Simula: 9988

12.8K 404 16
                                    

Japan, November 2030

Isang female robot ang ginawa ni Dr. Kumo at pinangalanan niya itong 9988. Nilikha niya ito upang maging guro ng mga pasaway na estudyante na hindi sumusunod sa mga patakaran ng school. Iba na kasi ang mga kabataan ngayon, sobrang tigas na ng mga ulo nito dahil sa mga batas na inilalahad para sa karapatan nila.

Naging problema ito ng ahensya dahil marami na ang ayaw magturo dahil sa takot sa mga estudyante, lalo na sa college.

Isang propesor sa isang university si Dr. Kumo kaya naman kitang kita niya kung papaano ang naging sistema ng mga estudyante sa paaralan at kung paano nila balewalain ang edukasyon.

Minsan narin itong nabastos at mapihiya sa klase. Dumating pa sa punto na pinagtripan siya ng mga estudyante niya. Kaya naman nang maisipan ni Kumo ang bagay na ito'y hindi na siya nag aksaya ng oras.

Kakaiba ang robot na ito sa lahat nang naunang robot na nalikha na nang iba pang katulad niya. Kahit sino ay hindi makakapag sinungaling dito dahil nakakabasa ito nang isipan ng tao. Nalalaman nito ang nakaraan ng isang indibidwal sa pamamagitan lamang nang pagtitig sa mga mata.

Kung may riot man, kayang kaya ito ni 9988 dahil ang lakas nito ay higit pa sa lakas ng 50 kataong sumo wrestler

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa ito tapos, kulang pa ang data nito tungkol sa pagpapasensya.

Dahil magdidisyembre, nagpasya si Dr. Kumo na tapusin si 9988 sa pilipinas kung saan naninirahan ang kanyang mag ina. Siya ay nakapangasawa ng isang pinay at mayroon silang isang anak na nagngangalang Anelle, eight years old. Gusto ni Kumo na si Anelle ang unang maging estudyante ni 9988, kaya naman nais niyang tapusin ang robot sa tahanan nila sa pinas.

Sa kanyang paglalayag, habang pinag mamasdan ni Dr. Kumo ang kagandahan ng karagatan at mga ulap ay ninanamnam niya ang sariwang hangin. Sa bawat paglanghap ni Dr. Kumo ay nakikita niya ang kanyang pangarap na tanghaling hero dahil sa kanyang imbensyon na alam niyang makakatulong sa Japan at sa iba pang bansa.

Naiisip niya na isang malaking tulong si 9988 dahil nilikha niya itong mabait, matulungin at mapagmahal.

Ngunit biglang natauhan si Dr. Kumo nang may marinig siyang pagsabog mula sa ibaba ng barko.

Napaluhod siya maging ang mga kasama niya dahil sa pagyanig. "Nani? Nanda kure? Shoto... 9988!" Natatarantang sigaw ni Dr. Kumo sabay kapit sa bakal upang hindi mahulog dahil gumewang nang malakas ang barko na tila may lindol.

Dali-dali itong bumaba nang matapos ang pagyanig kasama ang ilan niyang kasamahan. Natulala si Kumo nang makita niyang umaagos na ang tubig sa lugar kung saan naroon ang kanyang imbensyon.

Hindi nagpatinag si Kumo, kahit papataas na ang tubig ay pinuntahan parin niya ang kanyang robot.

Pagkarating ni Dr. Kumo sa kinaroroonan ni 9988 ay halos mapuno na ng tubig ang buong palapag. Kaya't huminga siya nang malalim sabay sisid sa lugar.

Nang makita niya ang kinalalagyan ni 9988 ay agad niyang ti-nype ang password. Ngunit sa kasamaang palad, nang pipindutin na niya ang enter ay biglang may naganap ulit na pagsabog. Sa lakas nito'y humampas ang ulo ni Kumo sa pader kaya naman nawalan ito nang malay.

At mga ilang minuto lamang ay lumubog na ang barko kasama ang mga pangarap ni Dr. Kumo.

My Lady RobotHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin