I heard him sniff and a single tear rolled down his cheek. "K-... K-Kookie..."

Ha? Anong cookie?

Tinignan ko siya. "Cookie?" tanong ko sa kanya. Hala gutom yata 'to.

Tinignan ko yung oras. Saktong alas 3 na ng hapon at nagugutom siguro to kaya nanghihingi to ng cookie.

Pero teka... baka favorite niya yung cookie? Tas yung tao na nasa drawing niya ay yun yung dating kasalo niya sa cookie o di kaya binibigyan siya lagi nito ng cookie? Baka nga. Teka sulat ko.

"Jimin-ah, nagugutom ka na ba? Aalis na muna ako ah? Bibilhan muna kita ng cookie kung yun yung hinihingi mo." paalam ko sa kanya.

Lumingon lang siya sa akin at tinignan niya lang ako ng blangko. Hays.

Umalis na ko at bumaba na papunta sa floor kung saan nandun ang vending machine.

---

Andito na ako ngayon sa tapat ng vending machine. Naghulog ako ng 12 cents at pinindot yung button na kung saan nakatapat yung Lotte Chik Chok. Naghulog ulit ako ng 12 cents para bilhin yung Lotte Pepero para na rin sakin hehe. Nakakagutom kaya pag siya lang hmf.

Kinuha ko na ang mga yun at naglakad na pabalik sa kwarto ni Patient 95 na nasa taas pa. Napadaan ako sa lab at nung napadaan ako may napansin ako. Parang may tao sa loob. Ah baka si Joohyun unnie yun. Saktong iinvite ko siyang kumain ng snack at magkwentuhan tungkol kay Patient 95.

Binuksan ko yung pinto. "Unnie?"

Pero tila walang sumasagot. Pumasok na ko kung icheck na andyan ba talaga si Joohyun unnie pero wala talagang bakas. Medyo kinikilabutan ako pero binalewala ko na lang baka pinagtitripan lang ako nito. Hilig naman nitong mantrip.

Naglakad pa ko hanggang sa mapadaan ako sa may wheelchairs. Naalala ko bigla si Jimin. What if ipasyal ko siya dun sa labas ano? Para naman makalanghap siya ng fresh air haha. Saka boring naman dun sa kwarto niya.

Pumunta na ko sa tapat ng mga wheelchairs. Ngumiti ako kasi naaalala ko talaga si Jimin dito. Hays. Pogi kaya ni Jimin baliw nga lang. Yung literal na baliw talaga.

"Ba't ang lamig lamig dito?" sambit ko mag-isa. Bigla na lang lumamig sa likuran ko. Lumingon lingon ako sa paligid. "Di naman ganito kalamig kanina ah?"

Pagkalingon ko sa likod ko, may nakita akong babae. Puti lang makikita mo sa mga mata niya, may sugat siya sa leeg, at basta, nakakatakot talaga siya tignan at super lapit niya pa sakin.

"AHHH!!!" napasigaw ako sa takot at gulat.

Napaupo ako sa wheelchair habang nakatitig sa kanya. Nakatitig din siya sakin na may nakakalokong ngiti sa mukha niya. Parang gusto niya kong saktan.

Wala akong choice kundi ang tumakbo papunta sa pinto and luckily, hindi nakalock yung pinto at agad akong lumabas. Kumaripas ako ng takbo sa corridor hanggang sa may humila sa akin.

"AHH!!- hmmm!!" tinakpan nito ang bibig ko mula sa pagkasigaw ko. Sht. Baka ito yung multo kanina. Lord, please wag niyo po akong hayaan na mapunta sa mga kamay ng demonyo. Lord, gabayan niyo po ako at dalhin niyo po ako sa mga braso niyo huhu!

Hinawakan niya ko nang mahigpit. Yung parang yakap na? Basta nakayakap siya sakin sa likod habang tinatakpan niya ang bibig ko at pinipigilan niya ko sa pagsasalita o pagsisigaw.

"Shh..." senyas niya habang ganito yung posisyon namin. Kumalma naman ako. Feel ko... safe ako sa mga yakap niya.

Habang nakabackhug pose na nakatago kami sa isang maliit at madilim na kwarto ay naririnig namin ang malalamig na yapak sa labas.

"HAHAHA! HAHAHA!" isang malakas at nakakatakot na tawa ng isang babae. Nag-eecho yung boses niya sa corridor at rinig na rinig namin.

Hinigpitan nung taong to yung pagkayakap niya sa akin. "Wag kang matakot. Andito lang ako."

Papalayo ng papalayo na yung yapak nung mga paa nun at papalayo ng papalayo na rin yung boses niya. So meaning papalayo na siya samin obviously. Hay nako, Seulgi hahaha.

Pero teka, sino naman tong lalaking to? Oo lalaki siya. Imposible namang si Sehun to o kaya yung mga lalaking trabahante dito diba? Kilala ko na mga boses nun saka imposible din namang si manong guard to. Magkaibang magkaiba. His voice is soothing and... beautiful. It's unique and it's lovely.

Kumalas na siya sa pagkayakap at agad naman akong lumayo sa kanya. Nakaharap na ako ngayon sa kanya pero di ko maaninag yung mukha niya kasi madilim ang paligid at wala ako masyadong makita.

"T-teka... S-sino ka?" tanong ko sa kanya pero di siya sumagot. Sakto namang dumating si Sehun at yung mga ibang trabahante.

"Seulgi?!" naririnig ko sila sa labas habang nagtatakbuhan sa corridor hinahanap ako.

Agad kong binuksan yung pintuan at lumabas upang magpakita.

"Sese!" I waved my both hands high so that they could notice me. Agad naman silang tumakbo papunta sakin.

"Seulgi?! Okay ka lang?" concern na tanong sakin ni Sehun habang hinahawakan niya yung mukha ko.

"Oo, okay lang talaga ako. Wag mo na kong alalahanin." sabi ko habang tinatanggal yung mga kamay niya sa mukha ko.

"Sure? Narinig ka kasi namin na nagsisigaw. Kaya agad kitang hinanap." paninigurado niya.

"Doc, nakita na po namin si Patient 95. Andito lang siya sa kwartong ito." sambit nung isa kong katrabahante.

Napalingon kami sa likod. A-ano? Siya...

"Sige, ibalik na yan sa kwarto niya." utos ni Sehun sa kanila at agad naman silang umalis kasama si Jimin.

"Tek-" pinutol ni Sehun yung pagsasalita ko.

"Sa susunod, di mo na babantayan si Patient 95 okay? Iba na mag-aalaga sa kanya dahil sa nangyari ngayon. Wag ka munang lumapit sa kanya at baka saktan ka na naman ulit niyan. Arasseo?"

"N-no-"

"Hindi. Walang complains. Para din naman ito sa ikabubuti mo, Seulgi. Sige na, umuwi ka na sa dorm mo."

I sighed in relief. "Okay."

---

Andito ako sa dorm namin ni Joohyun unnie at nakahiga lang ako sa kama ko. Kanina pa umiikot sa isipan ko na paano nakapagsalita si Jimin? Mayghad. Infernes ah ang fafa ng boses niya HAHAHA ano ba Kang Seulgi? Nababaliw ka na naman. Hays -_-

So meaning ba magaling na siya? Paano niya nalaman na andun ako? Ano pa nga ba diba sumigaw ako? Hay nako. Pero seryoso, sino kaya yung babaeng yun? Connected ba siya sa past ni Jimin o isa lang din naman siya sa mga baliw na sumakabilang buhay na dun sa hospital a few years or decades ago? Hays! Ewan! Makatulog na nga lang!


Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum