Epilogo

2K 66 14
                                    

Heart's POV

"You may now kiss the bride." wika ng pari sa aming dalawa ni Angelo.

Isa at kalahating taon ang lumipas ay natupad din ang pangarap kong magka-boyfriend. At sa katauhan iyon ni Angelo. Mahigit isang taon din niya akong niligawan then a year and a half after, nag-propose siya at sinagot ko naman. Ngayon ay araw ng aming kasal. Masayang-masaya ako dahil tinupad niya ang kaniyang pangakong maging tapat sa akin.

Virgin pa talaga siya. Wala pa talagang nakahalik sa mga labi niya. Ako pa lang. Choosy pa ba ako? Nalaman ko nga rin pala kay Angelo na si Charles ang nagligtas kay Solti nang muntik na siyang magahasa.

Nakaramdam man ako ng awa pero nanatili naman akong mabait kay Charie. Nasa kulungan siya at siguro ay matatagalan pa bago siya makapag-piyansa. Inilibing naman si Charles. Pumunta kami ni Angelo. Kaibigan pa rin kasi ang turing niya kay Charles kahit ganoon na ang nangyari. Naipaghiganti naman niya ako sa mga taong gumahasa sa akin at nagpapasalamat ako sa kaniya dahil doon.

"Congratulations, Bestie. Si Angelo na nga ang lalaking hinihintay mo. Wish ko na magtagal kayong dalawa." bati ni Solti sa akin.

"Salamat, Solti. Salamat, Bestie. Kailan ka naman magpapakasal? Sayang naman ang glutathione mo kung walang maghahabol sa iyong lalaki." sabi ko naman sa kaniya. Nagtawanan naman kaming dalawa.

"Excuse me?" napalingon kami pareho ni Solti sa nagsalita.

"Congratulations nga pala sa iyo, Heart. Ako si Bryan. Kaibigan ako ni Angelo. Gusto lang kitang batiin." aniya. Nakipagkamay naman ako at nagsabi ng thank you.

"And who's this lovely lady with you, Heart?" tanong niya sa akin.

"Oh!" ipapakilala ko pa lang sana si Solti pero si Solti na ang umabot ng kamay ni Bryan.

"I'm Soltere. Just call me, Solti." ang babaeng ito. Basta guapo ang bilis. Bago pa siya magpaalam sa akin ay may ibinulong ako sa kaniya.

"Mag-iingat ka sa mala-anghel na mukha, Solti. Ayaw kong magaya ka sa akin at maranasan mo na namang muntikang magahasa." tumawa na lamang siya at nag-wink sa akin. Nagpaalam na ang dalawa sa akin na mag-uusap lang daw.

"Hi, baby! My wife, how are you?" mula sa likuran ko ay narinig ko ang pamilyar na boses ni Angelo.

"Hi, darling, my husband. I'm fine," agad ko siyang hinalikan sa labi at mahigpit na niyakap.

"Thank you for everything you have done for me, my darling. I love you very much." sabi ko.

"Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, my baby Heart. Thank you for trusting me to marry me and to have you as my wife. I love you too, Mrs. Crux." siniil niya ako ng halik at mahigpit niya rin akong niyakap.

I am wishing na magtagal ang aming relasyon. Naniniwala ako Sa Ngalan ng Puso kong sinaktan na hinding-hindi na mauulit pa ang isang masamang panginip. Sa piling ng aking pinakamamahal na si Angelo ay magiging positibo ako ngayon at sa susunod pang hinaharap hanggang sa magkaroon kami ng mga anak.

Mamahalin ko siya nang tapat at buong-buo mula sa kaibuturan ng aking puso.

Sa Ngalan ng Puso ko, ako si Heart at diyo nagtatapos ang aking kuwento.

Sa NGALAN ng PUSO #Wattys2016Onde histórias criam vida. Descubra agora