pangatlo

17 1 0
                                    

Mabilis na dumaan ang mga araw simula ng puntahan ako ni Alli dito sa pinag tataguan ko. Tomorrow is her wedding day, ayoko man pumunta pero kailangan dahil ito na mismo ang nagtungo sakin para iabot ng personal ang imbitasyon niya. Actually my name isn't listed on her entourage dahil walang nakakaalam na may komunikasyon kami sa loob ng mahabang panahon.

"Ma'am hinahanap po kayo ni sir Troy, nasa conference room na rin po ang board members, engineers and architects" magalang na sabi ni Grace ng dumungaw ito sa pinto ng opisina ko

Tumango lang ako at nag ayos ng sarili ko bago magtungo sa meeting. Palabas na ko ng pinto ng tumunog ang cellphone ko.

"Hello Ali bakit napatawag ka?"

"Just to remind you that tomorrow is my wedding best, i hope you would come"

Bakas sa tono niya ang pakikiusap at excitement, I smile weakly, as if she can see me

"Best, I don't think I can make it.. I guess i'm not yet ready." Tinanungan ko lang lahat ng empleyadong bumabati sakin sa hallway

Natahimik ang kabilang linya. Marahil nakabusangot na ngayon si Alliyah dahil sa desisyon ko, ayokong umasa siya na darating ako kung mismong sarili ko hindi ko maintindihan ang ninanais

"Ganun ba?, okay sige ibaba ko na, may mga gagawin pa pala ako.. bye" then she hung up, alam kong nagtatampo ito.. bahala na bukas

**
Pag pasok ko sa conference room natahimik lahat ng tao sa loob nito, "good morning everyone" nakangiti kong bati na ginantihan rin naman nilang lahat, napatingin ako sa nakasimangot na si Troy.. tsk ang hilig sumimangot nito sayang kapogian, taas kilay ko itong nginitian ngunit ngiwi ang sinukli sakin, i just shook my head and smile

"Okay, let's start the agenda for today" Troy stood up and discuss what are the things to do for our next project, sa dami ng negosyo na tinayo namin minsan hindi ko na maintindihan kung para saan ang saan. This meeting is all about our new hotel na itatayo sa isang tourist spot sa Pilipinas.

"Aem will be the interior designer of course, since she'll be back to the Philippines she will be handling the project there" shock is written all over my face

"W-what are you saying Troy?" nagtataka kong tanong, hindi ko maintindihan

"You're going home right? You said you want to go home so this is your main agenda. Handle our project in the Philippines" malamig nitong turan, we ended our meeting when everyone agree on him

**
"Troy, ano yun huh? May iba akong agenda sa Pinas. And a week or two lang ako mag stay doon, what are you doing?" Pasigaw kong sabi pag pasok niya ng opisina ko. Diretcho lang itong umupo sa couch at dumikwatro as if I didn't shout, he look at me intently and handed me a white folder, i crease my brow

"What is this for?"nakasimangot kong tanong

"Baka gusto mong buksan para malaman mo"pilosopo nitong sabi, inirapan ko to at iniwan at nag tungo sa veranda

As like what he said binuksan ko ang folder at tumambad sa harap ko ang unang dahilan ng pag babalak kong umuwi sa Pilipinas. The agreement and contracts of the airline I was planing to buy.

"Why do you have to buy stocks on his company? Are you insane huh? Steph akala ko ba ayaw mo ng bumalik sa nakaraan e bakit lumalapit ka na naman ngayon sa apoy?" ramdam ko ang galit sa diin ng pananalita ni Troy. "Nahihibang ka na talaga," its not a question .. he set on his mind na baliw ako

"that airlines is on its peak of bankrupcy.. after all that is also mine, and Troy this is not for me, para 'to sakanila"

"Bahala ka Mae. anjan na rin yung ticket mo pabalik sa Pinas mamayang 10pm.. go home and fix your things "

Wala na kong nagawa ng ipagtulakan niya ko paalis ng opisina para makauwi sa bahay.. napangiti ako ng matanaw ang dalawang tao na naglalaro sa tabing dagat

"Mommy/ honey" sigaw nila pareho at nag tatakbo patungo sakin

"Hi baby, hi honey," sabay halik sa pisngi nila

"Honey, why are you so early today?" I pinch his cheeks and smile

"Kasi honey kaylangan ko ayusin yung mga gamit ko" the man beside me cross his arms on his chest

"For what honey?" His silver eyes look at me intently. Nagtatanong ang mga ito base sa tingin na ipinupukol nia

I sigh at binuhat ang nangangalabit na babae sa tabi ko. "Mommy, where are you going po?" I smile to her and went inside our house umupo kaming dalawa while that little men stood in front of us.. hindi parin mawala sa itsura nito ang pag kairita .. i know he want an answer

"Ahm, babies uuwi si mommy sa Philippines kasi may project na kaylangan ayusin si mommy dun, naiintindihan niyo naman si mommy right,?"

"So you're going to leave us here honey?" Masungit nitong tanong, pilit kong inabot ang munti niyang kamay pero lumayo lang ito

"Son, i have things to do there, babalik naman ako dito agad and andito naman si Papa Troy niyo pati si Tita Meg.." he just shook his head and run to his room

"Vaughn, come back here" sigaw ko rito pero patuloy parin ito sa pagtakbo, napailing ako at napabuntong hininga, naramdaman ko nalang ang bisig ng isa ko pang anak sa aking leeg

"Baby girl,are you mad at mom also?" she shook her head but I heard her sniff

"Shhhh.... don't cry Venice please, nasasaktan si mommy" napapikit ako ng lalo itong humagulgol, this is the reason why i was really hesitate to go back even though i really have to, leaving them brings pain in my heart ayokong maranasan nila ang naranasan ko noon, but i'm afraid that if i bring them to me, those people in my past might see them.

"kasi *hik* mommy, wag ka po alis *hik* .. iiwan mo na ba kami ni Vaughn ? Hindi mo na kami mahal?"

"No.. no.. no.. no... mahal ko kayo ni Vaughn, halika nga dito, ang panget mo na baby girl" napangiti ito kaya ngumiti na rin ako..

I hate seing my children hurt. Masakit para sa pakiramdam ng isang ina ang makitang lumuluha ang suling nito, kung kaya ko lang ibigay lahat kung sana sapat na ako para sakanila, kung sana sapat na ang mga bagay na gusto nila hindi ko na 'to gagawin pa, ngunit alam kong hindi, dahil may isang parte ng buhay nila ang nawawala. Hindi man ngayon nila ito maramdaman pero darating at darating ang araw na hahanapin nila ito para mabuo sila. Walang sikreto ang kayang itago pang habang buhay.

Ginugol ko ang mga oras para kausapin at paliwanagan ang mga anak ko, at kahit nag tatampo sila alam kong naintindihan nila ang mga sinabi ko, they are only 7 years old but they are brave and smart enough.

Darkest SecretWhere stories live. Discover now