Kabanata 3: Gift

7.1K 248 8
                                    

Bago umuwi sa condo ay pumunta muna si Kirk sa mall upang mamili nang kung anu-anong gusto niya.

Ngunit nang siya ay mabigatan na sakaniyang dalahin ay nagpasya na itong umuwi sa bahay.

Sa parking lot, masayang masaya si Kirk habang nilalagay ang kanyang pinamili sa compartment ng sasakyan. Excited na itong laruin ang bagong bili nyang VR na tila totoong totoo na naroon ka sa laro. Mas maganda na ang effects nito, dahil may mararamdaman ka na rin sa eksena. Hindi na siya makapag antay na installan ito ng mga sex games.

Habang nagmamaneho ay napatingin si Kirk sa kanyang telepono na kasalukuyang nagvivibrate. Agad niya itong kinuha nang makitang tumatawag ang kanyang kaibigan.

"Hello Ronert napatawag ka."

"Hey bro!! Merry Christmas! May gift ako sayo dude!" Tuwang tuwang sabi ni Ronert.

"Huh? Merry christmas?! Aga naman ng gift mo bro.. ayos ah."

"Bro ito na ang pinakamasarap na regalo ko sayo swear!"

"Huh? Masarap pagkain?" Nagtatakang sambit ni Kirk.

"More than a food!"

"Wooooww! Wow!! Bro kinabahan ako dyan ahh!!." Masayang reaksyon ni Kirk.

"What time ba uwi mo?"

"Mga half hour pa ehh... Medyo malapit narin ako."

"Well enjoy your sweet night!" Sambit ni Ronert sabay end call.

"Haha.. Ronert? Ro? Ay?! End call na pala... Baliw talaga tong kaibigan ko. Kinakabahan ako ahh! Best friend ka talaga." Masayang sabi sa sarili at paandar ng mabilis.

Pagkarating ni Kirk sa kanyang condo unit, ay binuksan niya agad ang kanyang ilaw sabay sara ng pinto. Isinusi pa niya ito upang hindi siya maistorbo dahil may duplicate ang parents niya.

Kinakabahan itong pumasok sa loob dahil sa gift ni Ronert. Palingon lingon ito sa loob hanggang sa makita niya ang isang malaking cake sa kanyang living room.

"Ooww my! I know this stuff! Ronert!"

Lingid sa kaalaman ni Ronert, ay hindi basta basta pumapatol si Kirk lalo na kung prosti ito.

"Well a gift is a gift.. I have to enjoy it!" Sambit ni Kirk sabay takbo at upo sakanyang sofa at tagay sa nakahandang alak sa mini table.

Nag aantay lamang si Kirk na lumabas ang babae sa loob ng cake. Nasa imahinasyon na nito na ito'y nakahubad o kaya naman ay nakasuot lamang ng konting saplot at aakitin sya at sasayawan.

Nang kunin ni Kirk ang isang bote ng alak ay nahila nito ang taling nakakonekta sa cake kaya naman isang matinding pagsabog ang naganap.

Makapal na usok ang dulot ng pagsabog na may halong mga confetti. Kasama ito sa presentasyon nang pagsayaw ng chick. Nagulat si Kirk dahil dito pero imbis na matakot ay tuwang tuwa pa ito.

"WWOOOO! YEEEEAAAH!! Cool! I can't wait! Aah! Yeah!" Excited na sigaw ni Kirk.

Habang nakatingin si Kirk sa usok ay naaninag na niya ang nakatayong babae at nakatalikod. Pinagmasdan niya itong maigi mula ulo hanggang paa. Napakaganda nang hubog ng katawan nito. Mayroon itong mahang buhok na kulot.

Nakaramdam si Kirk nang matinding sensasyon sa katawan, mariin niyang kinagat ang ibabang labi sabay himas sa kanyang baba.

"Come on Baby!" Sigaw ni Kirk.

Napapikit si Kirk sa kanyang ginawa. Ngunit pagdilat niya ay nagulat siya dahil wala na ang babae sa cake.

At sa kabila nang kanyang inaasahan....

Paglingon niya.... Bigla siyang nakakita ng dalawang mata na kulay asul. Sobrang sama nang tingin nito sa kanya, kaya naman natigilan siya at natulala.

Maya maya lamang....

Sumunggab ito sa kanya sabay sakal...

"What the!! Arghh!! Bi..bitawan mo ko!! H-hindi ako ma.. makahinga!" Sigaw ni Kirk habang namimilipit sa sakit nang pagkakasakal sakanya.

Nakatingin lang si 9988 kay Kirk, na detect nito na isa itong estudyante na walang ginawa kundi magbulakbol, mambilog ng ulo ng mga babae at mang asar ng kapatid.

At dahil estudyante, nagpasya si 9988 na bitawan ito upang disiplinahin at pangaralan.

Mamatay matay sa ubo ni Kirk, halos maghabol siya nang hininga. Natumba nalang ito sa sahig dahil nakaramdam siya nang panghihina.

"Adriane Kirk Nepumuseno Holleman student from La Concepcion University." Dirediretsong salita ni 9988.

"A-Ano?! Sino ka ba hah?! Anong problema mo?!" Sigaw ni Kirk.

"Ang estudyanteng tulad mo ay hindi nararapat sa ganitong gawain, alam ba ito ng mga magulang mo?" Giit muli ni 9988.

"Regalo lang to sakin! Sino kaba?!" Umaalingawngaw na sigaw nito.

Hinila ni 9988 sa colar si Kirk sabay buhat. Inilagay niya si Kirk sa sofa na parang papel lamang.

Nanlaki ang mga mata ni Kirk sa takot, napaisip siya na baka isa itong demonyo. Kaya naman siya ay pumikit at nagdasal.

"Aba ginoong maria....." Nanginginig niyang dalangin.

Napatulala si 9988 sa pinagsasabi ni Kirk at maya maya lamang ay nakaramdam ito nang panghihina na ang rason ay pagkawala nang enerhiya, dahil sa sobrang paggamit nang kanyang kakayahan.

Maya maya lamang ay nawalan na ito ng power kaya naman bigla itong natumba at humandusay sa sahig.

Sakto naman na patapos na ang pagdadasal ni Kirk....

"Amen..!" Ani Kirk sabay dilat.

Nang makita niyang nakahandusay na ang babae sa sahig ay natuwa ito at nagtatatalon.

"Woooow! Wow!! DEMONYO KA! Thank you Lord!" Masayang sabi ni Kirk.

Dali daling tumakbo si Kirk papunta sa pinto ngunit natulala siya nang hindi niya makapa sa bulsa niya ang susi. Halos manginig sya sa takot sabay takip sakanyang bibig.

"Shocks nasaan na ba yun?!!!" Naguguluntang na sabi nito.

Halos manghina nalang ang tuhod ni kirk sa nerbiyos kaya naman napaupo siya at sumandal sa pintuan. Agad nitong tinawagan si Ronert upang humingi nang saklolo.

"Ronert hayop ka! Sagutin mo to! Ano tong dinala mo rito.." Aniya habang naghahabol nang paghinga.

Halos mag uumaga na ay tumatawag parin si Kirk kay Ronert hanggang sa magliwanag na sa sikat ng araw ang buong bahay niya. Hindi ito nakaramdam ng antok sa takot.

Nang mawalan siya ng pag asa na sasagot pa si Ronert ay naglakas loob na itong tumayo. Dahan-dahan itong naglakad sabay kuha ng vase para gawing pandepensa kung sakali mang sugurin muli siya nang hinihinalang demonyo.

Nakita niya na nakahandusay parin ang babae kaya naman ito'y kanyang pinagmasdan. Nabighani siya sa ganda nito kaya naman napalunok siya.

Natulala lang si Kirk sa dalaga at maya maya lamang ay nabasa niya sa damit nito ang numerong 9988.

Natigilan si Kirk at napaupo sa sahig.

"Shit! Bwisit ka Ronert! Bwisit talaga!!" Giit ni Kirk na asar na asar sabay tingin sa babae. "Hoy! Ikaw! Pasalamat ka hindi ako nananakit ng babae, nakoo! Baka kung ano pa magawa ko sayo!! Pero pano mo nalaman pangalan ko at school? Napaka imposible naman kung sasabihin iyon ni Ronert?"

Pagkatapos nito'y naupo si Kirk sa sofa at sumandal, nakaramdam siya nang ginhawa kaya naman ilang sandali lamang ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod at puyat.

My Lady RobotWhere stories live. Discover now