Kabanata 31

3.4K 122 7
                                    

"Life"

Pagkarating ni Kirk sa bahay ni Mrs. Beth ay agad na itong pumasok sa loob.

Pagpasok nya roon ay napatulala sya sa kanyang nakita dahil ang daming nakahain sa mesa na tila may piesta, masayang masaya naman sina Miyang at Eden habang nag aayos ng mga gamit pang kusina.

Napalunok nalang si Kirk sa sobrang ganda ng mga presentasyon ng mga pagkain.

Kirk's POV

"Hahahaha!! Hi kuya!!" Masayang giit sakin ni Jeff habang nakikipag habulan kay Mrs. Beth.

Paikot ikot sila sa sala hanggang kusina.. Kaya papala makipag habulan ni Mrs. Beth?

Nakakatuwa lang kasi biglang nag iba at atmosphere ng bahay na to. Hindi katulad noong una kong punta sobrang lungkot na kahit may ilaw ay tila madilim.

Ngayon parang ang gaan gaan nang pakiramdam ko at parang ang liwa-liwanag, nakakatuwa lang.

"Kirk kain na." Masayang sambit sakin ni Eden... Hmmmn mukang ok na ok na sya ah?

"Kumain na yan, for sure pinakain yan ni Ronert." Ani ni Miyang sabay tingin sakin nang nakangiti.

Napalunok nalang ako sa sinabi niya.. Oo busog na busog pa ako pero... Aaahhhhhh!!!! Gusto kong kumain! Ang sarap kasi ng amoy, naghahalo halo ang mga bango ng mga ulam at dessert na tila ka nililipad papuntang upuan! Haaaay heaven is real!!!

Nakakainis! Malamang si Miyang ang nagluto lahat nang to!!

"Aahh sige sige mamaya hehe.." Pacute lang na sambit ko.

"Hindi pwede, hindi ka na kakain dahil busog ka na." Sambit ni Miyang sakin na tila nang aasar na galit.

Huhuhuhuhuhu!!! Bakit nya ako pinipigilan?

"Hayaan mo na ate Miyang ok lang yan wag mo syang pigilan.. Kaw ate ahh ayaw mong mawala abs ni Kirk no??!! Hahaha!!" Masayang giit ni Eden na tila nanunukso... Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Eden. Agad naman na napatingin si Miyang sakanya at bigla itong namula.

What?? Oo nga no namumula sya? Hindi!! Baka naman naiinitan lang sya. Ganyan kasi sya pag nagluluto, siguro napupunta yung init sa pisngi nya. Eh pumupula ang metals sa init.. Ewan! Baka ganun? I'm not sure. What ever.

"Hindi ahh!!" Pasigaw na sambit ni Miyang.

"Weh? Eh ba't namumula ka?" Mapanuksong giit ni Eden. Huh? Napansin nya rin pala?

"Joke lang yun! Halika Kirk upo kana!" Sambit ni Miyang na tila pagalit sabay hila sakin papunta sa upuan kaya napaupo naman agad ako. Ang lakas talaga nya!

Agad nya akong nilagyan ng plato sa harap ko at serve sakin ng mga pagkain. Kumuha sya ng small bowl para sa soup then rice na may halo halong ulam, pero how nice kasi ang ayos niyang nilagay iyon sa plate ko. Kumuha sya ulit ng maliit na mangkok para naman sa dessert. Aaahhh!! Shocks mapapalaban talaga ako.

"Aaaaaaaaaaaaahhh! Ang sweet!!!! Kiss naman dyan! Haha!" Mapanuksong tiratsa ni Eden na kina laki ng mga mata namin ni Miyang. Loko talaga tong si Eden kahit kelan pahamak!

"Don't tell me hindi pa kayo nag k-kiss? Mag jowa ba talaga kayo?" Nagtatakang sambit ni Eden.

"Oo j-jowa ko sya." Sambit ni Miyang na nauutal. Habang ako smirk face lang.. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"Sige nga? Kung kayo talaga kiss nga kayo." Muling pang asar na sambit ni Eden.

"Huh!!" Parehas na reaksyon namin ni Miyang. Shocks! Ano ba to? Pasaway talaga tong si Eden, pero pwede din..

My Lady RobotDonde viven las historias. Descúbrelo ahora