Kabanata 69

2.1K 72 2
                                    

"Here in my heart"

Kirk's POV

Tulala...

Yan lang ang ginagawa ko habang nakahiga sa kama nitong ospital... Haaay ayoko na dito!

Pero wala naman akong magawa! Bwisit kasing lalaki yun siraulo! Kaasar! Sarap balikan eh gusto kong gumanti kahit isang sapak lang din!

Sobrang kinakabahan na ako.. pakiramdam ko may hindi na magandang ginagawa si Rage kay Miyang. Sana maging ok na ako agad!

Maya maya naman ay biglang bumukas ang pinto. "Sr mag i-inject lang po ng gamot." ani ng nurse na tila kinikilig.

Haaay... Oo maganda yung nurse pero wala si Miyang parin, wala talagang papantay sakanya.

Agad naman na ginawa ng nurse ang task niya inin-ject niya yung gamot sa swero ko. Haaay ayoko na talaga dito!

Napapikit nalang ako sabay buntong hininga, agad din akong dumilat sabay tingin sa nurse.

"Ok na po sr, maya maya po babalik ako para po sa pagkain nyo." nakangiting sambit ng nurse sabay check ng BP ko. After a seconds... "Sr relax lang po kayo medyo mataas po kasi ang BP nyo, kung ano man po yung iniisip nyo wag nyo po mung isipin.. mahal po kayo nun hehehe." ani ng nurse sabay ngisi at tawa. Siguro binibiro niya ako just to make me calm.

Ngumiti lang ako, wala lang ayoko makipag usap sakanya wala ako sa mood..

"Sige sr alis na po ako pahinga na po kayo." giit niya sabay alis nang nakangiti na kulang magtatalon.

Haaay! Ang gwapo ko kasi! Tsk!

Ahaha! Haay nakoo eto nanaman inaatake nanaman ako ng kahanginan kaya hindi na gumanda buhay ko eh! Haaay!

Napapikit naman ako ng saglit sabay tunganga sa kisame, bigla namang pumasok sa isipan ko si Miyang. Nag flashback sakin ang lahat-lahat.

Bigla ko naman naalala ang kantang Here in my heart, ang kantang kinanta ko sa videoke noong panahon na tila nahuhulog na ako sakanya. Haaay

Napapikit ako muli sabay kanta nito...

"Here in my heart there's a picture of us... together forever unfaded and unbroken, wherever you are youre love covers me, forevermore youre be here in my heart." Nanginginig na awit ko...

Halos naiyak ako nang mapagtanto ang lyrics ng kanta tamang tama sakin! Na parang feeling ko tuluyan mawawala si Miyang. At oo! Kahit kelan hinding hindi sya mawawala sa puso ko... nandito lang sya! Palagi sa sakin! At hinding hindi mawawala yun kahit ano pang mangyari!

"Miyang!!!" sigaw ko ng malakas!!!

Bakit ganito?! Ang saklap naman ng buhay ko? Ngayon na nga lang ako nagmahal nang totoo naging ganito pa? Haay ang sakit sobrang sakit! Bwisit!

Nakakaasar lang dahil tatay ko pa karibal ko! Ang lakas maka gago ng tadhana.. grabe! Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Gusto ko nang maging maayos to please help me! Kaylangan ko si Miyang!!

Maya maya naman ay napahagugol na ako! Ewan ko, hindi ko nanaman napigilan! Gusto kong sumabog! Gusto kong magwala! Gusto ko nang tanggalin tong swero na to! Gusto ko nang umalis dito!!

"Kirk?" sambit ng isang lalaki na papalapit sakin. "Shit tama na bro, tsk." giit ni Ronert sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako na tanggalin ang swero.

"Kuya ayoko na dito!" sigaw ko kay Ronert na napatulala nalang sakin.

"Makinig ka sakin Kirk, hindi ka lalo makaka alis dito kung gaganyanin mo ang sarili mo.. just stay ang calm, wag ka muna mag isip.. hindi yan makakabuti sayo nakausap ko ang doctor, hindi ka pa pwedeng umalis dahil sa taas ng BP mo... Daig mo pa may high blood!"

"Mas lalo lang akong mag iisip kung nandito ako! Kaya please uumalis na tayo dito!"

"Kirk hindi pwede! Please makinig ka wag nang matigas ang ulo. Ginagawan ko na nang paraan ang lahat." giit ni Ronert na kinatuwa ko.

"Really?"

"Oo basta mag pagaling ka lang, magiging maayos din to." ani ni Ronert sabay upo malapit sakin.

"Pasensya kana Ronert kung nagiging ganito ako." sambit ko sakanya ng malumanay.

"Its ok, naiintindihan kita kahit naman siguro ako mag kakaganyan kung sobrang mahal na mahal ko yung tao, sumabay pa yung problema mo about your family, about dad..... Isa lang ang hiling ko Kirk, kayanin mo bro.. please lang... I'll help you basta stay strong, ngayon pa ba na comfirmed na, na magkapatid tayo? Tulungan na to bro!... haay problema nga naman talaga.. pero wag kang mag alala matatapos din to. Wala namang problema na hindi nalulutas." giit ni Ronert na parang paiyak na... Haay malaki nalang ang pasasalamat ko na mabait ang tunay kong kuya, buti't hindi sya nag mana kay Rage.

"Salamat Kuya....Bro I have a question.." siryosong sambit ko."

"Ano yun?"

"Bakit sinadabi ni Miyang na sya si tita Helena at bakit yun ang tawag sakanya ni Rage? Naguguluhan ako." tanong ko kaya naman napapailing na si Ronert.

"Alam mo sobrang sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari, ganito kasi bro ang totoong nangyari....."

Halos ipokus ko ang buong atensyon ko kay Ronert habang nag k-kwento sya. Ewan ko pero kinakabahan ako sa mga sasabihin nya.

My Lady RobotWhere stories live. Discover now