respeto ko sa kanya, kaya naman masyado akong behave. Ayaw ko kasing nagagalit siya sa akin. Kahit na hindi ko siya madalas na nakakasama ay hindi pa rin naman nawala ang repseto ko sa kanya. Syempre, ama ko siya eh! Sadyang nagulat lang talaga ako sa pagdating niya, kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon ko. Nakalimutan ko rin kasi na uuwi pala siya after two months. Pero may pagka-cold lang din talaga si papa. Hindi ko alam kung tama bang sabihan ko siya ng cold. Pero ewan ko ba, parang minsan pakiramdama ko, wala siyang ganang pansinin ako o ano. Parang pakiramdam ko, mas gusto niya ang hindi niya ako nakikita o nakakasama. Hay, pero puro lang naman yun mga pakiramdam. Dahila alam ko namang hindi totoo ang mga iyon. Kasi nga, gaya ng sinabi ko kanina, ama ko siya. Kaya naman malabong maramdaman niya iyon. 

"An-nyŏng-ha-shŏ-ssŏ-yo, abeoji! Chal ji-nae-shŏ-ssŏ-yo? (Magandang gabi Papa. Kamusta na po kayo?)" magalang na tanong ko sa kanya. Bagamat hindi na niya ako sinagot pa. Tumayo lang siya at saka naglakad paalis. Ngunit bago pa man siya tuluyang nakaalis ay muli niya akong kinausap.

"Something went wrong with my business here, that's why I'll be staying here. Maybe for how many days."tumigil muna siya sa pagsasalita.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon