My Binondo Girl After Two Years Chapter 17

Start from the beginning
                                    

   "Don't I get a warm welcome," nakataas ang isang kilay na sabi ni Naomi.

    Walang magawa ang modelo kung hindi patuluyin ang bisita. 

   "Tuloy ka," matabang na anyaya nito.

    Sumunod si Naomi sa loob ng bahay na nakangiti. Animo'y nakatanggap ito ng magandang regalo.

   "Si Deo ang manager ko," pakilala nito sa lalaki na nakaupo sa sofa. "Deo, siya si Clara, ang ex ni Andy Wu. I don''t even know her last name," nakaismid na baling nito kay Naomi.

   "Naomi Garcia," nakangising pakilala nito.

   "So what can I do for you, Ms. Garcia?" pormal na tanong ni Clara.

   "The question is, what can I do for you, Ms. Clara Salvador?" balik tanong nito. "Why don't we all sit down, my dear. I have an offer for you and your baby," kaswal ang boses nito.

   "What???Paano mong nalaman ang tungkol dito," halos pabulyaw na tanong ng modelo.

   "You don't need to know more than what I'm prepared to tell you," simpleng sagot nito.

   Tumahimik si Clara, nag-aantay ng sunod na sasabihin ni Naomi. Hindi siya nabigo dahil nagsimulang magsalita uli ang huli.

   "I'll give you twice the amount you want from Andy in one condition," mala-demonyong ngiti ang ibinigay nito sa kaharap.

   "Bakit ako maniniwala sa iyo. At saan ka kukuha ng perang ganyan kalaki," nang-uuyam na sabi ni Clara.

  "Let her talk, Clara," singit ni Deo na nanglaki ang mga mata nang marinig ang offer ni Naomi.

   "Malaki ang iniwan sa akin ng Italiano kong asawa nang mamatay ito. So kaya kong bilhin ang lahat ng gusto kong makuha at ang pinakaimportante sa akin ay si Andy. I want him back," madiin na sabi nito sa mga kaharap.

   "Ano ang condition mo?" tanong ni Clara.

   "Simple lang, si Andy ang ituturo mong ama ng dinadala mo. Alam ni Jade na nagkasama kayo sa Davao noon."

   "Paano kung hindi maniwala si Jade?"

   "Ako ang bahala doon. Basta gagawin mo lang lahat ng inuutos ko sa iyo. Sigurado akong hindi ka man bigyan ni Andy ng 100 million ay gagawa iyon ng paraan para tulungan kayo ng baby mo. Maawain si Andy at hindi nito matiis na hindi tulungan ang kapatid sa problema.So he will help you, Clara. Ako ang bahala sa ibang bagay, tatawagan kita sa mga steps na gagawin mo. Bibigyan kita ng kalahati ngayon at ang balance ay paghiwalay na ang dalawa. Payag ka ba?"

   Nagkatinginan si Clara at Deo. Halatang excited sa malaking perang makukuha sa kaharap nilang babaeng baliw sa pagmamahal kay Andy.

   "Payag na ako," nakangiting sabi ni Clara pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip.

   "Then let's begin the game," sabay halakhak na parang demonyo.

   "Andy, ano ang sabi ni Jade?" simula ni Trevor pagsagot ni Andy ng cell phone.

   "Trev, hindi ko pa nasasabi kay Jade. May nangyari kasi kanina dito. Sumakit ang tiyan ni Jade bigla. Kaaalis nga lang ng doktor nang tumawag ka," paliwanag nito.

   "Kumusta na si Jade?

   "Okay na siya. Natutulog na. Sinabi lang ng doctor na kailangan ni Jade ng bedrest at huwag dapat maii-stress."

   "So paano mo sasabihin kay Jade ang problema natin?" nag-aalalang tanong nito.

   "Ta-timing ako. Huwag muna ngayon, Trev. Natatakot ako kung baka mapaano si Jade," puno ng takot ang boses ni Andy.

   "Ikaw ang bahala, Bro." walang magawang sabi ng kapatid.

   Nakapag-desisyon si Andy na oras na bumuti ang pakiramdam ni Jade ay sasabihin niya lahat ng nangyayari. Wala siyang itatagong sikreto sa asawa. Hindi niya na kakayanin kung may mangyayari na naman sa pagsasama nilang dalawa. 

   "I love you so much, Jade. Kung alam mo lang na isusuko ko ang lahat para sa iyo. Kahit buhay ko ay ibibigay ko para sa iyo. Ganyan kita kamahal, Babe," bulong nito sa asawang mahimbing ng natutulog.

*******What do you think of chapter 17? Did you like it? Please vote if you did. :) A comment would be appreciated also. Pangpagana lang naman. :)

           For updates, please follow me on Twitter at gidgetwitty. Thank you.

   "

   

   

   

   

   

   

   

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Where stories live. Discover now