Kabanata 4: Sofa

6.6K 233 8
                                    

Tunog ng orasan...

Iyan ang tanging maririnig sa loob ng condo ni Kirk. Tulog na tulog lamang ito habang si Miyang ay nananatili paring walang malay.

Nang dumating ang hapon, biglang tumunog ang doorbell ni Kirk ng limang beses.

Napamaktol lang si Kirk dahil sa ingay nito ngunit bumalik lamang siya sa pagtulog. Pero tumunog muli ng sunod sunod ang doorbell at tila ayaw na huminto pa.

Napabaligwas nang bangon si Kirk dahil sa nakakarinding tunog ng doorbell. Padabog itong lumakad papunta sa pinto.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nadulas ito at napahandusay sa sahig.

"Aray! Ang sakit!! Tsk, Bwisit naman oh, bwiset na susi to!" Maktol ni Kirk sa asar sabay kuha ng susi at lagay sakanyang bulsa.

Patuloy ang pagtunog ng doorbell kaya naman nairita na ito.

"Sandali lang eto na!" Sigaw niya sabay tayo at bukas ng pinto.

Natulala naman si Kirk nang makita ang kanyang ina at kapatid. "What?! Anong ginagawa niyo rito?!" Gulat niyang sabi.

"Hi kuya!" Nakangiting bati ni Jeff.

"Kirk, dito muna ang kapatid mo for one week okay?" Wika ni Loysa.

"What?! No! Ayoko! Ma!" Iritang sabi ni Kirk sabay bulong sa hangin nang "Impyerno kasama yang batang yan eh."

"Anong sabi mo?!" Inis na sabi ni Loysa.

"Wala po."

Napakamot nalang sa ulo si Kirk sabay lingon sa kanyang sala sa bandang kaliwa. Nanlaki nalang ang mga mata niya nang makita ang babae na nakahandusay sa sahig. Tila siya nawindang nang makita rin ang mga beer na nakahain pa sa mini table, malaking cake na box, at nagsabog na confetti.

Halos tumigil ang kanyang mundo sa nakita. Tila siya nabingi at halos di na marinig ang pagdada ng kanyang ina.

Ilang sandali pa'y naalala na niya ang mga nangyari kagabi kaya naman bigla siyang natauhan at namulat sa katotohanan.

"Kirk ano bang problema mo sinong impyerno?! Hah!" Galit na galit na sabi ni Loysa.

"MA! Ah sorry po bagong gising ako... Ahh! Ang sama nang panaginip ko.. akala ko nananaginip parin ako." Palusot ni Kirk.

Napataas nalang ang kilay ni Loysa sa sinabi ng kanyang anak.

Sa gulat ay hindi na malaman ni Kirk ang gagawin, kinakabahan siya na baka makita ito ng ina. Dahil malamang mapapagalitan siya nito at hindi bibigyan ng allowance. Kaya naman agad siyang nag isip nang paraan.

Nang makita niya ang kanyang kusina sa gawing kanan ay nagnining agad ang kanyang mga mata. Agad niya doon hinila ang kanyang ina at kapatid.

Nagulat ang mag nanay sa ginawa ni Kirk, pinaupo sila nito sa silya sabay hain sa kanila ng juice at spaghetti.

"Ma! Aah?! kain muna kayo ni baby... Okay yun diba?! My cute little sister!" Ngiting plastik ni Kirk.

"Right! hehehe." Sagot ni Jeff.

"Ok ka lang ba anak? May sakit ka ba?" Tanong ni Loysa na halos magpalit na ang magkabilang kilay sa pagkunot ng noo.

"Yup!....No!....Ah.. Yes!..No!... Ahhh.. MA!..OK lang ako aahh.. wait lang po ahh... ayusin ko lang yung mga gamit ko sa sala." Sambit ni Kirk na halatang natetense.

"Ohh?! Gusto mo ako na mag ayos anak.." Ani Loysa sabay tayo at pormang sisilip sa sala, kaya naman agad itong hinarangan ni Kirk na nagkunwaring nag iinat.

My Lady RobotWhere stories live. Discover now